Mga lugar na puwedeng panoorin ang fireworks at salubungin ang New Year 2020

Mga lugar na puwedeng panoorin ang fireworks at salubungin ang New Year 2020

Narito ang mga lugar sa Maynila na kung saan iyong mai-enjoy ang pagpasok ng manigo at maliwanag na taon ng 2020!

New year 2020 fireworksand countdown, tunghayan at salubungin kasama ang iyong buong pamilya sa mga lugar na ito sa Maynila.

New Year 2020 Fireworks and Countdown Parties

Okada, Manila

World-class ang gaganaping New Year 2020 Fireworks and Countdown sa Okada Hotel sa Maynila. Ang event ay pinamagatang “NYE Countdown 2020: New Year’s Eve Gold Rush.” At ito ay dadaluhan ng mga local at international celebrities na magbibigay aliw at entertainment sa mga guest habang hinihintay ang pagpasok ng bagong taon.

New year 2020 fireworks

Image from Explore Philippines

Ilan nga sa aabangang performances ay mula kay KZ Tandingan, The Company, Liezel Garcia, Eric Santos, Angeline Quinto at Jayson Dee. Kabilang sila sa mga celebrities na mag-peperform sa The 24 Karat Countdown: An Extraordinary Concert, na gaganapin sa Grand Ballroom ng Okada Manila.

Ang tickets para sa NYE Countdown 2020 sa Okada, Manila ay magsisimula sa halagang P12,000 at mabibili sa mga SM ticketing office.

ResortsWorld Manila

Ang The Grand Countdown To 2020 naman sa ResortsWorld Manila ay muling gaganapin sa Marriott Grand Ballroom. Ito ay dadaluhan ng mga sikat na artista at performers na pinangungunahan ni Mr. Pure Energy, Gary V.

Magpeperform rin sa The Grand Countdown To 2020 sa ResortsWorld ang iba pang award-winning celebrities at performers na sina Lea Salonga, Arnel Pineda, Sarah Geronimo, Lani Misalucha, Bamboo, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Jake Zyrus, Jon Santos, Darren  Espanto, Giselle Sanchez at marami pang iba.

Makati Shangri-La

Arabian Nights themed naman ang New Year 2020 Fireworks and Countdown party sa Makati Shangri-La Hotel. Maliban sa 5-course dinner ay may mga show-stopping performances rin ang inihanda para sa mga guest.

Ang countdown party sa Makati, Shangri-La ay gaganapin sa lobby lounge ng hotel na kung saan ang halaga ng ticket ay nagsisimula sa P8,800.

Crimson Hotel

Mag-throwback at mag-relax sa pagsalubong sa 2020 sa pamamagitan ng pag-stay at pag-party sa Crimson Hotel na may theme na 90’s Pop. Sa halagang P12,788 ay pwede mo ng ma-enjoy ang pagsalubong sa 2020. At mag-overnight stay sa isang Deluxe Room for 2 sa hotel pagtapos ng party.

New year 2020 fireworks

Dusit Thani

Magsisimula naman ang countdown party sa Dusit Thani Hotel sa Maynila ng alas-10 ng gabi. Dito ay matitikman ang mga international dishes and beverages habang nanonood sa mga performance ng mga popular bands sa bansa.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Dusit Thani Manila (@dusit_manila) on

Solaire Resort Manila

Isang Royal Affair naman ang gaganaping New Year 2020 Fireworks and Countdown sa Solaire Resort Manila. Magsisimula ito ng 7pm na pangungunahan ng performances mula sa Concert King and Queen na si Martin Nievera at Pops Fernandez.

New year 2020 fireworks

Sheraton, Manila

Neon-themed inspired naman ang New Year’s Eve party sa Sheraton, Manila. Ang selebrasyon sa hotel ay pinamagatang “Glow Up! A New Year’s Eve Countdown Party” na kung saan gaganapin sa ballroom ng hotel.

Sa halagang P2,388 ay maari mo ng matikman ang iba’t-ibang party favors ng Sheraton, Manila. May mga world-class performances rin mula sa mga Buganda dancers at song numbers mula kanila Joaquin Garcia and JV Decena. Ang party sa Sheraton ay magsisimula ng 9pm.

Mga lugar na puwedeng panoorin ang fireworks at salubungin ang New Year 2020

City of Dreams Manila

Retro-themed naman ang New Year’s Eve party sa City of Dreams, Manila. Sa presyong P1,888 ay mai-enjoy na ng isang adult ang pagsalubong sa 2020 sa City of Dreams. Habang may package naman na nagkakahalagang P1,288 para sa mga bata.

Hilton Manila

Isang spectacular affair din ang New year 2020 fireworksand countdown sa Hilton, Manila. Maliban nga sa spectacle of lights ay may mga musical performances rin na itatampok ang hotel sa kanilang mga guest. Sa halagang P1,500 ay maari ng ma-enjoy ng isang guest ang food, beverage at party favors ng Hilton, Manila.

New year 2020 fireworks

Seda BGC

Kung gusto mo namang magkaroon ng magandang view ng Maynila sa papasok na 2020 ay perfect place na salubungin ang New Year sa Seda, BGC. Dahil ang New Year’s eve party ng hotel ay gaganapin sa 21st floor na kung saan masasaksihan ang unbeatable view ng fireworks display sa ka-Maynilaan. Mayroon ring sariling fireworks exhibition ang Seda BGC na dapat abangan ng mga guest.

Sofitel Philippine Plaza Hotel Manila

French-inspired naman ang New Year’s eve party sa Sofitel Manila. Mai-enjoy ng guest ang isang dinner buffet at performances mula sa Burlesque PH at Heartbeats Band!

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Welcome the New Year in classic French style at An Evening in Paris, and enjoy an eventful program with a lucky draw of luxurious gift prizes such as airfare tickets worth Php 100,000 to destination of choice, 55″ Smart TV from Sharp Philippines, gift vouchers to relaxing sojourns at Fairmont Makati, Novotel Manila Araneta City and Mövenpick Resort & Spa Boracay and more exciting giveaways await! Avail our early bird promo rate until November 30, 2019, and take pleasure with our grand selection of gastronomic offers paired with free-flowing San Miguel beer, wine, refreshments, live musical entertainment from Burlesque PH and Heartbeats Band. Per DTI-Fair Trade permit no. 21527 series of 2019 Purchase your tickets now at http://bit.ly/EveningInParisEarlyBirdPromo

A post shared by Sofitel Manila (@sofitelmanila) on

Manila Ocean Park

May New year’s eve countdown din sa Manila Ocean Park. Ang event ay pinamagatang “The Moonlight Masquerade: A New Year’s Eve Countdown”. Ito ay magsisimula ng 8pm sa White Moon Bar na kung saan ang mga guest na dadalo ay hinihikayat na magsuot ng mask.

Eastwood City

Alas-6 palang ng gabi ay magsisimula na ang mainit na pagsalubong sa 2020 sa Eastwood City.

Philippine Arena

Katulad noong nakaraang taon ay may New Year’s Countdown muli ang gaganapin sa The Philippine Arena.

SM Mall of Asia

Tulad din noong nakaraang taon ay pupunuing muli ng GMA Kapuso Stars ang 2020 New Year countdown sa SM Mall of Asia. Ang event ay magsisimula ng 10pm ng gabi sa MOA Complex. Susundan din ito ng Grand Mascot Parade kinabukasan.

Photo:

Pixabay

6 Chinese New Year practices that bring in “suwerte”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Kung ano mang opinyon o ideya ang naibahagi dito ay sariling opinyon at ideya ng may katha; at walang kinalaman at hindi nagsasaad ng posiyon ng theAsianparent at ang mga cliente nito.
Article Stories
app info
get app banner