Galit sa biyenan ng isang babae, ibinuntong sa kaniyang 10-month old na anak. Ang ginawa ng ina sa anak? Itinapon ito sa tulay na may sampung metro ang taas mula sa isang ilog sa Shaanxi, Xi’an, China.
Galit sa biyenan ng isang ina, ibinuntong sa kaniyang anak
Ayon sa report ng China Press, ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang babaeng may apelyidong Zhou sa kaniyang biyenan sa araw ng insidente.
Pinuntahan daw umano ni Zhou ang kaniyang mother-in-law para pagusapan ang libing ng kaniyang father-in-law. Ngunit imbis na magkaroon ng maayos na usapan ay nagtalo at nag-away daw ang dalawa tungkol sa usapin sa kanilang bahay.
Dagdag ng report ay may mahabang history ng conflict na daw ang mag-biyenan na mas nagpainit pa ng kanilang pagtatalo. At nang papauwi na ay naalala ito ni Zhou na mas nagpatindi ng nararamdamang niyang galit sa biyenan.
Kaya naman ng mapadaan siya sa isang tulay ay ibinungtong umano ni Zhou ang galit sa biyenan sa kaniyang 10-buwang na anak na babae na kasama niya noon. Inihagis niya daw ito sa ilog sa ilalim ng tulay na may 10 metro ang taas.
Pagkatapos ng ginawa sa anak ay nag-attempt umano si Zhou na mag-suicide ngunit siya ay napigilan ng mga passers-by na nakasaksi sa kaniyang ginawa.
Dahil sa nagawa ay hinuli ng mga pulis si Zhou at idinetain sa pinakamalapit na presinto ng pinangyarihan ng insidente. Habang patuloy naman ang search and rescue operations sa kaniyang anak na itinapon niya sa tulay dahil sa kaniyang galit.
Iba nga talaga ang nagagawa ng isang tao kapag galit. Kaya naman minsan tayong mga magulang ay naibubunton ito sa ating mga anak, ngunit ito ay mali. Kaya para hindi matulad kay Zhou at maiwasang masaktan ang iyong anak o sinumang malapit sayo, ay narito ang ilang anger management tips na dapat isaisip.
10 anger management tips
1. Think before you speak.
Kapag tayo ay galit, madalas ay nakakapagsabi tayo ng mga salita o kaya naman ay nakakagawa ng bagay na kalaunan ay pagsisihan natin. Kaya naman hangga’t maari ay mas mabuting isipin muna natin ang ating gagawin o sasabihin. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang minuto sa sarili na kumalma bago sabihin ang gustong nating sabihin o gawin ang gustong gawin.
2. Kapag kalmado na saka i-express ang galit
Kapag tayo ay kalmado mas masasabi natin ng maayos at maliwanag ang ating punto. Ito rin ang pinakamagandang pagkakataon na sabihin ang frustration o galit sa paraan na hindi makakasakit sa ating kapwa.
3. Mag-exercise.
Ang pag-eexercise ay isang paraan para mabawasan ang stress na nagiging dahilan para mas mabilis na magalit ang isang tao.
Kung nararamdamang mas umiinit ang ulo o mas tumitindi ang galit, ang paglalakad, pagtakbo o paggawa ng ibang physical activities ay makakatulong para mapalipas ito.
4. Mag time-out o mag-break.
Ang pagbibigay sa sarili ng timeout o break ay malaking tulong sa mga araw na na-iistress. Bigyan ng kaunting oras ang sarili o quiet time para makapag-relax o makapaghanda sa mga bagay na makakairita o makakagalit sa iyo.
5. Magisip ng posibleng solusyon sa mga bagay na nakakagalit sayo.
Kaysa ubusin ang iyong lakas at oras sa pagkagalit, mas mabuting mag-isip nalang ng paraan para masolusyonan ang mga bagay na nagpapagalit sayo. Kung naiinis ka sa kalat na ginawa ng mga anak mo sa kanilang kwarto, isarado mo ang pinto. Kung lagi namang late umuwi ang asawa mo, i-urong ng kaunti ang schedule ninyo ng hapunan. O kaya naman ay sanayin ang iyong sarili na kumain mag-isa minsan sa isang linggo. At laging ipaalala sa sarili na hindi nalulutas ng init ng ulo ang kahit anong problema.
6. Ugaliing gumamit ng “I” o “Ako” statements imbis na “You” o “Ikaw”.
Para maiwasang masisi o kaya naman ay ma-criticize ang iba ay iwasan ang mga “you” statements o mga pahayag na tumutukoy sa ibang tao. Mas mabuting laging magsimula sa “Ako” o “I” para mas mabawasan ang tensyon na nagpapalala ng sitwasyon. Maging magalang rin sa pagsasalita at maging deretso sa gusto mong sabihin.
7. Huwag mag-ipon ng galit.
Ang pagpapatawad ay nakapagpapagaan ng pakiramdam. Kung hahayaan ang iyong sarili na mapuno ng galit at iba pang negative feelings ay kakainin ka ng bitterness na mas magpapasama ng iyong pakiramdam at mas magpapatindi ng iyong galit. Samantalang, ang pagpapatawad naman ay nagbibigay sayo ng oportunidad na matuto at mapatibay ang relasyon mo sa isang tao.
8. Gumamit ng humor para mabawasan ang tensyon.
Ang paggamit ng humor o pag-iisip ng nakakatawa sa isang pangyayari ay nakakatulong para mapababa ang tensyon na nararamdaman. Ngunit iwasan ang sarcasm o pagiging sarcastic sa isang usapan na mas nagpalala ng isang problema o hindi pagkakaunawaan.
9. I-praktis ang relaxation skills.
Kapag nagsimula ng uminit ang ulo ay agad ng gumamit ng relaxation skills. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng deep-breathing exercises. O kaya naman ay pag-iimagine ng isang relaxing scene, pag-uulit ng isang nakakalmang salita o pahayag tulag ng “take it easy” o “dahan-dahan lang”. Puwede ding makinig sa isang music, magsulat sa iyong journal o kaya naman ay gumawa ng ilang yoga poses. O kahit anong maaring makapag-relax sayo.
10. Humingi ng tulong sa iba kung kinakailangan.
Ang pagkokontrol ng galit, minsan ay hindi madali para sa ilan sa atin. Sa ganitong pagkakataon ay mga taong maari tayong tulungan o puwede nating makausap para gumaan ang ating pakiramdam. Maaring ito ay isang kaibigan o isang professional na may kaalaman sa mga epektibong paraan para makontrol mo ang iyong megatibong nararamdaman tulad ng galit o kalungkutan.
Source:
Asia One, Mayo Clinic
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!