Nationwide transport strike isinasagagawa ngayon sa bansa

Narito kung bakit may isinasagawang nationwide transport strike sa bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nationwide transport strike isinasagawa ngayong araw dahil sa mariing pagtutol ng mga transport groups sa nakaambang pagtatanggal ng indibidwal na prangkisa ng mga jeep sa ilalim ng modernization of public vehicles program ng gobyerno.

File photo from GMA News

Nationwide transport strike

Pasakit at pahirap, ito ang dulot ng isinasagawang nationwide transport strike ngayong araw sa mga commuters.

Kahit una ng nag-anunsyo ng pagkakansela ng klase kahapon sa ilang lugar sa Pilipinas, business as usual naman ang mga empleyado na pangunahing apektado ng nagaganap na nationwide transport strike ngayon.

Ito umano ang naisip na paraan ng mga transport groups upang maipakita ang kanilang pagtutol sa nakaambang pagtatanggal ng indibidwal na prangkisa ng mga jeep sa ilalim ng public vehicles modernization program ng gobyerno.

“Ang pinaglalaban po namin ‘yung plano ng DOTR at LTFRB na kami raw po ay tatanggalin na ng 2020, at ‘pag July 1 ay mawawala na daw ang mga jeep at mga UV Express at papalitan na ito ng sinasabi nilang bagong modelo ng transportasyon dito sa ating bansa.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Mody Floranda presidente ng grupong PISTON o Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide sa isang panayam.

“Kahit kailanman ay hindi po kami tumututol sa modernisasyon. Ang tinututulan namin dito ay bakit ina-absolute, bakit bahagi ng mga nilabas nila na MC No. 2017-011 ay tatanggalan kami ng mga individual na prangkisa at papahawakan sa malalaking mga korporasyon ang moda ng transportasyon dito sa ating bansa,”

Ito ang dagdag na paliwanag ni Floranda.

Paliwanag ni Floranda, ang plano umanong ito ng gobyerno ay hindi lamang makakaapekto sa mga maliliit na drivers at operators na walang kakayahang bilhing ang isang modernong jeep na nagkakahalaga ng mahigit na 2 milyong piso . Malaking dagok din ito sa mga mananakay dahil sa epekto nito sa pagtaas ng pamasahe.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kami po ay humihingi ng pang-unawa sa lahat ng commuters at sa lahat po ng mga mamamayan. Ang laban po ng drayber ay hindi lamang laban ng drayber at operator kundi ito po ay laban din ng mamamayan”, dagdag na pahayag ni Florinda.

Jeepney Modernization Program

Sa ilalim ng jeepney modernization program ay nilalayong tanggalin na sa kalsada o patigilin na sa pamamasada ang mga lumang  jeepney na 15 years old o higit pa sa darating na 2020. Ang mga ito ay papalitan na ng environment-friendly engines na sasakyan tulad ng Euro Diesel 4.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Chairman Martin Delgra hindi naman dapat mag-aalala ang mga drivers at operators. Dahil nakahanda silang magprovide ng financial assistance para sila ay makakuha ng modern utility vehicle sa ilalim ng bagong programa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Handa umano silang magbigay ng 5% equity, 6% interest rate na may payment method na aabot hanggang pitong taon. Pati na ang P80,000 per unit subsidy sa mga mag-paparticipate sa modernization program.

“We have negotiated with the government financial institution para reasonable at hindi mabigat sa ating mga  PUJ operators who are willing to participate in the modernization program”, pahayag ni Delgra.

Nagbabala din siya na sususpendihin o ikakansela ang prangkisa ng mga operators na nakisali sa nationwide transport strike ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, ayon sa Alliance of Concerned Transport Organization o ACTO ay may 70,000 na UV express at jeepney drivers ang nagpakita ng kanilang partisipasyon sa ginagawang transport strike ngayong araw.

Bilang tulong naman sa mga commuters na apektado ng nationwide transport strike ay may libreng sakay namang inihanda ang Philippine National Police at iba pang government agencies. Ito ay sa pamamagitan ng mga transport trucks at fire engines na libreng magsasakay sa mga commuters.

May libreng sakay rin sa ilang siyudad sa Maynila tulad ng Marikina at Quezon City. Habang may dagdag na buses din daw ang babyahe sa Monumento, Quezon Avenue, Taft Avenue, Guadalupe at ilang parte ng Bulakan.

Source: CNN News, GMA News

Basahin: 9 websites where you can apply for home-based typing jobs

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement