X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

#AskDok: Ano ang pinakamabisa at ligtas na paraan para mapabilis ang panganganak?

6 min read
#AskDok: Ano ang pinakamabisa at ligtas na paraan para mapabilis ang panganganak?

Binigyang linaw din niya ang ilang pinaniniwalang paraan na makakatulong umano sa pagpapabilis ng panganganak ng isang babaeng nagdadalang-tao.

Lagpas na sa due ng panganganak at naghahanap ng paraan kung paano madaling manganak o paano mapabilis ang panganganak?

Narito ang ilan sa sinasabing paraan kung paano ma-induce ang pagle-labor ng isang buntis. Ang ipinapayo ng isang doktor na pinakamabisa at ligtas.

Sa artikulong ito ay mababasa ang mga sumusunod:
  • Mga natural na paraan na pinaniniwalaang magpapabilis ng panganganak.
  • Payo at rekumendasyon ng isang doktor.

Paano madaling manganak?

Bilang isang ina na may tatlong anak na, sa totoo lang, walang paraan kung paano madaling manganak. Sapagkat ang yugto na ito ng buhay ng isang babae ay may kaakibat na sakit at halo-halong emosyon na walang katumbas.

Pero ayon sa nakagisnan nating mga paniniwala ay may mga paraan umano ang maaring gawin upang mapabilis ang panganganak o ma-induce ang pagle-labor. Ito ay base sa karanasan ng iilang babae o anecdotal lamang. Hindi pa ito napatunayan ng siyensya o mga pag-aaral.

Pero mariin na payo ng mga doktor, hindi dapat sumubok ng kahit anong inducing labor techniques ang isang buntis kung hindi pa full term ang kaniyang sanggol.  Bagama’t maaaring subukan naman o makatulong sa mga buntis na overdue na o lagpas na sa 42 weeks ng pagdadalang-tao.

Ang ilan sa paraan na ito ay ang mga sumusunod na sinubukang bigyang linaw ng OB-Gynecologist na si Dr. Kristina Tan mula sa Makati Medical Center.

paano madaling manganak

Calendar photo created by rawpixel.com – www.freepik.com 

Mga natural na paraan kung paano mapabilis ang panganganak

1. Pag-i-exercise.

Ang pag-i-exercise ay hindi lang isang paraan kung paano mapanatiling healthy at stress-free ang katawan ng isang buntis. Pinaniniwalaang isang paraan din ito na makakatulong sa madali at mabilis niyang panganganak.

Pero ayon kay Dr. Kristina Tan, wala pang ehersisyong napatunayang nakakatulong na mapabilis o ma-induce ang pagle-labor ng isang buntis.

“Moderate exercise is actually highly recommended during pregnancy. But unfortunately, there aren’t any exercises that have been shown to induce labor.”

2. Pag-inom ng castor oil.

Pinaniniwalaang ang pag-inom ng 1-2 ounces ng castor oil ay nakakatulong sa pagpapabilis ng panganganak. Sapagkat sa ito umano’y nakakapag-stimulate ng prostaglandin release ng katawan na makakatulong para mahinog ang cervix na indikasyon na handa sa panganganak ang isang buntis.

Pero ito ang paliwanag ni Dr. Tan, tungkol sa pag-gamit ng castor bilang paraan kung paano madaling manganak,

“Castor oil is a laxative. Gamot iyan na nagpapa-move ng bowel natin. According to what they think it does, the side effect is nai-irritate ‘yong uterus, which makes it contract. But there have been studies already that says whether na nag-take ka ng castor oil or not, the labor is actually the same.”

3. Pagkain ng mga maanghang na pagkain.

Isang paraan na sinasabing makakapag-induce ng labor ay ang pagkain ng maanghang na pagkain.

Pero ayon kay Dr. Tan, ito ay hindi pa napatunayan ng kahit anong pag-aaral na totoo. Pahayag ni Dr. Tan,“The same explanation with castor oil. Spicy food gives you gastric offset which leads to irritation ng uterus, which leads to contractions. But again, this has not been proven.”

paano madaling manganak

Image by RitaE from Pixabay 

BASAHIN:

Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat lumagpas sa due date ang panganganak

Maaari bang magkamali ang ultrasound sa gender at due date ni baby?

Mga kumplikasyon sa panganganak na kailangan mong malaman

4. Pagkain ng pinya.

Tulad ng castor oil at maanghang na pagkain, pinaniniwalaan ding ang pagkain ng pinya ay nakakatulong para mapabilis ang panganganak. Sapagkat sa nakakatulong din umano ito para mahinog ang cervix at magdulot ng uterine contraction sa isang buntis.

“Apparently, the fresh pineapple has an enzyme they call it bromelain. It acts like a meat tenderizer. They use it daw to parang soften meat. Using the same logic, they are thinking na if you drink pineapple juice, the enzyme that you take can also soften your cervix and then in turn, it will induce labor.”

Ito umano ang pinaniniwalaang paraan kung paano nakakatulong ang pinya sa pagpapabilis ng panganganak ng isang buntis. Pero ayon Dr. Tan, hindi pa napapatunayan kung totoo o epektibo ito talaga.

“But I have to tell patients na, if you take the enzyme, there’s actually no way to find out if the acid or the enzyme will still be able to do what it does when the acid of the stomach acts on it na. And I read it before na walang way to find what it actually does sa cervix.”

Dagdag pa ni Dr. Tan na sinasabing hindi totoong nakakapagdulot ng miscarriage sa pagbubuntis ang pinya. Kaya naman safe itong kainin ng buntis bagama’t ingatan lang na huwag mapa-sobra dahil sa maaari itong magdulot ng heartburn.

“Walang masama if you take pineapple. It is actually very healthy but it can cause heartburn. But its benefit on quickening labor is not yet proven.”

Ang pinakaligtas at pinakamabisang paraan kung para mapabilis ang panganganak

paano madaling manganak

Woman photo created by wavebreakmedia_micro – www.freepik.com 

Pahayag ni Dr. Tan, may isang paraan lang ang napatunayang ligtas at epektibong paraan kung paano madaling manganak ang isang buntis. Ito ang dapat sundin ng mga buntis na overdue na. Sapagkat  sa ito ang siguradong makakatulong sa kanila.

“Meron na tayong napatunayan na ligtas at maasahan na paraan para mapabilis o masimulan ang labor. Ito ‘yong mga gamot na ibinibigay sa mga hospitals at mga pamamaraan na ang mga health practitioners ang gumagawa.”

Hindi rin umano masamang maniwala sa mga sabi-sabi, pero para sa kaligtasan ni baby at mommy mas mabuting makinig sa payo ng isang doktor. Sapagkat sila ang mas nakakaalam sa iyong kondisyon at ang mga ligtas na paraan na hindi magdudulot ng kapahamakan sa buntis at dinadala niyang sanggol.

“If you search the internet there are plenty data on non- medical techniques o ‘yong natural ways to get a jumpstart on labor. What I want mothers to know is most of these methods are anecdotal. When we say anecdotal, it is actually based on someone’s experience. Hindi siya backed-up by studies o research. My suggestion to patients is try to talk to your attending medical doctor first if he plans to follow a certain natural way or non-medical technique to quicken your labor.”

Ito ang payo at paalala ni Dr. Tan sa mga babaeng nagdadalang-tao.

 

Partner Stories
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September:  Pure Moms, Pure Love Video Podcast
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September: Pure Moms, Pure Love Video Podcast

Source: Healthline

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • #AskDok: Ano ang pinakamabisa at ligtas na paraan para mapabilis ang panganganak?
Share:
  • Mga kumplikasyon sa panganganak na kailangan mong malaman

    Mga kumplikasyon sa panganganak na kailangan mong malaman

  • #AskDok: 12 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng normal delivery

    #AskDok: 12 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng normal delivery

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Mga kumplikasyon sa panganganak na kailangan mong malaman

    Mga kumplikasyon sa panganganak na kailangan mong malaman

  • #AskDok: 12 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng normal delivery

    #AskDok: 12 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng normal delivery

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.