February na nga at syempre alam nating lahat na pinagdiriwang ang buwan ng Pag-ibig tuwing Pebrero. May plano na ba kayo ng iyong partner kung ano ang gagawin niyong celebration ng Love Month? Kung isa sa trip niyong gawin ngayong buwan ay mag “Netflix and chill” narito ang mga Netflix romantic movies at series na dapat niyong abangan ngayong February.
Netflix romantic movies at series na kaabang-abang ngayong Love Month
Netflix romance movies o series ba ang hanap mo pero halos lahat ng available na movies sa Netflix ay napanood niyo na? Huwag mag-alala mayroong mga bagong aabangang Netflix romance movies at series ngayong Pebrero.
Narito ang mga Netflix movies at series na ipalalabas ngayong February:
One Day (Series)
Ang One Day ang upcoming British television series na base sa nobelang One Day ni David Nicholls. Mayroon na ring film adaptation ng kwentong ito na umere noong 2011. Tungkol ang series na ito sa decades-spanning love story ng mga bidang sina Dexter at Emma. Kikiligin ka sa taun-taon nilang reunion matapos nilang pagsaluhan ang espesyal na graduation night.
Sa bawat episode ay maipapakita ang growth at change ng protagonists pati na rin ang kanilang joy at heartbreak. Magandang palabas ito lalo na kung high school sweetheart mo rin ang iyong partner ngayon.
Mapapanood ang One Day simula sa February 8.
Netflix Romantic Movies: Players
Kung romantic-comedy (Romcom) ang hilig niyong panoorin, tiyak na mae-enjoy niyo ang upcoming Netflix romantic comedy movie na Players. Tungkol ito sa isang New York sports writer na mayroong mahabang listahan ng clever hookup schemes. Pero ang hindi niya inaasahan ay mahuhulog ang loob niya sa kaniyang ka-fling. Gaganap sa Players sina Gina Rodriguez, Damon Wayans, at Tom Ellis.
Mapapanood ito sa February 14 sa Netflix. Tamang-tama para sa inyong Valentine’s Day movie date!
Through My Window: Looking At You
Kung movie marathon naman ang gusto niyo ng iyong partner, pwedeng-pwedeng panoorin ang Through My Window. Tamang-tama dahil ngayong Pebrero lalabas ang Part 3 ng kwento nina Ares at Raquel. If ever na hindi niyo pa napanonood ang Part 1 at Part 2 nito ay available rin naman ito sa Netflix, kaya maaari niyo itong i-marathon!
Tungkol ang Through My Window kay Raquel na hopelessly inlove sa kaniyang misteryosong kapitbahay na si Ares. Pinanonood niya ang bawat galaw nito tuwing nasisilayan niya ito mula sa bintana ng kaniyang kwarto. Ang Looking At You nga ang huling bahagi ng Trilogy, kung saan ay may ibang ka-date na pareho ang dalawa pero hindi pa rin nila maalis sa isip ang isa’t isa. Kaya naman ang tanong? Posible bang magkabalikan sila sa kabila ng family pressure na siyang wakas ng ikalawang bahagi ng kwento?
Ipalalabas ang Through My Window: Looking At You sa February 23.
Netflix romantic movies: The Heartbreak Agency
Heartwarming naman ang The Heartbreak Agency. Tungkol ito sa isang skeptical journalist na nag-participate sa isang heartbreak therapy para sa kailangang isulat na article. Kaya lamang, natagpuan na lang niya ang kaniyang sarili na nai-inlove na sa kaniyang charming na therapist.
Saktong-sakto rin para sa Valentine’s day movie date ang paglabas ng The Heartbreak Agency. Mapapanood ito sa February 14.
Benepisyo ng panonood ng movies kasama ang iyong partner
Maraming benepisyo ang panonood ng movies kasama ang iyong partner. Hindi lang ito basta bonding time, nagkakaroon kayo ng shared experience na maaaring makapagpalalim ng inyong koneksyon.
Sa panonood ng parehong movie, nagkakaroon kayo ng chance na ma-immerse sa isang kwento, matawa sa parehong joke, at parehong maiyak sa mga heartwarming moments sa palabas na pinanonood. Sa pamamagitan nito, mas lumalalim ang pang-unawa niyo sa emosyon ng isa’t isa.
Dagdag pa riyan, bawat movie ay mayroong ino-offer na unique perspective tungkol sa buhay, relasyon, at sa mundo. Kung sabay kayong manonood ng iyong partner, magkakaroon kayo ng tiyansa sa isang thought-provoking conversation. Maaari niyong pag-usapan ang magkaiba niyong viewpoints. Sa pamamagitan nito, mas lalalim din ang inyong empathy at pang-unawa hindi lang sa isa’t isa kundi maging sa mundong inyong ginagalawan.
Bukod pa riyan, nakaka-relax din naman talagang manood ng movie kasama ang taong mahal mo. May kakayahan kasi ang romantic movies na i-reignite o buhayin ang flame of passion sa isang relasyon. Ang mga palabas na umiikot ang kwento sa love, connection, at overcoming obstacles ay maaaring maka-inspire sa inyo na magkaroon ng affectionate gestures at intimate conversations.
Sa pangkalahatan, nakatutulong ang panonood ng pelikula kasama ang iyong partner upang mas tumibay ang inyong relasyon at pagkakaunawaan.