Baby nasawi matapos masamid sa iniinom na gatas mula sa bote

Isang paalala na huwag gumamit ng kahit anong bagay bilang panghawak sa bote ni baby. Alamin ang panganib nito kapag may nasamid na baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilan sa inyo ang nagpapainom ng baby sa bote na nakasandal o nakapatong sa unan o kumot para hindi na kailangang hawakan? Alamin ang panganib na puwede nitong idulot.

Sa United Kingdom, ang Senior Lincolnshire coroner na si Stuart Fisher ay nagbabala sa mga bagong magulang sa mga panganib ng pagpapainom sa bote sa mga bata nang walang bantay. Ang mga caregivers ay lalong dapat maging maingat sa pagpapainom ng mga baby mula sa nakasandal o nakapatong na bote sa ibang bagay, dagdag pa niya.

Ang kaniyang payo ay ibinigay dalawang taon mula sa pagkamatay ng 4 buwang gulang na si Alex Masters nuong ika-3 ng Oktubre taong 2015 sa UK. Nasamid ang baby sa iniinom nitong gatas mula sa bote na ipinatong sa kumot.

Ang pagkamatay ni Baby Alex ay resulta ng trahedya sa panganib ng pag-inom sa bote

Si Alex ay naiulat na namatay matapos masamid sa gatas. Siya ay nasa pangangalaga noon ng kanyang ninang na si Claire Sawyer, na natutulog sa katabing sofa.

Iniwan si Baby Alex ng kaniyang ina na si Chloe sa kumare nito upang alagaan ng magdamag. Matapos ang hindi inaasahang insidente, tinanong ni Chloe si Claire kung ano ba talaga ang nangyari sa kaniyag anak.

Napag-alaman na nilagay ni Claire ang baby sa car seat nito. Kanyang ipinatong ang bote ng gatas sa kumot para mainom ng baby nang hindi niya hinahawakan. Dahil maaga pa, nakatulog si Claire habang binabantayan ang bata.

Nang magising siya, naiulat niyang natagpuan ang bata na asul na ang labi. Isinugod niya ito sa malapit na ospital. Ngunit hindi na naisalba ang buhay ni Baby Alex.

Ibinunyag ng coroner na si Stuart Fisher sa kaniyang post-mortem report na puno ng gatas ang baga ni Baby Alex. Maaaring nasamid ito habang dumedede sa bote kaya napunta ang gatas sa daluyan ng hangin.

Base sa mga ebidensiya na nalakap sa pagtatanong, inirekumenda ni Fisher na hindi dapat iwan mag-isa ang mga baby na may nakasandal o nakapatong na bote. Ito ang isa sa mga pinakamalaking panganib ng pagpapa-inom sa bote, ayon sa kanya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dapat ilayo ng mga magulang ang mga baby mula sa mga nakasandal na bote

“Ang mga magulang o carers ay dapat hindi alisin ang kanilang mga mata sa baby na umiinom ng gatas mula sa nakasandal na bote,” payo ni Fisher. Kanya ring itinuro ang mga panganib ng pagtulog habang nag-aalaga ng baby.

Ang nagluluksang ina ng baby na si Chloe ay nagsalita rin sa panganib ng mga nakasandal o nakapatong na bote.

“Huwag na huwag mag-prop ng bote ano man ang mangyari,” sabi ni Chloe sa Lincolnshire Live na ini-report ng PopSugar. “Maaaring malagay ka sa sitwasyon na ito sa iyong sariling anak. Ginawa ko at akala ko ay hindi ito magdudulot ng kahit anong tulad nito at nagbabantay ako. Ngunit ang tao ay maaaring mawala ang konsentrasyon.”

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahit mukha mang madali, ang nakasandal na bote ay maaaring magdulot ng ilan sa malalaking panganib ng pagpapa-inom sa bote. | Image courtesy: Pixabay

Isa sa pinakamalaking panganib ng pagpapa-inom sa bote: mga nakasandal o nakapatong na bote ng gatas

Totoo na kapag pina-inom ang baby mula sa bote ay mayroong mga panganib. Isa sa mga ito ay mula sa pagsandal o pagpatong ng bote sa ibang bagay upang hindi na ito hawakan habang dumedede ang baby. May mga gumagawa nito gamit ang kumot, laruan, o maging unan. Kadalasan, ito ay isang choking hazard, tulad ng sa kaso ni baby Alex.

Kahit mukha mang madali, ang nakasandal na bote ay maaaring magdulot ng ilan sa malalaking panganib ng pagpapa-inom sa bote. Ito ay kung paano:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Maaaring masamid ang baby

Kapag isinandal mo ang bote ng iyong baby, nawawalan siya ng kontrol sa kung gaano siya kabilis o kabagal iinom. Ang tuloy-tuloy na daloy ng breast milk o formula ay maaaring magdulot ng pagkasamid, lalo na kung masmabilis ang daloy nito kumpara sa pag-inom ng baby.

Posible din na ang baby ay makahinga ng mabilis na dumadaloy na gatas na magdudulot ng pagbara sa nasal passage at kanyang mga baga.

2. Problema sa baga

Tulad ng nasabi sa naunang article, kung ang baby ay nasa kama nang may bote (lalo na kung siya ay tulog) ang daluyan papuntang lalamunan ay bukas para daanan ng hangin. Ang kakaunting dami ng gatas ay maaaring dumaan sa daluyan ng hangin at mamalagi sa baga.

Maaari itong magdulot ng pneumonia at iba pang problema sa baga ng iyong baby.

3. Suffocation at hirap sa paghinga

Naitataas ang panganib ng suffocation base sa kung ano ang gamitin na sandalan ng bote. Kung ilagay ito sa malambot na bedding, unan at malalambot na laruan o kumot sa loob ng crib, tumataas ang posibilidad ng SIDS pati narin suffocation.

May mga tsansa na lahat ng gamit na ito ay mabuhol sa isa’t isa at sa baby.

4. Maagang pagkasira ng ngipin

Ang pagsandal ng bote ng gatas ay maaari ring magdulot ng maagang pagkasira ng ngipin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa American Dental Association, “Ang ngipin ng baby ay nag-iiwan ng puwang sa panga para sa adult teeth.” Kaya kung ang ngipin ng baby ay maagang mawala dahil sa pagkasira, maaari nitong maitulak ang susunod na ngipin sa puwang na walang laman. Maaari itong magdulot ng hindi pantay-pantay na ngipin dahil nagsisimula nitong ma-overlap ang isa’t isa.

Ang pagsandal ay nagdudulot ng pagkasira ng ngipin dahil sa sobrang likido na dumadaloy sa mga ngipin. At ang ngipin ng baby ay may masmatagal na pagdikit sa sugar sa kanyang pagkain. Sa kabilang palad, kung ang baby ay nakatayo, ang kanyang laway ay patuloy na nililinis ang kanyang ngipin.

5. Impeksiyon sa tenga

Kung ang iyong baby ay nakahiga, may naiipon na gatas sa likod ng kanyang bibig. Kung ang gatas na ito ay manatili nang matagal, maaari itong mapunta sa Eustachian tubes. Maaari itong magdulot ng impeksiyon sa tenga.

Lahat ng duktor na makakausap mo ay magpapayo na huwag patulugin ang baby nang may bote ng gatas na pampatulog. Sobrang dami ng maaaring mangyaring mali. Samakatuwid, makakabuting iwasan ang ganitong mga gawain upang mapanatiling ligtas at malusog ang baby.

 

Sources: Yahoo, BBC, Livestrong, PopSugar

BASAHIN DIN: 8 helpful tips on bottle feeding your baby

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement