Attention moms and dads! Maglalabas na ulit ng new generation Philippine banknotes ang Bangko Sentral ng Pilipinas.
Banko Sentral ng Pilipinas, naglunsad ng bago at enhanced na disenyo ng pera
Naglabas ng bago at mas enhanced na disenyo ng pera ang Bangko Sentral ng Pilipinas. Ayon sa kanila, layon ng bagong disenyo ng pera ngayong 2020 ang magkaroon ng mas dobleng seguridad at madaling magamit ng bawat pilipino. Ito ay tinatawag na “Enhanced New Generation Currency”.
Ang Enhanced New Generation Currency ay mayroong Enhanced Security Threads ay may katulad na disenyo mula sa mga katutubong habi mula sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Ang Enhanced Security Threads na ito ay mayroon ring Dynamic Movements at Color shifting feature na malaki ang maitutulong sa pagkilatis kung tunay ba ang hawak mong pera. Habang ang Alternate Printed Text dito ay ang pagpalit-palit na disenyo ng BSP at halaga ng hawak mong pera.
Sa 1000 peso, ang Optically Variable Ink na makikita ay mula green to magenta color kapag ginalaw mo ito sa iba’t-ibang angulo. Habang ang 500 peso, ang mark na may Philippine flag ay nagbabago ang kulay mula gold to green.
Tactile Marks
Isa pang bagong feature ng Enhanced New Generation Currency ay ang Tactile Marks. Ang horizontal lines na ito ay makakatulong para sa may mga malalabong paningin. Para sa 50 peso, dalawang guhit ang makikita rito. Habang apat na guhit naman sa 100 peso at anim na guhit sa 200 peso. At walong guhit naman sa 500 peso at sampung guhit sa 1000 peso.
Enhanced Value Panel
Para sa 1000 peso at 500 peso, makikita rito value panel ang nag iibang kulay kapag ginagalaw ang pera. Tila ‘rolling bar effect’ ang makikita rito kapag tinagilid.
Source:
BASAHIN:
Netflix, Spotify, Facebook at iba pang digital service, lalagyan ng 12% tax