X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK! Neri Miranda niregaluhan ng bagong sasakyan ang asawang si Chito Miranda

4 min read

Nitong February 7 lamang ay nagdiwang ng birthday ang lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda. Kaya naman may sweet message at surprise gift ang kaniyang wais na misis na si Neri Miranda. 

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Birthday gift ni Neri Miranda sa kaniyang husband na si Chito
  • Chito at Neri’s relationship

Birthday gift ni Neri Miranda sa kaniyang husband na si Chito

Sa isang Instagram post ni Neri, binati at nagbigay siya ng sweet message sa kaniyang asawa na si Chito. Caption niya sa kaniyang post, 

“Happy birthday sa best husband para sa akin! Thank you sa support mo palagi sa akin. Because of you, napapagaan ang trabaho ko.

Because of you, mas masarap mangarap. At dahil sa’yo, natutupad dahan dahan ang lahat ng mga yun na magkasama tayo. Thank you, Dad!”

Dagdag pa ni Neri, 

“Ikaw ang the best dad para sa mga bata. Kahit pagod ka sa gigs mo, nakikipaglaro ka pa rin sa mga bata. Kami ang priority po.

Happppy birthday, Dad! We love you so much!”

neri miranda - chito miranda ang kaniyang anak

Larawan mula sa Instagram account ni Neri Miranda

Marami ring ang nagbigay ng birthday greeting kay Chito mula sa post ni Neri, lalo na ang kanilang mga kaibigan katulad na lamang ni Karen Davila at Hero Angeles. 

Nagpaabot din ng mga birthday greetings ang fans ng mag-asawa, ilan sa mga comments ng mga netizens ay ang mga sumusunod, 

wenggyz0315

“Happy birthday po idol Chito, lagi ako nagbakasali na makita kita kapag nasa Tagaytay kami sobrang fan moko! Napakabait mo lalo sa family mo, and kung pano mo mahalin si Ms. neri! Godbless your family! Enjoy ur day!”

mhai.alcantara17

“Happy birthday…God bless sa family Miranda!”

Maraming rin ang kinilig at natuwa sa suprise gift ni Neri para sa kaniyang asawa na isang sasakyan. Kwento ni Neri, ayaw talaga bumili ng sasakyan ni Chito dahil mas lagi niyang unuuna at iniisip kung paano nila mapapalago ang kanilang pera. 

Dagdag pa ni Neri,

“Ito talaga matagal ko na siyang pinag-ipunan, as in talagang, piso para sa sasakyan ni Chito. Haha!”

Sobrang nagulat at natuwa naman si Chito sa surprise ng kaniyang asawa. Ayon sa kaniya, “I’m so happy… I’m so excited about this car.”

Kuwento pa ni Neri, matagal na raw niya sinabi kay Chito at pinangako na bibilhan niya ng sasakyan ito. Kaya naman umano, finally ay natupad na niya ang pangako sa kaniyang pinakamamahal na asawa. 

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Nerizza Miranda (@mrsnerimiranda)

 

Chito at Neri’s relationship

neri miranda at chito miranda

Larawan mula sa Instagram account ni Neri Miranda

Maraming mga netizen at fans ang humahanga sa relasyon ng mag-asawang sina Chito at Neri Miranda, dahil sa kakaibang teamwork nila para maitaguyod at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Ang bansag nga kay Neri ay isang wais na misis. 

Hindi kasi nahihiya si Neri na pumasok sa iba’t ibang negosyo. Katulad na lamang Neri’s Gourment tuyo at mga investment na kinukuha at binibili niya para sa kaniyang mga anak. 

neri miranda, chito miranda at kanilang bunsong anak

Larawan mula sa Instagram account ni Neri Miranda

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Siyempre bukod dito, kilig feels ang marami kay Chito dahil sa kaniyang sweet post lagi sa kaniyang misis at laging pagsuporta sa mga negosyo at goals ng kaniyang asawa. 

Maraming nagsasabi na ideal ang kanilang pagsasama in terms sa pagtataguyod nilang dalawa sa kanilang pamilya at magandang teamwork para sa pagpapalaki sa kanilang anak. Kaya naman #familygoals at #couplegoals sina Neri at Chito Miranda!

Kinasal sina Neri at Chito noong 2014 at nabiyayaan ng tatlong anak na sina Pia, Miguel, at Manuel.

Happy Birthday, Chito Miranda!

Facebook, Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK! Neri Miranda niregaluhan ng bagong sasakyan ang asawang si Chito Miranda
Share:
  • Priscilla Meirelles sunod-sunod ang cryptic post at parinig sa social media, may problema nga ba sila ng mister na si John Estrada?

    Priscilla Meirelles sunod-sunod ang cryptic post at parinig sa social media, may problema nga ba sila ng mister na si John Estrada?

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Priscilla Meirelles sunod-sunod ang cryptic post at parinig sa social media, may problema nga ba sila ng mister na si John Estrada?

    Priscilla Meirelles sunod-sunod ang cryptic post at parinig sa social media, may problema nga ba sila ng mister na si John Estrada?

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.