Nanay, nangitim ang suso at muntik nang mamatay dahil sa necrotizing mastitis

Alamin kung ano ang necrotizing mastitis na muntik ng maging dahilan ng kamatayan ng isang breastfeeding mom.

Necrotizing mastitis ang naging diagnosis ng mga doktor ng makita ang nangingitim ng suso at namimilipit sa sakit na breastfeeding mom na si Vicky Doxat.

Image from Freepix

Unang inakala ni Mrs. Doxat na simpleng mastitis lang ang pamamaga at pananakit ng kaniyang kaliwang suso habang bine-breastfeed ang kaniyang kambal.

Ayon sa kuwento ni Mrs. Doxat ay una na siyang nakaranas ng pananakit sa suso noong pinapadede niya pa ang kaniyang panganay na anak.

Kinailangan niya lang daw noong uminom ng antibiotics para maibsan ang pananakit na nararamdaman.

Ngunit sa kaso ng kaniyang sumunod na anak na kambal ay napasuso niya parin naman daw ang mga ito ngunit mas tumitindi ang pananakit ng kaniyang suso kahit na ba umiinom na ito ng antibiotics.

Sa una niya ngang pagpapatingin sa doktor dahil sa pananakit ng kaliwang suso ay sinabing ito raw ay dulot lang ng pag-eexpress niya ng gatas.

Kaya naman siya ay pinauwi kahit na ba nagpapasa na ang kaniyang suso sa sakit. At niresetahan lang siya ng antibiotics at painkillers na makakatulong raw para malunasan ito.

Ngunit mas lumala ang ang kaniyang sitwasyon kinabukasan, mas namaga pa ang kaniyang kaliwang suso at lumaki ito ng doble sa orihinal nitong laki.

Dahil sa hindi na makapagsalita sa sakit ay agad ng dinala sa ospital si Mrs. Doxat na kung saan ang kaniyang kaliwang suso ay nagkulay itim na.

Image from DailyMail UK

Dito na siya na-diagnose na infected ang kaniyang kaliwang suso ng flesh-eating bacteria na kung tawagin ay necrotising fasciitis.

Kahit nabigyan na ng medikal atensyon ay kumalat parin ang infection na dulot ng necrotizing mastitis.

Pati ang kaniyang tiyan ay nagkulay pula na rin na kung saan kinailangan niya narin ng morphine para maibsan ang sakit.

Dito na napagdesisyunan ng mga doktor na dapat ng operahan sa Mrs. Doxat at tuluyan ng tanggalin ang kaliwa niyang suso na infected ng necrotizing mastitis.

Biglang paghahanda nga sa operasyon ay kinailangang uminom ni Mrs. Doxat ng isang hormone para matigil ang kaniyang lactation o pagpo-produce ng gatas.

Mabuti na nga lang daw at naging successful ang naging operasyon.

Hindi daw makakalimutan ni Mrs. Doxat ang karanasan na ito ng nangyari sa kaniya noong 2017.

Akala niya daw ay mamatay na siya sakit dahil sa infection na tumama sa kaniyang kaliwang dibdib.

Ngayon, matapos ang mga operasyon at surgery para i-reconstruct ang kaniyang kaliwang suso ay balik na ulit sa dati niyang malusog na buhay si Mrs. Doxat.

Image from DailyMail UK

Dahil nga sa pinagdaanan ay natuto na siyang mas alagaan pa ang kaniyang sarili at tumanggap ng tulong mula sa iba kung kinakailangan.

Umaasa rin siya na sana mula sa karanasan niya ay matuto rin ang ibang ina gaya niya na huwag pabayaan ang kanilang sarili habang inaalagaan ang kanilang mga anak.

Ano nga ba necrotizing mastitis?

Ang necrotizing mastitis ay isang flesh-eating soft tissue infection na umaapekto sa mga suso. Maari itong mauwi sa pagkamatay ng tissue sa suso o gangrene, loss of skin o kaya naman ay death kung hindi malunasan.

Isa itong napakabihirang sakit na kung saan anim lang na babae sa buong mundo ang naitalang mayroon nito.

Ang mga sintomas ng necrotizing mastitis ay ang sumusunod:

  • Labis na pananakit o paninigas ng apektadong dibdib
  • Diarrhea
  • Pagsusuka
  • Lagnat

Para malunasan ang necrotizing mastitis ay maaring sumailalim sa IV antibiotics treatment ang isang babaeng nakakaranas nito.

Kung sakali naman malala na ay maaring dumaan na ito sa surgery upang tuluyang tanggalin na ang dead tissue.

Pagtapos nito ay maari namang mag-undergo sa skin graft o breast reconstruction ang sinumang nakaranas ng necrotizing mastitis upang maibalik ito sa dati nitong ayos at itsura.

Ayon sa isang pag-aaral ang infection raw ay maaring pumasok sa suso sa pamamagitan ng skin tear, laceration, abrasion, burn, bite o subcutaneous injection o surgical scar na maaring daanan ng bacteria.

May kaugnayan rin daw ito sa immunodeficiency dulot ng alcoholism, chemotherapy, malignant neoplasms, malnutrition, diabetes, polytrauma at peripartum period.

Dahil nga sa napakabihira ng sakit na ito ay patuloy paring isinasagawa ang mga pag-aaral upang matukoy ang pinagmulan ng infection na ito at paano ito maiiwasan.

Mastitis

Maliban sa bihirang kondisyon na necrotizing mastitis, ang isang madalas na nararanasan ng mga breastfeeding mom ay ang kondisyon na kung tawagin ay mastitis.

Ito ay ang pamumula, pamamaga at pananakit ng suso.

Madalas sa mga breastfeeding moms, ito ay dulot ng pagbabara sa daanan ng milk ducts sa suso ng isang babae. Sinasabayan rin ito ng paninigas o tenderness sa suso.

Ngunit ang mastitis ay maari ring maranasan ng mga babaeng hindi nagpapasuso o kahit ng mga lalaki na dulot na ng isang impeksyon.

Maliban sa pananakit ng suso sa pagpapadede ang babaeng may mastitis ay maaring makaranas rin ng lagnat.

Ilan naman sa tinuturong dahilan ng mastitis ay ang sumusunod:

  • Sore o cracked nipples
  • Pagsusuot ng masisikip na bra o paglalagay ng pressure sa suso gaya ng paglalagay ng seatbelt p pagbubuhat ng mabigat na bag na maaring humarang sa milk flow.
  • Improper nursing technique
  • Pagiging sobrang pagod o stress
  • Poor nutrition
  • Smoking

Ilang paraan naman para maiwasan ang mastitis ay ang sumusunod:

  • I-fully drain ang gatas sa iyong suso habang nagpapasuso
  • Ipaubos muna ang gatas sa isang suso sa iyong baby bago ito ilipat sa kabilang suso
  • Palitan ang posisyon na ginagamit mo sa pagbrebreastfeed sa tuwing magpapasuso
  • Siguraduhing naglalatch o nakakasuso ng maayos ang iyong baby
  • Kung naninigarilyo ay itigil na ito o magtanong sa iyong doktot tungkol sa smoking cessation.

 

Sources: Mastology, Mayo Clinic, Daily Mail

Basahin: Mastitis: Signs, symptoms and treatment options