Ikinasal na ang Hashtag member at aktor na si Nikko Natividad sa kaniyang long-time partner na si Cielo Eusebio!
Mababasa sa artikulong ito:
- Wedding nina Nikko Natividad at Cielo Eusebio
- Engagement nina Nikko at Cielo
Wedding nina Nikko Natividad at Cielo Eusebio
Ikinasal na nga ang hashtag member na si Nikko Natividad sa kaniyang long-time partner na si Cielo sa Nasugbu, Batangas noong Oktubre 31, 2021. Ibinahagi ni Nikko ang mga litrato sa kasal nila sa kaniyang post sa Instagram.
Larawan mula sa Instagram account ni Nikko Natividad
Dinaluhan ng kanilang pamilya at mga kaibigan ang kanilang kasal pati na ang mga kaibigan nila sa showbiz. Isa na nga rito ang kasama niya sa Hashtags na sina McCoy de Leon, Kid Yambao, Tom Doromal, Ronnie Alonte at iba pa.
Dumalo rin sa kasal nina Nikko sina, Loisa Andalio, Ate Girl Jackie Gonzaga at Barbie Imperial.
Sa kanilang vow sinabi ni Nikko,
“Ang sarap isipin na naging close muna tayo bago naging tayo. Pero sobrang bilis ng mga pangyayari, 6 months pa lang tayo dumating na agad si Aiden….Mahal salamat na dumating ka sa buhay ko. Salamat pinatawad mo ako, salamat dahil mahal na mahal mo ako at walang araw na hindi ko naramdaman ‘yon.
Larawan mula sa Instagram account ni Nikko Natividad
Dagdag pa ni Nikko na napaluha pa siya,
“Inaamin ko pareho pa tayong hindi handa kaya siguro hindi ko rin na-handle ng maayos ‘yong mga problemang dumating. Dumating ako sa punto ng buhay ko na sobrang sama ko, pero hindi mo ako binitawan. At ang hinding-hindi ko makakalimutan ‘yong araw na sinabi mo sa akin na, naniniwala kang magbabago ako”
Narito ang video sa kanilang kasal.
Engagement nina Nikko at Cielo
Noong August inanunsyo ng nina Nikko at Cielo ang kanilang engagement sa pamamagitan ng isang vlog sa kanilang YouTube Channel.
Pagbabahagi ni Nikko,
“Walang halong prank. Totoo po ‘yon ‘yung mga pagtawag namin na ‘yon nga, we will get married.
Sa mga hindi po nakakaalam, hindi pa po kasi talaga kami kasal. Pero siyempre nagli-live in na kami, may anak na kami. Sabi nga ni Aiden that’s the right thing to do.
Oo, parang mag-asawa na rin talaga kami, may anak na kami. Pero iba pa rin ‘yon nga, ‘yong tama, may basbas, nasa batas. At siyempre ‘yon ‘yong sign na talagang kayo na talaga.”
Sabi naman ni Cielo,
“Pero walang magbabago kasi nga bago pa niya maisip na pakasalan ako, ‘yung pagsasama namin ay parang mag-asawa na talaga. Siguro mas magiging strong ‘yung bond namin. Kasi iba kapag alam niyong kasal na kayo.”
Larawan mula sa Instagram account ni Nikko Natividad
Ang relasyon nina Nikko at Cielo ay umabot sa 7 taon bago sila magpakasal. Sa isang panayam ni Ogie Diaz sa kaniyang vlog kay Nikko sinabi niya na laging umano siyang sinasabihan ni Cielo na “Pakasalan mo na ako, malaki na ‘yong bata.” Ang nasasabi lamang daw umano ni Nikko noon ay soon, akong bahala.
Pagkukuwento pa ni Nikko,
“Tapos kapag may pinupuntahan kaming kasal ng mga kaibigan, naiinggit siya. Kaya ayaw na ayaw kong uma-attend ng kasal kasi umiiyak siya, na, ‘Buti pa sila kinasal. Mura lang naman magpakasal kahit civil lang naman.’ Pero parang ‘di pa ako ready,
Tapos one time, bigla na lang, nagte-treadmill ako tapos kinausap ko siya. Wala na akong ano, ‘yong mga surprise? Wala. Ang galing. Nagte-treadmill lang ako Tito Ogie, tapos bigla ko na lang naisip na, gusto ko na magpakasal.
Tapos ‘yon, sinabi ko agad sa kanya, ‘Mahal, pakasal na tayo.’ Nagba-vacuum lang siya nu’n tapos iyak siya nang iyak.
Totoo pala na aantayin mong maging ready ‘yong tao. Hindi mo pwedeng ipilit. Sabi ko naman sa kanya mahal ko siya, may anak tayo, ikaw pa rin naman asawa ko, wala pa nga lang sa papel, wala pa lang basbas, pero antayin mo akong maging ready. Naantay naman niya.”
Congratulations again Nikko Natividad at Cielo Eusebio-Natividad sa inyong wedding! We wish all the best.
Source:
YouTube, Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!