Nang matumba at natamaan ang ulo ni Natasha Richardson, isang British Aktres, habang nag-aaral ng skiing sa Quebec, Canada noong 2009, hindi niya masyadong binigyang pansin ang pagkatama ng kanyang ulo. Matapos tumanggi ng dalawang beses sa medikal na atensyon, sa wakas at nagpasya siya nang naramdaman niya ang pagsakit sa ulo at iba pang malubhang sintomas. Dinala siya sa isang hospital sa Montreal kung saan nilagay sa “intensive care unit” at idineklarang “brain dead”. Dahil sa kanyang kondisyon, nadesiyunan na ilipad siya pauwi ng kanyang asawang aktor na si Liam Neeson sa kanyang tahanan sa New York kasama ang kanyang kaibigan at pamilya. Pumanaw siya pagkatapos.
Kagaya ni Richardson, karamihan sa atin ay hindi pipiliin pumunta sa ospital kapag aksidente nating nauntog ang ating ulo sa pagkatumba o sa pagkatama sa isang matigas na bagay. “Kapag nasugatan ang ating braso o binti, makikita natin ito sa pamamagitan ng pasa, sugat, bukol, o bali” sabi ni Cymbeline B. Perez-Santiago, MD, Chief of the Section of Neurology of the top hospital in the Philippines Makati Medical Center (MakatiMed). “Ngunit ang traumatic brain injury (TBI), o ang biglaang pwersa sa bungo na sapat na galawin ang utak, ay hindi laging halata.
Ang TBI ay maaring magsimula sa hindi gaanong kalalang pasa, sugat o maliit na bukol sa ulo, hanggang sa mas seryoso at nagbabanta ng buhay na mga kondisyon. “Ang ‘concussion’ ay isang mild traumatic brain injury kung saan mag-iiwan sayo ng pagkahilo, sakit ng ulo, sakit sa leeg, o problema sa paningin,” paliwanag ni Dr. Perez-Santiago. “Ang ‘contusion’ ay tumutukoy sa pagdurugo sa utak o ‘parenchyma’, tulad ng pasa sa tisyu ng utak. ឴Ang ‘skull fracture’ ay naman ay tumutukoy sa pagkabasag ng buto sa iyong bungo, at ang matatalim na nabasag na buto ay maaaring pumasok sa iyong utak o arterya, na magreresulta sa pamumuo ng dugo na pumipigil sa iyong utak.”
Itong pamumuo ng dugo ay kilala sa pangalang ‘hematoma’, at maaari itong mangyari kaagad pagkatapos ng tama sa ulo, o matapos ang ilang araw o kahit linggo. Ang aktibong pagdurugo ay maaaring magdulot ng peligro sa utak. “Maaring ito ay ilagay ka sa panganib ng posibleng pinsala sa utak at kahit kamatayan,” dagdag ni Dr. Perez-Santiago.
Para sa MakatiMed, walang head injury ang maliit o hindi mahalaga para hindi ipatingin sa isang propesyonal. “At dahil ang kapahamakan dulot ng ‘head injury’ ay nangyayari habang lumilipas ang oras, inirerekomenda pa rin na magpatingin sa iyong doktor sa loob ng isang linggo pagkatapos ang aksidente. Sa ganitong paraan, maaari silang humingi ng follow-up na ‘imaging tests’ para suriin ang mga bagong sintomas, o suriin kung ang umiiral na mga sintomas ay lumala o bumuti,” paliwanag ni Dr. Perez-Santiago.
Kung ang head injury ay minor lamang: “Umupo o humiga ng kumportable kung saan ang iyong ulo ay medyo nakataas. Maglagay ng ice pack sa nasugatang bahagi, at linisin ang anumang sugat gaming ang tubig at ‘wound disinfectant’. Magbigay ng ‘over-the-counter na pain reliever kung may sakit ng ulo,” sabi ni Dr. Perez-Santiago. “Ang isang tao na may pinsala sa ulo ay hindi kinakailangang manatiling gising sa lahat ng oras, ngunit tiyakin na maaari siyang magising ng dahan-dahan at magsalita ng normal.”
Kung ang head injury ay may kasamang sumusunod na sintomas: “Pagsusuka, sakit ng ulo at pagkahilo, doble ang paningin, pagkalito, pagkawala ng memorya, hirap na manatiling gising, problema sa balanse, hirap sa pandinig at pagsasalita, at sakit na hindi nawawala kahit uminom ng pain reliever ay mga palatandaan ng mas seryosong pinsala,” paliwanag ni Dr. Perez-Santiago. “Mahalaga ang oras. Pumunta agad sa pinakamalapit na emergency room.”
Kung ang head injury ay nagpapakita ng mga sintomas ilang araw o linggo pagkatapos ng aksidente: Magpatingin agad sa iyong doctor para sa patuloy na sakit ng ulo at pagduduwal, mga problema sa memorya at balanse, panghihina sa isang kalahati ng katawan, pagkalito, mga pasa, at pagtaas ng antok,” sabi ni Dr. Perez-Santiago. “Ito ay mga malalang senyales na nagpapahiwatig ng mga komplikasyon matapos ang pinsala sa ulo.”
“Kapag tinamaan ang iyong ulo, mas mabuting magpatingin sa isang neurologist na maaaring suriin ang iyong kalagayan at maiwasan ang anumang mga problema na maaaring lumitaw mula sa iniisip mo na maliit lang na aksidente,” paalala ni Dr. Perez-Santiago.”
For more information, please contact MakatiMed On-Call at +632.88888 999, email mmc@makatimed.net.ph, or visit www.makatimed.net.ph.