X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Neri Naig itutuloy ang pag-aaral, kukuha ng master’s degree in business administration

5 min read
Neri Naig itutuloy ang pag-aaral, kukuha ng master’s degree in business administration

Chito Miranda ibinahagi kung gaano siya ka-proud sa diskarte at sipag ng kaniyang asawa.

Matapos ang kaniyang graduation, magpupursige muli si Neri Naig ngayong nag-enroll muli siya para makakuha ng masters degree in business administration.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Neri Naig sa pag-aaral ng Masters degree sa Business Administration.
  • Mister ni Neri na si Chito Miranda super proud sa achievements ng asawa.

Neri Naig kukuha ng Masters degree in Business Administration

neri naig masters degree

Larawan mula sa Facebook Neri Naig-Miranda

Hindi talaga mapipigilan ang aktres at wais mommy na si Neri Naig. Dahil si Neri ibinahagi na siya naman ngayon ay kukuha ng Master’s degree sa Business Administration. Ito ay matapos niyang makakuha undergraduate degree nito kamakailan lang.

Advertisement

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Neri ang larawan niya sa orientation ng kaniyang MBA class. Kasama nito ang words of encouragement niya sa kaniyang sarili at iba pang mga kababaihan.

“Orientation day for my MBA class! Good luck sa akin kung kayanin ko ang masteral.”

“Why MBA? Because why not?! Never stop learning. Sabi nga nila, “When you push yourself beyond limits, you discover inner reserves, which you never thought existed earlier. Let your dreams push you… instead of your fears.”

Ito ang sabi pa ni Neri na talagang desididong matapos ang kaniyang Master’s degree upang ma-improve pa ang kaniyang sarili. Hinikayat niya rin ang iba pang mommies na gusto ring mag-aral na nagdadalawang-isip dahil sa kanilang tungkulin sa bahay na ayon kay Neri ay hindi dapat maging hadlang.

“Kaya push lang ng push para sa self-improvement. Kaya natin ‘to! Kakayanin pa lalo! It is never too late. Gusto mong ipagpatuloy ang pag-aaral mo kahit nanay ka na? Go lang! Number 1 cheerer mo ako! Kaya mo yan, mommy!”

Dahil sa post na ito ng aktres ay marami na namang napahanga si Neri Naig. Lalo na ang mga mommy netizens na naging inspirasyon na siya.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

“I love your grit and determination. You are a huge inspiration.”

“Love this. Never stop learning.”

“You never fail to amaze us!”

Ito ang ilan sa reaksyon ng mga netizens sa pagkuha ni Neri ng Master’s degree.

Chito super proud sa achievements ng misis niyang si Neri

Neri Naig itutuloy ang pag-aaral, kukuha ng masters degree in business administration

Larawan mula sa Facebook Neri Naig-Miranda

Samantala, sa isa ring IG post ay very proud na ibinahagi ni Chito Miranda ang achievements ng kaniyang misis at syempre kung gaano siya ka-swerte na mapangasawa niya ito. Pero hirit ni Chito hindi siya basta sinuwerte, pinaghirapan niya ang mapasagot ang misis na si Neri.

“Asawa ko sya, at inlab na inlab sya sa akin. Jackpot talaga ko eh.”

Pero ‘di lang ako basta umasa sa swerte kung bakit ako naka-jackpot. Pinaghirapan ko lahat ng dahilan kung bakit nya ako pinansin, kung bakit ko siya napasagot, kung bakit niya ako minahal ng todo-todo, at kung bakit nya ako pinakasalan.”

Ito ang sabi ni Chito sa kaniyang IG post.

Dagdag pa ni Chito, sulit naman daw lahat ng hard work niya para mapasagot si Neri at ito ay kaniyang maging misis.

“Naniniwala ako sa swerte, pero luck favors those who work hard, and I realized early on, na the harder I work, the luckier I become.

And everything I worked for made me more equipped, and made me lucky enough to catch a girl as amazing, and as beautiful as her.”

Dahil sabi pa ni Chito, hindi lang basta maganda ang misis niya, napaka-sipag pa nito. Hindi ito tumitigil sa pag-aaral at ngayon ay kukuha pa ng master’s degree.

“What makes her more beautiful and amazing, is that being beautiful is not her priority. Yes, she tries her best to look nice, but her real priority is to make sure na palagi siyang may bagong natututunan to constantly improve herself. Always learning, palaging nagre-research, hindi naniniwala na ‘hanggang dito nalang siya’. Tulad ngayon, after graduating, MBA naman.”

Ito pa ang pagbibida ni Chito Miranda sa kaniyang asawa.

Ang mga netizens hindi naman naiwasan na ipakita ang paghanga nila sa misis ni Chito na si Neri. Bilin nila kay Chito ingatan si Neri at lalo pang mahalin.

Inspirasyon ni Neri sa pagkamit ng mga pangarap niya

Neri Naig itutuloy ang pag-aaral, kukuha ng masters degree in business administration

Sa nakaraang graduation ni Neri sa kolehiyo ay nabanggit niya kung gaano siya nagpapasalamat sa suportang ipinipakita ni Chito sa kaniya. Isa daw ito sa dahilan kung bakit niya naisakatuparan ang matagal niya ng pinapangarap na pagtatapos sa kaniyang pag-aaral.

“Thankful ako sa asawa kong palaging andiyan for me to support me. Masaya lang siya kahit nasa gilid lang at pinapalakpakan ako sa mga achievements ko. Mas magaan ang buhay kapag may nag-eencourage sa’yo at naniniwala sa kakayanan mo. Thank you, asawa ko. Mahal na mahal kita.”

Ito ang pasasalamat ni Neri sa kaniyang mister.

Sabi pa noon ni Neri, ang pag-graduate niya sa college ay para sa mga anak niya at ganoon na rin sa sarili niya. Hirit pa niya, walang imposible sa taong nagpupursige.

“Para sa mga anak ko ‘to! Sa asawa ko na very supportive, at syempre para sa sarili ko na pinush ko talaga na dapat kayanin. Walang imposible sa taong pursigido.”

Ito pa ang words of wisdom mula sa wais na misis na si Neri Miranda.

Instagram

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Neri Naig itutuloy ang pag-aaral, kukuha ng master’s degree in business administration
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko