Hindi lang magaling sa pamumuno ng bansa kundi isa ring super mom ang Prime Minister ng New Zealand na si Jacinda Ardern! Kilalanin ang special guest ng recent United Nations meeting na si New Zealand Prime Minister baby Neve.
New Zealand Prime Minister baby
Laking gulat ng ilang mga opisyal nang isang baby ang dalhin sa loob ng court room. Official na miyembro nga kasi ng United Nations with ID card pa si baby Neve Ardern na dala-dala ng kanyang ina.
Bukod kay baby, present din sa nasabing meeting ang asawa ni PM Jacinda na siya namang nagbabantay kay baby. Sa katunayan, si PM Jacinda pa lang ang ikalawang world leader na nanganak habang nasa posisyon. Ngunit unang beses pa lang na mayroong nagdala ng baby sa mismong UN meetings.
Noong nakaraang taon ay mahigpit na ipinaglaban ng Prime Minister ang rights ng mga working moms at kita naman na ito talaga ang kanyang adbokasiya.
Sa katunayan, narito ang ilang mom moments ni PM Jacinda na kanyang ibinabahagi sa Instagram.
“Catching up on some letters from kids. This one was pretty lovely “the rock that I have gave you is a special rock…it will keep you safe if you feel unsafe” That rock is going straight to the office.”
Narito naman ang isang press conference para sa mga bata na gustong malaman ang tungkol sa COVID.
“Kids ask a lot of questions most of the time, and right now they understandably have plenty about COVID-19. That’s why we put on a press conference just for children and their questions. I had Dr Siouxsie Wiles and Dr Michelle Dickinson along to help. We’ll pop the video up soon – I hope it will be a useful resource to help answer some of the questions from the young people in your life.”
At ang isa niya pang adbokasiya para sa mga bata at kanilang mental health.
“Today I learned how to play a game called “fruit salad” without crushing any children. I also learned that Mana Ake, a mental health and well being programme we put into primary and intermediate schools in Canterbury is making a huge difference, and that our policy to boost school funding so parents don’t have to pay school donations meant that this school could provide uniforms for free. It was a big day. (PS for the latest COVID-19 update, please pop over to my Facebook page).”
Ito naman ang mensahe sa kanya ng isa niyang batang tagahanga.
“Without question this is one of the best parts of my job – letters from children. I seriously underestimated how many there would be, but I still read every single one. This Children’s Day I want to say thanks to the hundreds and hundreds of kids who believe in the simple power of a letter (and drawing!) No matter how many years pass, I hope they all hold onto that belief that they can make a difference….because they already do.”
New Zealand, COVID-free na
Bukod sa napakagandang ehemplo ng leadership ni PM Jacinda, idineklara na ring COVID-free ang New Zealand nitong Lunes lamang. Itinaas na ang lahat ng restrictions sa bansa katulad ng social distancing. Hindi na rin ipinagbabawal ang mga gatherings ngunit nananatiling nakasara para sa mga foreigners ang bansa.
Mahigit dalawang linggo na kasing walang bagong kaso ng COVID-19 sa New Zealand kaya naman masasabing na-flatten na ang curve dito.
Pahayag pa niya:
“While the job is not done, there is no denying this is a milestone. So can I finish with a very simple, ‘Thank you, New Zealand’.”
Paano nga ba naging posible ito?
Ayon sa Prime Minister, sustained effort ang kanilang ginawa upang ma-flatten ang curve. Noong Marso 25 sila nagdeklara ng lockdown at tinawag nila itong four-stage alert system. Ang lockdown period ay nakapaloob sa Level 4 at noong April ay binaba na ito sa Level 3 pagkatapos ng limang linggo.
Sa Level 3 ay maari nang mag-takeout ng mga pagkain at mapayagan ang mga non-essential businesses na makapagbukas. Noong mid-May naman kung saan mas bumaba na ang mga bagong kaso ng COVID, ibinaba na ito sa Level 2.
Sa katunayan, June 22 pa sana ibababa sa Level 1 ang kanilang alert system. Ngunit dahil 17 days na na walang bagong kaso ng COVID, naalis na ang mga restriction nitong Lunes, June 8.
Dagdag ni PM Ardern, “will certainly see cases again. Elimination is not a point in time, it is a sustained effort”.
Sa kabuuan, nagkaroon lamang ng 1,154 na kumpirmadong kaso sa New Zealand habang 22 naman ang namatay.
Source:
Basahin:
Ang mga anak ng working moms ay lumalaking masaya