Gusto mo bang manood ng nagagandahang New Year 2019 fireworks display ngayong bagong taon? Narito ang mga lugar na maari mong puntahan para salubungin ang bagong taon na may ingay at puno ng kulay.
Mga Puwedeng Puntahan Para sa New Year 2019 Fireworks Displays
1. Bonifacio Global City
Hintayin at salubungin ang Year of the Pig sa pamamagitan ng isang street party sa Bonifacio Global City. Dito ay puwedeng manood ng mga live performances mula sa mga paborito mong artista at performers gaya nila Jessica Sanchez, KZ Tandigan at James Reid. Susundan ito ng 15 minutes na New Year 2019 Fireworks Display bilang hudyat sa makulay at masaganang bagong taon sa bawat isa.
Ang countdown ay gaganapin sa 5th Avenue ng Bonifacio High Street na sisimulan ng isang New Year’s mass ng alas-sais ng gabi na libre at bukas para sa lahat.
2. Eastwood Quezon City
Tunghayan naman sa Eastwood, Quezon City ang dazzling New Year 2019 Fireworks Display at ang first ever “emoji balloon drop” sa bansa. Na mas pakukulayin rin ng mga party performances mula kanila Karylle, Bamboo at iba pa.
Ang party sa Eastwood ay magsisimula ng alas-sais ng gabi na magtatapos hanggang sumikat ang araw sa Fuente Cirle sa Eastwood Citywalk.
3. Philippine Arena, Bulacan
Maari namang magpunta sa Philippine Arena sa Bulacan ang mga taga-Norte para manood ng makukulay na fireworks displays para sa pagsalubong sa bagong taon. Mayroon ding mga live performances mula sa iba’t-ibang banda habang naghihintay sa papasok na 2019.
Ang ticket sa naturang event ay nagkakahalaga ng P350 kada isang tao.
4. SM Mall of Asia, Pasay City
Sa pangunguna naman ng GMA network ay gaganapin ang isang musical-variety themed New Year Countdown special sa SM Mall of Asia. Ito ay pasisiyahin ng mga performances mula sa iba’t-ibang Kapuso stars na mas ihahype ng makulay na fireworks display sa pagpasok ng 2019. Ito ay bukas at libre sa lahat ng gustong manood.
5. Okada Manila, Paranaque City
Samantala mga OPM legends at bands naman ang mag-peperform para sa Legendary Countdown Concert ng Okada Manila. Inihahanda rin sa Cove Manila ang ang largest balloon drop o ang pagpapakawala ng 130,000 na rubber balloon na magtatangkang i-break ang Guiness world record ngunit ipinatigil ito ng DENR dahil sa environmental concerns.
6. City of Dreams, Manila
Maari rin kayong mag-party at magsaya habang hinihintay ang pagpasok ng 2019 sa City of Dreams, Manila. Kumain, maglaro at maglibang kasama ang buong pamilya habang hinihintay ang makulay at maiingay na fireworks display nito para sa pagsalubong sa 2019.
Maari ng mag-enjoy sa free-flowing wine at appetizer platter ang mga guest sa halagang P1,500. Samantala sa halagang P600 ay may isang platter na ng mini Angus beef burger at fries na may kasamang free-flowing chilled juice ang mga guest na 18 years old pababa.
7. Seda BGC
Carveries, barbecue, pizza, salads, pasta at mga desserts naman ang bibida sa Seda BGC habang naghihintay sa kanilang fireworks display na paliliwanagin ang langit sa pagpasok ng 2019.
Ang makulay na New Year’s Eve countdown sa Seda BGC ay nagkakahalaga ng P5,000 kada isang tao.
8. Marco Polo Ortigas Manila
Bubuksan naman ng Marco Polo Ortigas ang kanilang Continental Club Lounge at Vu’s Sky Bar and Lounge para dito mag-abang ang kanilang mga guest sa makukulay na fireworks display sa buong syudad para sa papasok na 2019.
Magsisimula ang New Year’s Eve special dinner para sa mga guest sa halagang P3,000. At P1,500 para naman sa mga gustong magsaya sa countdown party sa Vu’s Sky Bar and Lounge.
9. Crimson Hotel Filinvest City Manila
Isang 80’s party naman ang inihahanda ng Crimson Hotel sa Filinvest City, Manila para salubungin ang 2019. Sa haling P2,800 para sa matatanda at P1,800 sa mga bata ay maari ng mag-enjoy sa isang dinner, traditional balloon drop at manalo ng raffle prizes habang hinihintay ang makulay na pagpasok ng 2019.
10. C Lounge, Conrad Manila
Magliwaliw naman sa C Lounge, Conrad Manila habang naghihintay sa makukulay na fireworks displays na pupuno sa Manila Bay sa pagpasok ng bagong taon.
11. Diamond Hotel
Bubuksan din ng Diamond Hotel ang kanilang pintuan sa isang countdown party para sa kanilang mga guest. Sa halagang P980 ay maari ng magenjoy sa isang midnight pica buffet sa kanilang Lobby Lounge mula P10pm habang naghihintay sa makulay na fireworks display nito para sa pagsalubong sa 2019. .
12. Penthouse By The Bay, Manila
Maari ding maghintay sa pamamagitan ng isang party at manood sa spectacular at dazzling Pyro display sa Penthouse by the Bay sa Manila bilang selebrasyon sa papapasok na bagong taon.
13. F1 Hotel Manila
Isang makulay na party at salubong naman ang inihahanda ng F1 Hotel Manila sa pakikipagtulungan ng Color Manila sa kanila. Dito ay maaring magsaya sa maiingay na musika at unlimited drinks mula 10pm to 1am bilang selebrasyon sa papasok na 2019.
Sources: ABS-CBN News, The Summit Express
Basahin: Staycation Spotlight: 11 things you’ll love about Marco Polo Ortigas