Negatibong epekto ng online games
Arestado ang isang lalaking japanese matapos umano nitong kidnapin aang isang 9-year-old na batang babae na nakilala lang niya sa online game. Napag-alaman na ito ay kanyang dinukot ng mahigit dalawang araw.
Siya si Akihito Otake, 38 years old na lalaking japanese. Ayon sa imbestigasyon, kinidnap ni Akihito ang isang batang babae at isinikay sa kanyang sasakyan, mga bandang 4 PM noong September 2 sa Yokohama city, Tokyo.
Negatibong epekto ng online games: Nagkakilala dahil sa online game
Ayon sa report, nagkakilala si Otake at ang batang babae dahil sa paglalaro ng online game. Ginamit ng bata ang smartphone ng kanyang magulang at napunta sa game’s voice chat function at dito na nga niya nakausap si Otake. Agad din silang nakapagplano kung kailan at saan sila magkikita.
Noong September 2, araw ng kidnapping, ipinaalam ng batang babae sa kanyang mga kalaro na makikipagkita siya sa ‘kaibigan mula Tokyo’ habang sila ay naglalaro sa park.
Hanggang lumagpas na ang curfew hours nito at hindi pa rin siya nakakauwi. Dito na nag-alala ang kanyang magulang dahilan para tumawag ito ng pulis. Hagip sa security camera footage ang sasakyan ni Otake. Dito nagkaroon sila ng pagkakataon na sundan at dinala sila sa kanyang bahay sa Katsushika Ward, Tokyo.
Bandang 3 AM ng September 5, paalis na sana si Otake sa kanyang bahay ng ito ay harangin ng mga pulis at tanungin. Dito nila nakita ang batang babae na nasa backseat ng kanyang sasakyan.
Aminado naman sa ginawang kidnapping ang lalaki at agad naaresto. Samantala, wala namang tinamong sugat o injury ang batang babae.
Tips para maprotektahan ang iyong anak
Ang mga tips na ito ay simple lang ngunit makakatulong para maging safe ang iyong anak sa paggamit ng teknolohiya.
1. Alamin ang mga games na hilig laruin ng iyong anak
Mahilig maglaro ang mga bata ng madaming uri ng mobile games. Halos lahat ay dinadownload nila para laruin. Kaya naman paano mo nga ba malalaman kung anu-ano ang mga games na kanilang nilalaro?
Kailangan bigyang pansin ng mga magulang ang mga games na nilalaro ng kanilang anak. Kasama na rito kung paano ito nilalaro o ano ang interesting dito. Makakatulong ang pag-alam ng nilalaro nila para makita kung sakaling may mali ba rito ay mapipigilan mo agad ang iyong anak.
2. Alamin kung sino ang kalaro ng iyong anak
Isa pang importanteng malaman ay ang pag-alam sa mga kalaro ng iyong anak online. Para sa ibang bata, mahirap silang tanungin rito. Ngunit kung tatanungin ng may tyaga, maaaring maisali ka nito sa kanyang paglalaro. Pwede siyang magkwento sa’yo kung paano ang takbo ng online game at kung sino ang mga posibleng nakakasama niya sa laro.
Bukod pa rito, ‘wag kakalimutang ipaalala sa iyong anak na kailangang sabihin niya sa iyo kung sakaling may pang-aabuso mang nangyayari sa kanya. Ang pag-mute o hindi pag gamit ng headseat ay makakaiwas sa ganitong pangyayari.
3. Airplane mode: on
Para sa mga bata, ang pag on ng ‘airplane’ mode ay makakatulong sa kanila para maiwasan ang accidental purchases o pag connect sa hindi kilalang tao online.
4. Kailangan na angkop sa edad ng iyong anak ang game na ito
Madalas mo bang tignan sa app store ratings kung ano ang feedback ng ibang tao rito o kaya naman ang online game na ito ay age-appropriate? Ipaliwanag sa iyong anak na may mga games talaga na hindi dapat nila nilalaro.
5. Hayaan na isipin ng bata ang kanilang kapakanan
Gawing teaching opportunity na hayaan ang iyong anak paminsan-minsan ngunit kailangan ay may gabay mo pa rin. Makakatulong ito sa kanila para maprotektahan ang kanilang sarili sa tulong lamang nila. Katulad ng ‘Bakit kailangang hindi ibigay ang mga personal information mo?’ Hayaang isipin nila ang mga ito ng sarili lamang nila.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
Buntis, patay matapos kunin ng kaibigan ang unborn baby sa mismong tiyan nito