Positibo sa COVID-19 ang mexican triplets. Ngunit palaisipan pa rin kung saan ito nakuha ng mga bata dahil hindi naman carrier ng virus ang kanilang magulang.
Mexican newborn triplets nag-positibo sa COVID-19 kahit na ang mga magulang ay negatibo
Ayon sa ulat, ang isang babae at dalawang lalaki na newborn ay ipinanganak na triplets sa Mexico. Apat na oras matapos silang ipanganak, isinailalim sila sa COVID-19 testing at napag-alamang positibo sa nasabing virus.
Ang triplets ay napagalamang premature at ipinanganak sa Ignacio Morones Prieto Central Hospital sa Mexico.
Aminado ang mga eksperto na hindi pa nila naririnig ang ganitong kaso ng transmission sa mga newborn baby. Duda rin nila na maaaring asymptomatic ang nanay ng mexican triplets o ‘yung hindi nakikitaan ng sintomas ng virus. Ngunit sa resulta ng swab test sa magulang ng bata, sila ay nag negatibo sa COVID-19 pati na ang tatay nito.
Ayon kay health secretary Monica Rangel, kasalukuyan nilang iniimbestigahan ang pangyayari dahil ngayon pa lamang nila narinig ito.
“We specifically requested since yesterday that a group of experts investigates the case.”
Hindi pa nila nakukumpirma kung saan nakuha ng mga mexican triplets ang COVID-19. Wala pa rin kasing matibay na ebidensya kung ito ay napasa sa placenta ng nanay ngunit isasama pa rin nila ito sa pag-aaral.
“The triplets we are monitoring are stable. They are evolving favorably. One of them continues using an antibiotic, but they are doing well. We hope this continues so they can be reunited with their parents soon.”
Dagdag pa nito na sa ngayon, bumubuti na ang kalagayan ng triplets habang kasalakuyang nagpapagaling pa at binibigayan ng antibiotic.
Severe COVID-19 sa mga buntis bihira lang, ayon sa pag-aaral
Noong unang mga buwan ng COVID-19 outbreak sa Pilipinas, isa sa mga high risk ang mga pregnant moms sa virus. Kasama na ang mga senior citizen at iba pang may current medical issue. Kaya naman kasama sa pinagbawalan na lumabas ang mga buntis ng kanilang bahay. Hindi rin sila ina-advice na pumunta sa mga mall o iba pang lugar.
Ngunit ayon sa latest study ng mga doctor, ang mga buntis ay maaaring magkaroon pa rin ng COVID-19 ngunit hindi severe o malala.
Ayon sa JAMA, ang COVID-19 sa mga buntis ay hindi magiging malala at hindi katulad sa mga senior citizen at ibang may current medical condition
“No data are currently available to assess whether pregnant women are more susceptible to COVID-19. Pregnant women are at risk for severe disease associated with other respiratory illnesses but thus far, pregnant women with COVID-19 do not appear to be at increased risk for severe disease compared with the general population.”
Ayon sa mga researcher, tinatayang nasa 4.9 out of 1,000 na kababaihan na may COVID-19 ang naka admit sa ospital. At dito napagalamang ang mga buntis na nagkakaroon ng COVID-19, karamihan ay hindi nagiging severe o malala ang kaso.
Bukod dito, ang mga buntis na mayroong current medical issue at problems katulad ng diabetes o high blood ay karamihan sa kanila ang nadadala at naka admit sa ospital. Kasama na rin dito ang mga pregnant mom na sobra sa timbang at nasa 35 pataas.
Halos lahat ng kaso ng mga kapapanganak na baby ay nag negative sa COVID-19 pagkatapos nilang matest. Ngunit sa ibang kaso rin na ang mga newborn baby o yung kakapanganak pa lamang ay nagkakaroon agad ng COVID-19. Kasalukuyan pa rin silang nag iimbestiga kung saan nakukuha ng mga newborn baby ang virus. Kung ito ba ay bago ipanganak o pagkatapos mapanganak.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source: