Ang kahulugan ng pangangaliwa ay pagiging hindi tapat sa isang moral na obligasyon. Sa mga relasyon, ito ang akto ng di pagtupad sa ginawang pangako na mananatiling tapat sa kinakasama.
Kadalasan ay inuugnay ang pangangaliwa sa mga sekswal na gawain, ngunit may iba pang uri ng pangangaliwa maliban sa sex.
Bantayan maging ang sarili; hindi lang sa sex maaaring mangaliwa sa iyong partner!
Object affairs: Kapag may ibang bagay na nagiging prayoridad
Ang work at home mom na si May Palacpac ay nagsabing kapag ang isip at emosyon ng isang tao ay okupado na ng ibang tao (o bagay!), pangangaliwa na ito. Sa dami ng distractions na hinaharap araw-araw, hindi nakakagulat na ang addiction sa mga gamit ay mabibilang na uri ng pangangaliwa.
Nangyayari ang object affairs kapag ang nangangaliwang partner ay ituon ang kanyang oras at lakas sa ibang bagay bukod sa kanyang relasyon. Maaari itong maging trabaho, social media, o maging iyong smartphone.
Masmarami bang oras ang binubuhos sa smartphone kumpara sa asawa? Maaari itong kilalanin bilang pangangaliwa!
Kung mapansin na umaabot agad sa phone pagkagising palang, tumitingin sa Facebook habang kumakain, at nagli-like at comment sa Instagram bago matulog, alamin na ang iyong mga ginagawa ay nalalagay sa ibang uri ng pangangaliwa.
Ang object affair ay tila walang nadudulot na masama. Ngunit, maaari itong magdulot ng kakulangan ng atensyon, komyunikasyon, at intimacy sa inyong relasyon. Ang mga negatibong epekto na dulot ng pagiging addicted sa mga bagay ay nagpapatunay na hindi lamang sex ang paraan para mangaliwa.
Magpunta sa sunod na pahina para magbasa tungkol sa dalawa pang uri ng pangangaliwa maliban sa sex!Go to the next page to read about two other types of infidelity that prove that sex isn’t the only way to cheat!
Ang pagtatago ng sikreto tungkol sa iyong sweldo at gastusin mula sa iyong asawa ay matatawag na financial infidelity!
Financial infidelity: Kapag pumapagitna ang pera sa inyong mag-asawa
Hindi bihira na magsimula ng pag-aaway sa mga relasyon ang bagay tungkol sa pera. Lalo na kapag may kasamang pagsisinungaling tungkol sa pera. Ang sitwasyon na ito ay kinikilala bilang isa sa mga uri ng pagtataksil. Kung hindi magiging maingat, ang negatibong kaugalian sa pera ay maaaring mabilis maging financial infidelity.
Naranasan ito ng isang mommy blogger at ng kanyang asawa. May panahon na ang parehong sweldo at gastusin nilang mag-asawa ay nananatiling sikreto sa isa’t isa. Ang palusot na ibinibigay para sa kanilang bilihin ay, “Pera ko naman ito.”
Buti nalang, nagawa nilang i-manage at malampasan ang problema sa financial infidelity. Ibinahagi niya ang payo na ito sa mga mag-asawang nakakaranas ng parehong problema: “Dahil sa paggalang, sabihin sa iyong asawa kung may bagay kang bibilhin, lalo na kung mamahalin. Sa huli, pareho kayong mahihirapan kapag hindi mabayaran ang binili.”
Emotional infidelity: Kapag masyado nang malapit
Maaaring isiping walang naidudulot na masama, ngunit ang pagiging emotionally attached sa ibang tao ay maaaring makasama sa iyong pakikisama sa asawa.
“Ang emotional affair ay maaaring kilalanin na pinakamasama mula sa iba’t ibang uti ng pangangaliwa,” ibinahagi ng home-based virtual assistant na si Marge Aberasturi. Ito ay dahil ang emotional attachment ay makapangyarihang bagay.
Sa mga physical affair, posibleng ginawa ito nang walang feelings na kasama, paliwanag ni Marge. Pagdating sa emotional infidelity, ang koneksyon ay mas sa pakiramdam na ninanais, naiintindihan at maging minamahal ng ibang tao.
Isa sa mga rason kaya mapanganib ang emotional infidelity ay dahil madali itong itago. Hindi madaling patunayan na ang iyong partner ay nakikbahagi sa emotional affair. Sa totoo, may isang misis na hindi nagka-ideya hanggang nung huli na ang lahat.
Ang kanyang asawa ay nangaliwa emotionally nang nagsimula siyang magkwento sa ibang tungkol sa mga bagay na hindi niya nasasabi sa kanyang asawa. Kalaunan, iniwan niya ang kanyang pamilya, inamin ang kanyang pangangaliwa at pinili ang iba kaysa sa kanyang asawa.
Ang nakikita bilang close na pagkakaibigan ay lumalim at naging isang relasyon na nagdulot ng pagtatapos ng kanilang pagsasama. “Sobrang naloko ang pakiramdam ko,” kwento niya, “hindi lang niya, kundi pati nung babae. Kilala ko siya, at pati ng mga anak ko.”
Pinapakita ng istorya na wala talangang walang nadudulot na kasamaan, at may ilang uri ng pangangaliwa na maaaring ikagulat mo.
Ang mga uri ng pangangaliwa na ito ay maaaring magdulot ng pinsala sa inyong relasyon tulad ng sex, o baka higit pa. Kaya babala sa mga mag-asawa, kahit pakiramdam ay wala kang masamang ginagawa, maaari itong maging simula ng katapusan ng inyong pagsasama.
Ano pa ang ibang uri ng pangangaliwa na naranasan mo na?
TUNGKOL SA MAY-AKDA: Patricia de Castro-Cuyugan
Kung may insights, katanungam, o komento tungkol sa paksa, mangayaring i-bahagi sa aming Comment box sa ibaba. I-like kami sa Facebook at i-follow kami sa Google+ para manatiling up-to-date sa pinakabago mula theAianparent.com Philippines!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!