X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Nikki Gil gives birth to baby girl, Madeline Elle

4 min read
LOOK: Nikki Gil gives birth to baby girl, Madeline Elle

Kasing cute ng pangalan niya ang mukha ng unica hija ng singer-actress na si Nikki Gil!

Nikki Gil baby girl na si Madeline Elle, ating kilalanin dito!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Birth of Nikki Gil baby girl Madeline Elle.
  • Nikki Gil’s journey as a mom.

Let us welcome Nikki Gil baby #2 na si Madeline Elle!

Nikki Gil baby

Image from Nikki Gil’s Instagram account

Isinilang na ng singer-actress na si Nikki Gil ang kaniyang pangalawang anak na isang babae. Ito ay inanunsiyo ni Nikki sa kaniyang Instagram account.

Ayon kay Nikki, ilang araw na ang nakalipas ng isilang niya ang kaniyang baby girl na nagngangalang Madeline Elle. At sila ng kaniyang mister na si BJ Albert ay inlove na inlove sa cute at magandang mukha nito.

“Our little miss Madeline Elle arrived a few days ago 🥰💕 and we’re completely smitten! Thank you Lord for our sweet Maddie 💕👨‍👩‍👧‍👦”

Ito ang post ni Nikki Gil tungkol sa kaniyang baby girl.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)

Bumaha naman ang congratulatory message mula sa mga kaibigan at taga-suporta ni Nikki sa pagdating ng kaniyang baby girl. Ilan nga sa mga bumati kay Nikki ay ang tulad niyang mga celebrity moms na sina Cheska Kramer, Anne Curtis, Marian Rivera, Kaye Abad at Iya Villania.

LOOK: Nikki Gil gives birth to baby girl, Madeline Elle

Image from Nikki Gil’s Instagram account

Ilang netizen naman ang nakapansin na fresh na fresh parin si Nikki kahit katatapos lang manganak.

“Ang ganda pa rin niya parang ‘di nahirapan manganak.”

“Hustisya po nanganak ka po ba talaga? Bakit ang ganda pa rin?”

Ito ang nasabi ng mga netizen sa bagong panganak na si Nikki Gil.

Nikki Gil as a mom

Si Nikki Gil ay nakilala sa kaniyang husay sa pagkanta at pagganap ng iba’t-ibang role sa telebisyon at pelikula. Kahit isang celebrity ay binibigyan niya ng halaga ang kaniyang privacy at hangga’t maaari ay pinipili nalang manahimik sa kahit anumang isyu ang pinupukol sa kaniya.

Mas naging matipid nga si Nikki sa pagbibigay ng update sa kaniyang personal na buhay ng siya ay magka-pamilya na.

Tulad nal ang ng kaniyang naging pagbubuntis sa pangalawa niyang anak na si Maddie. Ang magandang balita ay ibinahagi ni Nikki sa publiko noon lamang Abril.

Doon, makikitang malaki na ang baby bump ni Nikki at ang caption ng post niya ay naka-address sa panganay niyang anak na si Finn na ngayon ay isang ganap na Kuya na.

“Ready, Kuya Finn? 😅❤️”

Ito ang caption ng post ni Nikki ng i-anunsyo niya ang kaniyang pangalawang pagbubuntis.

Nikki Gil baby

Image from Nikki Gil’s Instagram account

Samantala, nito lang bago matapos ang buwan ng Setyembre ay nagkaroon ng virtual baby shower si Nikki para sa kaniyang baby girl. Ito ay naisagawa at naging possible sa tulong ng mga kaibigan ni Nikki.

Sa pamamagitan ng Instagram post ay ibinahagi ni Nikki kung paano nakatulong ang isingawang baby shower para maibsan ang nararamdaman niyang pag-aalala sa panganganak sa gitna ng nararanasang pandemic ngayon.

“Yuuuup, stiiiiill pregnant! 😅 but grateful for the beautiful zoom baby shower my girls put together for me 🥺💕.

Thank you for insisting on celebrating baby girl even if the pandemic just makes me want to stay sulky, angry and paranoid (thank God I’m fully vaxxed though! I could be worse lol).

Just realized that this is what kept us all sane during this season—good food and each other. Love you guys! 🥰 BB2, we’re ready for you! 💕”

It ang nasabi ni Nikki sa kaniyang Instagram account.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)

BASAHIN:

#AskDok: Is Aceite de Manzanilla safe for baby?

LOOK: Desiree del Valle gives birth to baby boy

Ama, pinukpok ng feeding bottle ang 3-month-old baby na iyak nang iyak

Nikki Gil’s married life

Si Nikki Gil ay naikasal sa mister niyang si BJ Albert, isang businessman noong 2015. Matapos ang dalawang taon ay saka naman ipinanganak ni Nikki ang panganay niyang si Finn noong November 2017.

Mula noon ay naging full-time mom na si Nikki sa kaniyang anak. Sa kaniyang mga Instagram post ay makikita kung paano tinuturuan ni Nikki ang anak na si Finn ng iba’t ibang mga bagay. Tulad na lamang ng pagpipinta, pagluluto at kahit na pati paglilinis ng kanilang bahay.

Sa isang interview sa Philippine Entertainment Portal o PEP ay ibinahagi ni Nikki na kahit dedicated housewife at mother na siya ay patuloy parin siya sa paggawa ng mga bagay na kinahihiligan at gusto niya.

“I’m focused of building a family, becoming a good wife and mother, and pursuing other passions. My heart is happy”, sabi ni Nikki.

LOOK: Nikki Gil gives birth to baby girl, Madeline Elle

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

Image from Nikki Gil’s Instagram account

Source:

PEP

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Nikki Gil gives birth to baby girl, Madeline Elle
Share:
  • 5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

    5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • 5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

    5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko