X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Agree or Disagree: "Hindi natural sa tao ang maging monogamous o stick to one lang"

5 min read
Agree or Disagree: "Hindi natural sa tao ang maging monogamous o stick to one lang"

Niloko ng asawa? Alamin kung ano ang masasabi ng psychologist tungkol sa panloloko ng asawa at maaaring maging epekto nito.

Pinakasikat na problema sa relasyon ay ang cheating. Kaya nga marami ang nabubuong pelikula at teledrama na patungkol sa mga niloloko ng asawa. Sa artikulong ito pag-uusapan natin ang tungkol sa pangangaliwa na naranasan ng mag-asawa.

Dr. Tofi tungkol sa panloloko ng asawa: “Hindi natural sa tao ang maging monogamous o maging stick to one lang”

Inabangan mo rin ba palagi ang mga palabas sa telebisyon tungkol sa mga mag-asawang may mga kabit? Madalas pa ay may mga eksena ng brutal na pamimisikal. May mga batuhan ng laitan at mabibigat na mga salita.

Sa isang panayam ng psychologist na si Dr. Tofi De Jesus sa Magandang Buhay ay pinag-usapan nila ang tungkol sa pangangaliwa.

Tinalakay nila ang sitwasyon ng isang viewer ng talk show na si tinago sa pangalang “Mimi.” Si Mimi raw ay niloko ng kanyang asawa ngunit hindi nito magawang magalit.

Malaking factor daw ang pag-amin sa panloloko ayon kay Dr. Tofi. Kaya raw hindi galit ang naranasan ni Mimi ay dahil nakabawas ang pag-amin ng kanyang asawa.

Nagsilbi pa raw kasi itong “more accepting” dahil nalaman niya mismo sa partner kaysa sa ibang tao. Dito raw mababawasan ang konsepto ng betrayal ngunit hindi magagarantisa na ito ay mawawala.

Kumbaga ay nakapagpalubag-loob ang pagiging open ng asawa sa kanya ukol sa panloloko.

“When people commit infidelity usually the problem here is that they found out the lie after it has been a long time it has been done”

Masakit daw sa ganito ay ang malamang matagal na silang niloloko dagdag pa ang ideyang niloko ka ng asawa. Binukas niya rin ang konsepto na ang tao ay natural daw na gumawa ng infedelity. Ayon sa kanya,

“Hindi natural sa tao ang maging monogamous.”

Ang monogamous ay tumutukoy sa pagkakaroon ng isang partner lamang o ang pagiging “stick to one.” Binalikan niya rin ang kasaysayan na nasanay raw ang tao na maging polygamous.

Ang polygamous naman ay ang kabaliktaran ng monogamous kung saan mayroong kang higit sa isa na karelasyon.

Bagaman lahat ng kasarian ay maaaring manloko, sa kasaysayan ay mas madalas daw ang polygamy noon sa mga kalalakihan. Noong panahong hindi pa sibilisado ang tao at lipunan, nasanay raw genetically na magkalat ng lahi kaya nag-aasawa ng marami.

6 epekto ng pangangaliwa sa relasyon ng mag-asawa

Isa ang pangangaliwa sa mga pinakamasasakit na mararanasan ng isang tao. Kaya nga dahil din dito ay maraming negatibong epekto ang ganitong pangyayari sa isang tao. Ito ang mga sumusunod:

1. Pagbubuo ng kaliwa’t kanang katanungan sa pag-iisip

Isa sa mga epekto ng pangangaliwa sa relasyon ay ang pagbubuo ng napakaraming katanungan.

“Bakit niya nagawa iyon?” “Kailan niya ginagawa sa akin iyon?” “Paano siya nakalusot sa kabila ng pagbabantay ko?” “Saan nila ginagawa ang panloloko sa akin?”

Ang mga katanungang ito ang magsusulputan sa oras na malaman mo ang panloloko sa iyo ng partner. Magiging malala ang overthinking na mararanasan.

Ang malungkot pa dito ay kadalasang wala nang kasagutan pa sa mga tanong. Tanging matitira na lang ay ang sakit, poot at bitterness na mararamdaman.

niloko ng asawa

Larawan mula sa Pexels

2. Sobra-sobrang sakit at inis

Hindi mapaliwanag na sakit ang mararamdaman ang maranasang mawasak dahil sa nasirang tiwala lalo na sa kasintahan. Dahil sa sobra-sobra ang pagmamahal, sobra-sobra rin ang sakit na balik nito sa iyo sa panahong malaman mong niloko ka ng asawa.

Kalaunan ang pag-iibigan na napunta sa sakit ay mauuwi naman sa galit.

BASAHIN:

Mister huli sa pangangaliwa, habang nagle-labour ang kaniyang misis

Dalawa ang uri ng pangangaliwa, ayon sa isang eksperto

Alamin dito ang 3 uri ng pangangaliwa na walang kinalaman sa sex

3. Pagkakaroon ng trust issues

niloko ng asawa

Larawan mula sa Shutterstock

Napakahirap nang buuin ng tiwala kung ito ay masisira. Kung minsan, hindi lang sa kasintahan ito nawawala nadadamay pa ang ibang relasyon gaya ng pamilya at kaibigan.

Inaabot ng ilang taon ang pagbubuo ng tiwala, habang ilang oras lang ay maaaring masira ito.

4. Worthlessness

Bukod sa tiwala, maaaring mawala rin ang worth sa isang tao kung siya ay niloko ng asawa. Magsisimula na kasing pumasok lahat ng kaisipan kung saang parte ng relasyon ka nagkulang.

Partner Stories
Harbour City produces official Hong Kong music video of Baby Shark
Harbour City produces official Hong Kong music video of Baby Shark
Skinimalism is the way to go: In 2023, less is still more in beauty
Skinimalism is the way to go: In 2023, less is still more in beauty
NOW SHOWING: G Channel PH Presents: "X&Y" - A Heartfelt Journey of Redemption and Love
NOW SHOWING: G Channel PH Presents: "X&Y" - A Heartfelt Journey of Redemption and Love
Share the Shack: Give the gift of Shack to a frontliner
Share the Shack: Give the gift of Shack to a frontliner

Dito na rin pababa nang pababa ang binuong self-confidence at self-esteem. Palagi mo nang iisipin na hindi ka too good enough sa kahit kaninong tao.

5. Lovers to enemies

May mga pagkakataong hindi na sinusubukang ayusin pa ng magkasintahan ang relasyon. May mga nagiging magka-away matapos malamang niloko ng asawa. Dahil nga nabubuo ang galit, mas mananaig din pananatili bilang magkaaway kaysa magkarelasyon.

6. Paghihiwalay

niloko ng asawa

Larawan mula sa Shutterstock

Kapag niloko ng asawa ay maaaring maging sanhi ito ng paghihiwalay. Sapagkat aminin natin isa ito sa pinakamasakit na maaaring magawa ng ating mga asawa sa atin. 

Kapag naghiwalay ang mag-asawa, hindi lamang sila ang maaapektuhan nito kundi ang kanilang mga anak. Kung masakit para sa isang tao ang panloloko na ginawa, mas masakit din ito para sa kanilang anak. 

Paano mo haharapin ang sakit ng panloloko?

Sa kabila ng sakit, mahalagang maalala na may mga paraan upang makabangon mula sa pagtataksil. Narito ang ilang coping strategies:

  • Allow yourself to grieve. Hindi mo kailangang magpanggap na okay ka agad. Ang pag-iyak, pagkwento, at pag-amin ng sakit ay bahagi ng proseso ng paghilom.
  • Kausapin ang taong pinagkakatiwalaan mo. Maaaring kaibigan, kapamilya, o therapist. Makatutulong na mailabas mo ang nararamdaman mo.
  • Huwag kaagad magdesisyon. Hindi mo kailangang magdesisyon agad kung magpapatawad ka o maghihiwalay. Bigyan mo ng oras ang sarili mo.
  • I-prioritize ang sarili mong healing. Kumain, matulog, at alagaan ang sarili kahit mahirap. Self-care is not selfish.
  • Kung may anak kayo, unahin ang emotional safety nila. Hindi nila kasalanan ang nangyari, at kailangan nilang makaramdam ng pagmamahal mula sa parehong magulang.

Panghuli

Sa totoo lang, ang pagtataksil, sobrang sakit. Parang gumuho ‘yung mundo mo. Pero tandaan mo: hindi natatapos ang buhay sa taong hindi marunong magpahalaga.

Mabagal man ang healing, darating din ‘yung araw na magiging okay ka. At kung pipiliin mong magpatawad, sana para sa sarili mo—kasi deserve mo ng peace at bagong simula.

 

PsychologyToday, OurEveryDayLife 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Agree or Disagree: "Hindi natural sa tao ang maging monogamous o stick to one lang"
Share:
  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

  • Paano Kung May Kabit ang Iyong Asawa? 5 Ways to Handle "The Other One" Without Losing Yourself

    Paano Kung May Kabit ang Iyong Asawa? 5 Ways to Handle "The Other One" Without Losing Yourself

  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

  • Paano Kung May Kabit ang Iyong Asawa? 5 Ways to Handle "The Other One" Without Losing Yourself

    Paano Kung May Kabit ang Iyong Asawa? 5 Ways to Handle "The Other One" Without Losing Yourself

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko