TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Mga newborn puwedeng magkaroon ng stroke!

4 min read
Mga newborn puwedeng magkaroon ng stroke!

1 sa bawat 4000 bagong silang na sanggol ang nakararanas ng perinatal stroke. Sa kabila ng datos na ito, hindi ka dapat na lubhang mabahala. Alamin kung bakit.

Paano mo mailalarawan ang iyong karanasan sa pagluwal ng iyong munting sanggol?

Napakaganda? Kahanga-hanga? Emosyonal? Sa perspektibo ni baby, ito ay literal na “bagong buhay.” Ang pagkapanganak ay mahirap para sa utak ng sanggol. Maging ang pagbabago sa daloy ng dugo mula sa iyo patungo kay baby ay isa nang napakahirap na pagbabago.

Dahil diyan, ang newborn stroke ay karaniwan sa sandaling siya ay isilang. Bilang isang nag-aalalang magulang, natural lang na magtaka kung paano naaapektuhan ng newborn stroke ang pagkabuo ng utak ni baby.

Newborn stroke: Karaniwan ba ito?

Ang perinatal stroke sa mga bagong silang na sanggol ay karaniwan sa 1 sa 4000. Ito ay isang kondisyon kung saan nakakaranas ng stroke ang sanggol bago ipanganak, habang ipinapanganak, o matapos maipanganak.

Sa kasamaang palad, walang mga sintomas upang maging indikasyon na ang bagong silang na sanggol ay nakakaranas o nakaranas ng stroke.

Kahit nakakapangamba, mayroong pag-asa, Mommy. Ipinapakita sa isang pag-aaral ng Georgetown University Medical Center kamakailan lang na walang pangmatagalang epekto ang newborn stroke sa mga bagong silang na sanggol.

Newborn stroke, nakakaapekto sa utak: Kailangan mo bang ikabahala?

Labindalawang kabataang nasa edad na 12 hanggang 25 ang pinag-aralan bilang bahagi ng pananaliksik na ito. Sila ay nakaranas ng stroke sa kaliwang bahagi ng utak pagkasilang. Ang kaliwang bahagi ng ating utak ay responsable sa mga gawain at kaalamang patungkol sa lenggwahe. Ngunit sa pag-aaral na ito, natuklasan na lahat sila ay ginagamit ang kanang bahagi ng utak para dito.

Higit pa rito, lahat sila ay may normal na abilidad sa lenggwahe at mahusay sila sa “basic cognitive skills”.  Kahanga-hanga ring ang rehiyon ng kanang bahagi ng kanilang utak ay parang salaming imahe ng kung ano sana ang kaliwang bahagi ng kanilang utak.

newborn stroke

Pagkakaiba sa pagitan ng language center activation ng mga normal na indibidwal at ng mga nagkaroon ng left-brain stroke. | Image: Screengrab from Georgetown University Website

Samakatuwid, makalipas ang 10 hanggang 20 taon, natuklasan na ang mga bagong silang na sanggol na nakaranas ng stroke sa kaliwang bahagi ng kanilang utak ay ginagamit ang kanilang kanang bahagi ng utak para sa mga gawain at kaalamang patungkol sa wika.

Habang ang stroke sa mga baong silang na sanggol ay walang pangmatagalang epekto, maaari pa ring makitaan ang mga nakaranas nito ng hindi pantay na paglakad o paika-ika at may kabagalan sa pagproseso ng mga bagay. Ang paggamit ng kaliwang kamay ay karaniwan din dahil sa paghina ng kanang bahagi.

Newborn stroke, nakakaapekto sa utak: Ano ang masasabi ng mga eksperto sa natuklasang ito?

Ayon kay Elissa Newport, PhD, na nanguna sa pag-aaral na ito, ang kanilang mga natuklasan ay nagpapakita kung paano gumagana ang utak ng mga sanggol.

Si Newport ay neurology professor at direktor ng Center for Brain Plasticity and Recovery  sa Georgetown University School of Medicine. Siya rin ang direktor ng MedStar National Rehabilitation Network.

Sabi rin niya:

“Ang utak ng mga bata ay napaka-elastic, ibig sabihin, maaaring mailipat ang mga gawain at kaalamang patungkol sa lenggwahe sa malusog na bahagi.

Naniniwala kami na napakahalaga ng hadlang sa kung saan ang mga nasabing gawain at kaalaman ay maililipat.

May mga napakapartikular na rehiyon na maaaring pumalit kapag may bahagi ng utak na napinsala, depende sa partikular na gawain at kaalaman.

Bawat gawain at kaalaman, katulad ng “language o spatial skills”, ay may partikular na rehiyon ng utak na maaaring pumalit kapag ang pangunahing rehiyon ng utak ay napinsala. Napakahalagang pagkatuklas ito na may mga maaaring implikasyon sa rehabilitasyon ng mga matatandang nakaranas at napagtagumpayan ang stroke.”

Mommy, napakagaling ng kanilang kakayahan bilang babies, hindi ba? Kaya naman, kahit na nakaranas ang iyong munting sanggot ng ganitong kondisyon, hindi mo kailangang mag-panic. Dahil napakalaki ng tyansa na siya ay lalaki at mabubuhay na normal, tulad ng kanyang mga kababata.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ A. Cruz

Sources: Pop Sugar, Georgetown University

Image Source: Instagram

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Bianchi Mendoza

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Mga newborn puwedeng magkaroon ng stroke!
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko