Isang newborn baby na nahawa sa bisita, patay. Alamin kung paanong nahawa ng COVID-19 ang sanggol sa kanilang bisita.
Newborn baby nahawa sa bisita, patay
Ang 40-day old na baby mula East Java, Indonesia ay namatay matapos umanong mahawa ng coronavirus mula sa kanilang bisita.
Nagpositibo ang sanggol noong siya ay 28 days old pa lamang at ayon kay Pamekasan regency COVID-19 taskforce chief Syaiful Hidayat, dinala ang sanggol sa Smart Pamekasan Regional General Hospital noong June 9. Agad naman itong in-isolate dahil napag-alamang positibo ito sa COVID-19.
Image from Freepik
Namatay naman siya dalawang linggo matapos ma-admit. Binanggit ni taskforce spokesperson Sigit Priyono na ang kanyang araw ng kamatayan ay June 23.
Paano nahawa ang sanggol sa COVID
Sa ginawang contact tracing, napag-alaman na nahawa ang sanggol sa kanilang kapitbahay na bumisita sa kanya noong kapapanganak pa lang sa kanya.
Ayon din sa taskforce, maraming kapitbahay ang dumalaw sa kanila noon at hinawakan o kinarga pa nga ang sanggol. Nagpakita naman kaagad ang sanggol ng mga sintomas ng COVID tulad ng lagnat, ubo at kahirapan sa paghinga.
Sagot naman ng taskforce kung paano nakalusot ang ganito,
“There were a number of patients under surveillance (PDP) and people who had tested positive [for the virus] who continued their daily activities and did not self-isolate in Tlanakan district.”
Ayon naman sa Jakarta Post,
“PDP is a designation for people who have symptoms consistent with COVID-19 but whose illness has not been confirmed, meaning they are awaiting either testing or test results.”
Image from Freepik
Paalala na huwag munang bisitahin ang mga newborn babies kung ikaw ay may sakit
Kung ikaw ay mayroong karamdaman o sakit, ikaw na mismo ang magdesisyon na huwag nang lumabas. Limitahan ang iyong sarili sa pagbisita kahit kanino.
Kahit pa wala kang nararamdaman, kailangan pa rin ang necessary precautions kapag bibisita sa mga newborn. Mula sa mga timing upang hindi makadulot ng inconvenience sa mga magulang hanggang sa paghalik-halik sa sanggol. Ito ay ilan lamang sa mga do’s and don’ts na dapat ay alam mo na.
Ang mga newborn ay fragile pa at mahina ang resistensya. Kaya naman dapat isaalang-alang mo ito kung bibisitahin sila. Siguraduhing hindi mo sila maiiwanan o mahahawaan ng kahit anong virus. Katulad na lamang ng nangyari sa sanggol na ito, nang dahil sa pagbisita ay naging kapalit pa nga ang kanyang buhay.
Image from Freepik
Sintomas ng COVID-19 sa baby
Sa kasalukuyan, base sa bilang ng kaso ng sakit sa buong mundo, ang mga baby at mga bata ang hindi pinaka-apektado ng sakit na COVID-19. Dahil karamihan sa mga tinamaan ng sakit ay mga matatandang 60-anyos pataas at ang iba pang may iniinda ng karamdaman o mahina na ang immune system.
Ayon nga sa isang pahayag ng CDC sa kanilang website ay sinabi nilang bagamat may mga naitalang kaso ng mga sanggol at batang nag-positibo sa coronavirus ay hindi naman daw nakaranas ang mga ito ng mga malalang sintomas kumpara sa mga matatandang tinamaan ng sakit.
Bagamat dagdag nila ay hindi naman naiiba ang nararanasang sintomas ng COVID 19 sa baby at matanda. Ang mga sanggol na nag-positibo sa sakit ay naiulat na nahihirapang makahinga, may ubo, lagnat at nagsusuka.
Bilang magulang, anong dapat gawin?
Maging maingat na lang din lalo na sa panahon ngayon na hindi natin sigurado kung anong mga sakit ang maaring dumapo sa ating mga anak.
Kung maaari ay huwag na munang tumanggap ng mga bisita kung hindi naman ito urgent o necessary. Huwag na rin muna silang dalhin sa mga social gatherings kahit pa kaunting tao lang ang involved. Iwasan din ang paglabas labas at siguraduhin na palaging malinis ang kanilang mga ginagamit. I-disinfect din ang inyong bahay from time to time.
Maari mo ring siguraduhin na nakukuha nila ang angkop na nutrisyon para sa kanilang edad. Mas maigi nang maging maingat kaysa naman maranasan pa ang nakakalungkot na pangyayaring ito.
Translated with permission from TheAsianParent Singapore
Basahin:
Newborn triplets sa Mexico nag-positibo sa COVID-19 kahit na ang mga magulang ay negatibo
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!