Anak ni Solenn Heussaff na si Thylane Bolzico, apat na languages ang alam sabihin sa edad na 3 years old. Paano ba ito nagawa ni Solenn?
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Solenn Heussaff proud na ibinahaging multilingual ang anak niyang si Thylane Bolzico.
- Paano ba naturuan ni Solenn Heussaff at mister na si Nico Bolzico ng apat na languanges ang anak na si Thylane sa bata nitong edad.
Solenn Heussaff proud na ibinahaging multilingual ang anak niyang si Thylane Bolzico
Very proud ang celebrity mom na si Solenn Heussaff sa panganay niyang si Thylane Bolzico. Dahil si Thylane sa edad na tatlo ayon kay Solenn ay kayang magsalita at nakakaintindi ng apat na linggwahe. Ito ay ang French, Spanish, Englist at Filipino.
Kahit siya mismo daw ay na-aamaze sa talent na ito ng anak. Dahil kaya nitong mag-switch ng language na gagamitin depende sa kung sino ang kaharap at kausap niya. Pinatunayan ito ni Solenn sa pamamagitan ng maikling video sa Instagram kung saan maririnig si Thylane na nagsasalita gamit ang apat na languages na kaniyang alam.
“Since we live in a multilingual household, it’s only natural for Tili to pick up a word or two of the languages we use. And at 3 years old, she speaks Spanish, French, English and Tagalog! It’s amazing how she can switch languages depending on who she’s talking to. It’s so mesmerizing to listen to!”
Ito ang bahagi ng pahayag ni Solenn sa Instagram tungkol sa anak na si Thylane.
Una ng ibinahagi ni Solenn kung ano ang ginawa nilang strategy para maturuan ang anak ng apat na languages. Ayon kay Solenn, base parin sa isa niyang Instagram post noong 2021, tanging mga cartoons sa French at Spanish lang ang pinapanood nila kay Thylane sa TV. Habang ang English at Tagalog naman ay lagi niyang naririnig sa kanilang bahay.
Sa edad na isang taon ay sinimulan na daw nilang gawin ito kay Thylane. Ganoon din ang pagtuturo dito ng mga sensory at DIY activities. Kaya naman si Thylane, sa edad na tatlong taon ay very independent at gifted na.
Si Thylane ay mayroon ring baby sister na nagngangalang Maelys.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!