Normal lang sa lahat ng mag-asawa ang mag-away. Ngunit kahit ano pa man ang pinag-aawayan, mahalagang marunong kayong mag-ayos at makinig sa isa’t isa. Hindi kailangang perfect ang relasyon—ang mahalaga, parehong handang umintindi, magpakumbaba, at magsimula ulit.
Kailan ba kayo huling nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ng iyong asawa? Kadalasan, pagseselos ang nagiging dahilan. Pero alam mo ba na marami pang ibang maliliit na bagay ang puwedeng maging ugat ng tampuhan o away?
Ating alamin kung anu-ano ito—at paano natin maiiwasan ang paulit-ulit na bangayan.
Anu-ano ang madalas pinag-aawayan ng mga mag asawa?
1. Kakulangan sa free time
Kahit ano pa man ang iyong love language, mahalagang iparamdam mo sa iyong asawa na mahalaga siya upang itaguyod ang tiwala sa isa’t-isa. Kapag kinukulang kayo ng oras sa isa’t-isa, dito nagsisimula ang mga problema.
Kapag kayo ay nagkakaroon ng di pagkakaunawaan, gumamit ng mga salitang “tayo” sa halip na “ikaw.” Makakatulong ito upang parehas ninyong maintindihan na magkasama kayo sa buhay, at bahagi ng buhay niyo ang isa’t isa.
Larawan mula sa Freepik
2. Away sa pera
Sa buhay mag-asawa, mahalaga ang pagkakaroon ng budget na masigasig ninyong sinusunod. Minsan, may mga mag-asawa na may malalaking problemang pinansyal, pero lahat ng mag-asawa ay kailangang ayusin ng mabuti ang kanilang budget.
Ayon kay Dr. Lean Seltzer, hindi maganda sa mag-asawa ang mag-away tungkol sa pera. Aniya, ang pag-aaway tungkol sa pera ay isang tanda ng mga mag-asawang naghihiwalay.
Dagdag niya, dapat maging open-minded ang mga mag-asawa tungkol sa usapin ng pera, at bigyan ng respeto ang isa’t-isa kung magkakaroon ng di pagkakaunawaan.
3. Hindi pagkakaunawan sa mga biyenan
Kadalasan, nakikisama ang mga biyenan sa usapan ng mag-asawa dahil nagmamalasakit sila. Ngunit minsan, hindi maiwasan na sumosobra na sila sa kanilang panghihimasok.
Halimbawa, madalas ay nagbibigay ng unsolicited advice ang mga biyenan tungkol sa pagpapalaki ng kanilang mga apo. Kahit na mabuti ang kanilang intensyon, minsan ay nakakasama ito dahil nararamdaman ng magulang na hindi nirerespeto ng kaniyang mga biyenan ang kanyang pagiging magulang.
Sa mga ganitong away, mas mabuting pag-usapan, at huwag pumili ng kakampihan. Respeto at pag-unawa ang kailangan upang maayos ang ganitong problema.
4. Hindi magandang household habits
Minsan, pinag-aawayan ng mga mag-asawa ang napakaliit na mga bagay. Halimbawa, kung nakakalimutan lagi ng iyong asawa na isara ang lalagyan ng toothpaste pagkagamit, ito ay nagiging sanhi ng away sa ibang mag-asawa.
Mahalagang pagtuunan natin ng pansin ang mga maliliit na bagay. Dahil sa mga bagay na ito makikita natin ang malasakit at konsiderasyon sa atin ng ating kabiyak.
Panatilihing malinis at maayos ang iyong bahay, at siguradong magiging mas maayos ang inyong samahan.
Larawan mula sa Freepik
5. Kulang sa intimacy
Nakakahiya mang pag-usapan, isa sa pinag-aawayan ng mga mag-asawa ay ang pagkukulang sa intimacy. Iba-iba ang depinisyon ng intimacy sa mga tao, kaya’t mahalagang alamin at intindihin kung ano ito para sa iyong asawa.
Kahit sa simpleng bagay, tulad ng pakikinig sa iyong asawa ay makakatulong upang palakasin ang intimacy ninyo sa isa’t isa.
Dagdag ulat: Laban o Bawi?
Lahat ng relasyon may pagsubok. Pero kung pareho kayong willing makinig, mag-adjust, at umunawa, kahit anong pag-aaway ay pwedeng lampasan. Hindi importante kung ilang beses kayong nag-away. Ang mas mahalaga ay kung ilang beses ninyong pinili ang isa’t isa kahit ang hirap na. Kaya sa susunod na may tampuhan, tanungin mo rin ang sarili mo: “Gusto ko pa bang ayusin ‘to?” Kung oo, kausapin mo siya. Sa puso, hindi sa taas ng boses.
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
Basahin ang English version nito, dito!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!