TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Newborn baby, binalot sa trash bag at iniwan sa basurahan ng ina

5 min read
Newborn baby, binalot sa trash bag at iniwan sa basurahan ng ina

Bakit nga ba ito ginawa ng isang ina?

Isang newborn baby ang natagpuan sa basurahan sa North Carolina, USA. Ito umanong newborn baby ay itinapon sa basurahan ng kanyang ina matapos manganak sa kanilang toilet.

Newborn baby itinapon sa basurahan

Mabuti na lamang at narinig ng isang babae na napadaan sa harap ng Community Church ang sanggol na tila umiiyak. Ito raw ay natagpuan niya na nakabalot sa itim na trash bag. Nakapulupot pa nga ang kanyang umbilical cord sa kanya.

newborn baby itinapon sa basurahan

Image from Freepik

Nakulong naman ang 21-year old na ina ng sanggol sa kaso na first-degree attempted murder.

Ayon sa kanyang salaysay, ipinanganak niya ang sanggol sa kanilang sariling toilet. Saka binalot sa itim na trash bag. Naligo muna umano siya at pinaliguan ang 18-month old na isang anak. Saka niya inilagay sa trunk ng sasakyan ang sanggol at pumunta ng Walmart. Iniwan niya lang ito sa trunk at saka nagpunta sa community church para iwan ang sanggol sa basurahan.

Kasalukuyan namang nasa awtoridad na ang sanggol at siya ay healthy at mabuting naaalagaan.

Paano mag-ampon sa Pilipinas

Ganap ng isang batas ang Republic Act 11222 o Simulated Birth Rectification Act na naglalayong magpabilis at magpadali ng proseso ng pag-aampon sa Pilipinas.

Ano ang Simulated Birth Rectification Act?

Ayon sa datos ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, 6,500 na batang Pilipino ang idineklarang available for adoption.

Ngunit maliit na porsyento lamang sa kanila ang inaampon dahil sa matagal at magastos na proseso ng adoption sa Pilipinas.

Ang halos 4,000 nga sa mga batang ito ay nasa ilalim ng pangangalaga ng state at non-state run residential care facilities.

Ngunit sa tulong ng bagong batas na Simulated Birth Rectification Act ay mababawasan na ang mga batang walang tinatawag na magulang at pamilya.

Ang simulation of birth ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-tamper ng records ng isang bata sa civil registry para maipakitang ito ay ipinanganak ng hindi niya naman biological na ina.

Sa ilalim ng Simulated Birth Rectification Act ay mas maging mabilis at simple na ang adoption process sa bansa.

Pinapayagan rin ng batas na ito ang rectification ng simulated birth ng isang bata na kung saan ang ginawang simulasyon ay para sa ikabubuti ng nasabing bata.

newborn baby itinapon sa basurahan

Image from Freepik

Bagamat tuluyan ng mawawala ang orihinal na pagkakakilanlan at status ng isang bata sa pamamagitan ng batas na ito. Binibigyan naman nito ang batang sumailalim sa simulation of birth ng lahat ng benipisyo at karapatan ng mga legally-adopted na mga bata.

Binibigyan rin nito ng amnestiya ang mga taong gumawa at tumulong sa simulation of birth lalo na kung ito ay ginawa para lamang sa ikabubuti niya.

Mas magiging simple at mura na rin ang administrative adoption proceedings lalo na sa mga nagsagawa ng simulated birth sa tulong ng batas na ito.

At para mai-avail ang child adoption proceedings ay dapat kasama ng namumuhay ng mag-aampon ang bata ng hindi baba sa tatlong taon bago naging epektibo ang nasabing batas.

Kinakailangan rin ng isang patunay mula sa social welfare department na ang bata ay legally available for adoption.

Dapat ding mapatunayan na itinuring ng nasabing mag-aampon ng bata na ito ay tinarato niya bilang tunay niyang anak.

Para naman makapag-apply ng amnestiya ang sinumang nagsagawa ng simulation of birth ay kailangan lang nilang mag-file ng petisyon sa adoption kalakip ang application for rectification ng simulated birth record sa loob ng lamang ng sampung taon mula ng maging effective ang Simulated Birth Rectification Act.

Sa ilalim naman ng bagong batas ay may ilang qualifications ang dapat taglayin ng mga Pilipinong gustong mag-ampon ng isang bata.

Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • Dapat ay Filipino Citizens na nasa legal age
  • May full civil capacity at legal rights
  • May good moral character at hindi pa na-convict sa kahit anong krimen
  • Emotionally at psychologically capable na mag-alaga ng bata
  • At may kakayahang suportahan at ibigay ang pangangailangan ng bata

Para naman sa mag-asawa na kung saan ang isa ay foreigner at naikasal sa isang Pilipino, dapat ang nasabing banyaga ay nakatira na sa Pilipinas ng hindi bababa sa tatlong taon bago ang filing ng petition for adoption.

Imbis na dumaan sa mahabang court proceedings ang mga gustong mag-ampon ng isang bata ay maaring mag-file lang petition for adoption sa kanilang social welfare development officer ng syudad o bayan kung saan nakatira ang aampuning bata.

Ang social welfare secretary naman ay dapat maglabas ng desisyon kaugnay sa nasabing petisyon sa loob ng 30 days matapos matanggap ang recommendation mula sa regional director ng ahensya.

newborn baby itinapon sa basurahan

Image from Freepik

Sa oras na makumpleto na ang lahat ng requirements at naaprubahan na ang petisyon, ang batang inampon ay ituturing na lehitimong anak ng nag-ampon sa kaniya at tatanggap ng lahat ng karapatan at obligasyon ng isang tunay na anak na itinakda ng batas.

May nauna ng batas na tumutukoy sa adoption sa Pilipinas na kung tawagin ay Republic Act 8552 o ang Domestic Adoption Act.

Sa ilalim ng batas na ito ay pinaparusahan ang sinumang gagawa ng fictitious o gawa-gawa lang na birth registration ng isang bata lalo na kung ito ay  hindi naman niya tunay na magulang.

Ang batas na ito ang itinuturong dahilan ni Senator Grace Poe na principal author ng Simulated Birth Rectification Act ng pagiging mahirap at magastos ng pag-aampon sa Pilipinas.

 

Source:

News Observer

Basahin:

Dahil sa galit sa biyenan, babae itinapon ang anak sa tulay

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Tunay na Kuwento
  • /
  • Newborn baby, binalot sa trash bag at iniwan sa basurahan ng ina
Share:
  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • Books-on-Wheels: The Mobile Library Bridging Generations in Valencia

    Books-on-Wheels: The Mobile Library Bridging Generations in Valencia

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • Books-on-Wheels: The Mobile Library Bridging Generations in Valencia

    Books-on-Wheels: The Mobile Library Bridging Generations in Valencia

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko