Madalas ba mag-tantrum ang iyong anak dahil sa pagkautal? Heto ang solusyon

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang batang nauutal pag nagsasalita ay hindi bihirang makita. Ayon sa National Institute on Deafness and Other Communication Disorders, 5% hanggang 10% ng mga bata ay nakakaranas nito. Kadalasan, kusang umaayos din ang kanilang pagsasalita sa loob ng ilang araw, linggo, o buwan. Kadalasan itong nangyayari kapag ang bata ay pagod, excited, nagaalala, galit, o masama ang loob.

Subalit, ang batang nauutal pag nagsasalita ay nakakaranas ng hirap makipag-usap. Ito ay nakakabigo at nakakahiya para sa kanila. Dahil dito, hindi malabo na ang nauutal ay mahantong sa pagtantrums. Ang tantrums ay isang paraan ng bata para iparating ang pagkabigo, galit, at kawalang kapangyarihan sa pagka-utal.

Bakit nagkaka-tantrum kapag nauutal pag nagsasalita?

Normal sa bata ang magalit at mainis kapag hindi maintindihan ang gustong iparating. Ito ang nararanasan ng mga batang nauutal. Tulad ng pagka-utal, ang tantrums ay nangyayari kapag ang bata ay pagod, nagaalala, gutom o masama ang loob.

Karaniwan, may ilang kailangang gawin para maayos na mapakalma ang isang batang nagta-tantrums. Kabilang dito ang pagiging kalmado, pagpunta sa pribadong lugar, at pagtulong sa bata na gamitin ang mga salita niya. Ngunit, ito ang mahirap gawin para sa mga batang nauutal at ito ang pangunahing dahilan kaya siya nagtantrums.

Para mapatahan ang nagtatantrums na batang nauutal, kailangan ng mas mahabang pasensya. Sa sandaling kumalma na ang bata at handa nang makinig, tignan sila sa mata at kalmadong kausapin. Sabihan sila ng mga salitang, “Alam kong galit ka pero hindi parin tama ang manipa ng iba.” Maging direkta at malinaw. Kahit pa ano ang iyong nararamdaman, iparamdam sa bata na sila ay ligtas at minamahal.

Turuan siya kung paano iparating ang kanyang gustong sabihin sa pamamagitan ng paggalaw. Sabihin sa kanya na sa susunod na maramdaman niya ito, ipaalam sa iyo bago manipa, mangagat, o umiyak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pag-iwas sa tantrums ng nauutal

Pareho lamang ang kailangang gawin para maiwasan ang tantrums ng batang nauutal pag nagsasalita. Ngunit, mas kailangan bigyan ng atensiyon ng mga matatanda ang mga ito para makita agad ang nais sabihin ng bata. Ito ang ilang paraan na makakatulong para mabawasan o matanggal ang pagtantrums nila.

Ibigay sa bata ang buong atensiyon

Kapag kasama ang bata, huwag mag-cellphone, TV, o iba pang maaaring makaagaw ng iyong atensiyon. Ibigay sa bata ang buong atensiyon nang hindi umabot sa pagtantrums ang pagkuha niya nito.

Lambingin ang bata

Bigyan ang bata ng mga yakap at halik. Iparating sa kanya na siya ay minamahal at handang intindihin.

Magtakda ng schedule

Ang pagkakaroon ng schedule sa paglalaro, pagtulog, at pagkain ay napaparamdam sa bata na nasa ayos ang kanyang mundo. Sinisigurado rin ng schedule na mabibigay sa kanya ang pisikal na pangangailangan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hayaan siyang pumili kung maaari

Hangga’t maaari, bigyan ng kontrol ang bata at hayaan siyang pumili sa mga bagay. Halimbawa, anong libro ang nais basahin, o anong kanta ang nais patugtugin.

Siguraduhing hindi siya naiinip

Bigyan ang bata ng iba’t ibang paraan para mapasigla. Maaaring ito ay kanta, paglalaro, pag-iisip, at iba pa.

Paglaruin sa labas

Maaaring magwala ang bata kung hindi makakuha ng sapat na pisikal na aktibidad. Ang 2 taong gulang ay kailangan ng nasa 3 oras na paglalaro kung saan malaking bahagi nito ay ginagawa sa labas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iparating sa bata na maayos ang kanyang napapaligiran

Sa tantrums, maaaring magalit o mainis ang mag tao sa inyong paligid. Maging responsable sa kapakanan ng iba at pababain ang tensiyon.

Role-playing

Sa kalamadong pamamaraan, i-arte ang naging pagtantrum ng bata. Gawin itong nakakatawa at hindi isang pagpapagalit o panunumbat. Magkasama ninyong pag-isipan kung paano ipaparating sa susunod ang nais sabihin nang hindi nagwawala.

Non-verbal alternatives

Magkasamang gumawa ng listahan ng mga hindi pagsasalitang paraan ng pagpaparating ng nararamdaman. Maaaring magprint ng mga larawan na magpapakita ng kailangang gawin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Alagaan ang iyong sarili

Mahirap ang maging magulang. Kung ang bata ay nakakaranas ng pag-utal sa pagsasalita, mangangailangan ng dagdag na lakas, pagtuon, at kaalaman. Mabuting tandaan na lilipas din ito. Matututo rin ang anak na iparating ang nais sabihin at kontrolin ang emosyon. Mabuting makahanap din kung paano kontrolin ang sariling emosyon para mapanatili ang pasensiya at atensiyon.

 

Source: Psychology Today

Basahin: Stop the Stutter! – 5 helpful tips from a mom who helped her kid overcome his speech impediment

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement