Ang pangangaliwa ng asawa ay wala nga talagang pinipiling oras at pagkakataon. Tulad ng tampok na kwento sa artikulong ito na kung saan ang mister na nangangaliwa nahuli ng kaniyang asawa habang nagle-labour siya sa panganganak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pangangaliwa ng asawa
- Payo kapag natuklasang nangangaliwa ang iyong asawa
Nabuking na pangangaliwa ng asawa
Malamang maraming babae ang sasang-ayon na ang panganganak ay isa o kung hindi man ay ang pinakamasakit at pinakamahirap na kailangang pagdaanan ng bawat ina. Lalo na ang tagpo kung saan kailangang dumaan sa napakahabang sakit ng pagle-labour. Sa aking karanasan ay para itong torture o parusa na hindi maalis sa aking isipan at hindi ko makakalimutan. Pero para sa karanasan ng isang netizen, ang pisikal na sakit na dulot nito ay mas nadagdagan pa ng madiskubre niyang nangangaliwa ang kaniyang asawa. Oo, habang iniiinda niya ang sakit na paparating na anak nila.
Kuwento ng inang netizen sa Reddit, nangyari ang hindi niya malilimutang insidente na ito limang taon na ang nakakalipas. Nangyari ito sa mga oras na kung saan nagle-labour na siya sa pang-limang anak nila ng kaniyang mister. Bilang kaniyang asawa ay nasa tabi niya ang mister habang naghihintay sa dagdag na anghel sa pamilya nila. Hanggang sa magpaalam ito para bumili ng pagkain na magiging hudyat pala para sa isang discovery na babago sa mga buhay nila.
“Five years ago, while I was in the waiting part of labour (you know where the epidural kicks in but your hours away from the main event) my then husband told me he needed to get some food because he was starving.”
Habang iniinda ng isang misis ang sakit ng pagle-labour na nararanasan niya
Pangangaliwa ng asawa/Photo by Adrianna Calvo from Pexels
Sa pagmamadali at maaaring dahil sa gutom ay naiwan umano ng kaniyang mister ang cellphone nito. Napansin lang ito ng inang netizen ng maya-maya itong tumutunog dahil sa sunod-sunod na notifications mula rito. Kaya naman hiningi niya ang tulong ng kaniyang midwife para iaabot sa kaniya ang naiwang cellphone ng mister. Sa una’y inaakala niyang mga concerned na family members nila at kamag-anak ang kausap ng kaniyang mister. Laking gulat niya na ang kausap pala nito’y ang kabit ng mister na updated pa sa mga nangyayari sa magiging panganganak niya.
“In his hungry hurry, he left his phone behind, which every few seconds kept getting notifications. I asked the midwife pass me the phone, and he literally was updating his mistress on my labour and, how can I put this… sweet talking her about how even though he was with me she still had his full attention.”
Labis niya umano itong ikinagulat at ikinagalit. Lalo pa’t natuklasan niya na ang kabit ng kaniyang mister ay pinsan niya pa.
Kaya naman ng makabalik ang kaniyang mister ay sumabog ang galit ng nagle-labour na inang netizen. Nagsisigaw siya at pinalayas palabas sa kwarto ng ospital na kaniyang tinutuluyan ang mister. Nagawa niya umano ito sa tulong ng midwife niya at kapatid na babaeng dumating para suportahan siya sa panganganak niya.
Nakapanganak ng maayos ang netizen at tuluyan silang naghiwalay ng kaniyang mister. Nag-divorce sila at nagdesisyon na magkaroon ng pantay na custody sa anak nila. Habang ang kaniyang mister at ang pinsan niyang kabit nito’y tuluyang nagsama.
Matapos masira ang kanilang pamilya, pinapakialaman nito ang pagpapalaki niya sa anak niya
Pinili na lang sanang manahimik ng inang netizen matapos ang lahat ng nangyari. Hanggang sa pakialaman ng ngayong girlfriend ng ex-husband niya ang pagpapalaki niya sa mga anak nila.
Pagdedetalye ng kuwento ng inang netizen, ang kaniyang limang anak ay obsessed sa mga characters sa movie na Harry Potter. Kaya naman nagbibihis sila ng tulad ng mga ito. Kahit na ang bunso niyang anak na babae na laging mga boy characters tulad nila Harry, Draco at Snape ang paborito.
“My kids 15f,13m,13m,8m,5f Have recently become obsessed with Harry Potter since my 15 year old made a tiktok and lots of people pointed out that my four oldest look like the Weasley‘s (my twins have the same personalities as f&g)”
“So, this brings me onto the situation my youngest since than has been dressing up as a different character every week like Harry, Draco, Snape, the dude from twilight. You can see the pattern of it just being male characters. Personally, I don’t care if my kids are happy, I’m happy.”
Ito ang pahayag ng netizen na hudyat pala ng pagsisimula ng world war II sa pagitan nila ng ex-husband niya at kasalukuyang girlfriend nito. Sapagkat ang girlfriend ng kaniyang mister, kinausap siya tungkol sa anak niya na tila napaka-weird umano dahil sa obsessions ng mga ito sa Harry Potter. Lalo na ang bunso niyang babae na mahilig magdamit ng characters ng lalaki.
“Today while I was dropping them off, my ex’s girlfriend asked to speak to me about my kids, especially my youngest. She basically told me it was weird and they weren’t right in the head so what are we gonna do about the situation at hand.”
Larawan mula sa iStock
BASAHIN:
REAL TALK: May happy ending ba ang mga kabit?
#TAPMomAsks: Paano ‘pag nahuli mo ang partner mo na may ka-chat na mga babae sa dating apps?
Nangaliwa ang asawa ko, maaayos pa ba ang relasyon namin?
Buwelta ng isang ina
Dito na muling nag-init ang inang netizen at kinompronta ang girlfriend ng kaniyang dating asawa. Nakapagsabi na siya ng masasakit na salita rito na ang puno’t dulo ay hindi dapat ito nakikialam sa pagpapalaki na ginagawa niya sa mga anak nila. Lalo na’t ang kagustuhan niya lang sa mga ito ay maging masaya sila at magkaroon kahit papaano ng maayos na pamilya.
“I told her she’s f**ked her cousin’s husband so her ideas on what people should do aren’t something. I want my kids picking up, and that my kids are fine. She isn’t their mom nor will they ever see her as such, and that they hate her guts (her doing but that’s another story). And finally, she should stay in her lane when it comes to my kids.”
Sinundan ito ng mga galit na tawag mula sa ex-husband niya. Ang paghingi ng tulong ng kaniyang mga anak na sila ay sunduin na lang mula sa bahay ng kanilang ama. Sapagkat nga sa hindi na nila gustong pagtrato sa kanila ng kinakasama ngayon ng tatay nila. Dahil sa mga nangyari, ang sunod na hakbang ng inang netizen ay ang makuha ang full legal custody ng mga anak niya.
Sa kuwento ng inang netizen ay marami ang naka-relate at nagbigay ng reaksyon at opinyon nila. May nagsabing tama ang ginawa niya. Lalo pa’t sa pagsisimula pa lang ng kuwento ay mali na ang pangangaliwa ng asawa na ginawa ng mister niya. Na mas pinalala pa dahil ang pinatulan nito ay pinsan niya pa.
Ano ang gagawin mo sa oras na malamang nangangaliwa ang iyong asawa?
Photo by Alex Green from Pexels
Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng inang netizen, anong gagawin mo?
Pero payo namin dito sa theAsianparent Philippines, sa oras na mahuling may kabit o pangangaliwa na ginagawa ang mister mo ay subukan mong gawin ang mga ito:
- Una, manatiling kalmado at huwag magpadalos-dalos sa iyong mga aksyon. Kapag kalmado ka na ay saka makipag-usap ng diretsahan sa iyong partner tungkol sa iyong natuklasan. Pakinggan ang kaniyang paliwanag at saka alamin kung paano ninyo maayos ang problema.
- Hindi mo rin dapat sisihin ang iyong sarili tungkol sa nangyari. Ngunit kailangan mong alamin kung bakit ito nagawa ng iyong partner o asawa. Ito’y para malaman ninyo kung ano ang dapat baguhin o kaya naman ay iimprove pa sa inyong relasyon. Para na hindi na maulit pa ang naging problema sa inyong pagsasama.
- Kung patuloy pa rin ang agam-agam sa nangyari makakatulong ang pakikipag-usap sa ibang tao tulad ng iyong mga kaibigan. Ito ay para gumaan ang iyong pakiramdam at makapag-isip ka ng mabuti.
- Ang isang relasyon ay dapat binubuo ng pagmamahal, respeto at tiwala. Isa sa mga paraan para maipakita ito ay ang pagbibigay ng oras sa pakikinig sa iyong asawa o partner sa oras na dumadaan sa pagsubok ang inyong pagsasama. Dapat din ay maging bukas o open kayo sa lahat ng oras sa isa’t isa. Ngunit kailangan ding isaisip na bagama’t kayo’y mag-asawa na ay kailangan pa rin ninyo ng privacy para sa inyong mga sarili. Mas magiging maliwanag ito sa pagitan ninyong dalawa kung kayo ay mag-uusap at magseset ng boundaries sa isa’t isa.
Ang artikulong ito ay unang nailathala sa KidSpot na inilathalang muli sa theAsianparent na may pahintulot.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Irish Manlapaz
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!