Nico Bolzico to Solenn Heussaff: “Don’t forget to take care of yourself, because a happy mother is the best mama!”

Indeed, happy wife = happy life!

Nico Bolzico may sweet na mensahe sa misis na si Solenn Heussaff sa 39th birthday celebration nito.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Nico Bolzico birthday message to Solenn Heussaff.
  • Pamilya ni Solenn at Nico.

Nico Bolzico birthday message to Solenn Heussaff

solenn heussaff 39th birthday

Larawan mula sa Instagram

Nitong July 20 ay nagdiwang ang model at celebrity mom na si Solenn Heussaff ng kaniyang 39th birthday. Sa Instagram ay makikitang walang naging engrandeng handaan si Solenn para sa kaniyang kaarawan. Pero ang mister niyang si Nico Bolzico may sweet na mensahe para sa kaniya.

Sa Instagram habang yaka-yakap ang dalawa niyang anak na sina Maelys at Thylane. Ito ang naging caption ng post ni Nico na maraming mommies ang na-touch. Dahil si Nico pinatunayan at sinusuportahan ang kasabihang “happy wife, happy life”. Ito ang paraan niya ng pagpapakita ng pagmamahal kay Solenn na tinatawag niya ring wifezilla.

solenn heussaff birthday

Larawan mula sa Instagram

“Happy Birthday to our corner stone!

All we wish for you is more time for yourself. You choose Tili and Maegirl before you everyday. But dont forget to take care of yourself, because a happy mother is the best mama! We love you!”

Ito ang birthday message ni Nico kay Solenn.

nico bolzico to solenn heussaff birthday message

Larawan mula sa Instagram

Pamilya ni Solenn at Nico

Base sa latest post ni Nico ay makikitang nasa bakasyon sila ngayon ni Solenn kasama ang kanilang dalawang anak. Sa isa sa kaniyang post ay kinunan niya ng video si Thylane na nag-slislide pababa sa isang pool. Base sa post ni Nico, ang ganitong stunt nagagawa lang daw nila ng anak kapag wala ang misis na si Solenn.

Scary man kung titingnan, makikita sa mga sign language ni Thylane habang nagswiswimming na nag-eenjoy siya sa kaniyang ginagawa.

“When Mama is not around we take some controlled risks! Tili’s sign language confirms everyrhing is OK!”

Ito ang caption ng post ni Nico sa video ni Thylane na nagswiswimming habang gumagawa ng mga sign language tulad ng heart, clap at ok sign.

 
View this post on Instagram

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!