TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login / Signup
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Nilagang Baboy Recipe: Ang classic na ulam para sa homecook beginners

4 min read
Nilagang Baboy Recipe: Ang classic na ulam para sa homecook beginners

Isa sa mga pinaka-simpleng recipe ang nilagang baboy recipe. Madali lamang itong gawin. Halina at alamin ang recipe dito.

Nilagang baboy recipe ang una kong natutunang lutuin noong nagsisimula pa lamang ako sa pagluluto. Itinuro ito sa akin ng aking ina at itinuro din sa kanya ito ng mga nakatatanda sa kanya noon. Ibabahagi ko ngayon sa inyo ang aking natutunan na tiyak na madali mo ring masusundan kaagad.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pinagmulan ng nilagang baboy recipe
  • Mga sangkap sa pagluluto nito
  • Ang proseso ng pagluluto ng nilagang baboy

nilagang baboy Ang terminong nilaga ay ang literal na paraan ng pagpapakulo ng matagal ng isang pagkain hanggang sa ito ay lumambot at maluto. | Litrato mula sa iStock

Pinagmulan ng nilagang baboy recipe sa bansa

Ang pagpapakulo ng karne ang isa sa mga pinaka-simpleng paraan ng pagluluto ng pagkain na natutunan natin mula sa ating mga ninuno. Ito kasi ang isa sa paraan ng pagpe-preserba ng karne ng mga hayop bukod sa pagpapatuyo o pagbibilad sa araw dahil hindi pa natutunan noon ang paraan ng refrigeration.

Ang terminong nilaga ay ang literal na paraan ng pagpapakulo ng matagal ng isang pagkain hanggang sa ito ay lumambot at maluto. Nilalagyan ito ng iba't-ibang gulay at pampalasa upang sumarap at inihahain sa anumang meal time.

Kalaunan, natutunan natin mula sa mga Kastila ang paraan ng paggigisa ng mga rekado sa pagluluto. Ang ating nilaga ay may sariling bersyon sa mga Kastila. Tinatawag nila itong cocido ngunit ang kaibahan lamang ay hindi tayo nag-gigisa sa ating nilaga recipe.

nilagang baboy Puwede ring sahugan ng mais at baguio beans ang inyong nilagang baboy. | Photo by: Marisol Nadonga-Villanueva

Hindi lamang sa Pilipinas at Espanya may putahe ng nilaga. Halos lahat ng bansa ay mayroong bersyon nito gaya ng sup daging ng Malaysia, coddle ng Ireland, cockney ng Inglatera, pot-au-feu ng Pransya, at marami pang iba.

May dalawang uri ng putahe ng nilaga na common sa Pilipinas: Ang nilagang baboy at nilagang baka. Pareho lamang ang paraan ng pagluluto nito ngunit mas matagal lamang ang pagpapakulo sa karne ng baka kumpara sa karne ng baboy.

Sa araw na ito, nilagang baboy recipe ang aking ibabahagi sa inyo.

Mga sangkap sa pagluluto ng nilagang baboy

  • 1 kg pork belly (puwede rin ang pork shoulder), cubed
  • 2 medium patatas, peeled at cubed
  • 1 medium dilaw na sibuyas, quartered
  • 4 piraso ng hinog na saging na saba, sliced diagonally in half crosswise
  • 1 buong repolyo, quartered
  • 6 to 8 cups water (puwede ring gumamit ng pork broth para mas malasa ang sabaw)
  • 1 teaspoon pamintang buo
  • 1 tablespoon patis (fish sauce)
  • Salt to taste

Optional na sangkap:

  • Pechay Baguio
  • Pechay Tagalog
  • Sitaw o string beans
  • Pork boullion (condiment)

nilagang baboy Inaabot ng 45 minuto hanggang 1 oras ang pagluluto ng nilagang baboy. | Litrato mula sa Freepik

Proseso sa pagluluto:

  1. Sa isang malaking kaserola, pagsamahin ang baboy at tubig at isalang sa medium heat na apoy. Pakuluan ang baboy at tanggalin ang mga sebo na lulutang sa ibabaw ng tubig. Kapag malinaw na ang tubig, ilagay na ang pamintang buo, sibuyas at patis. Patuloy na pakuluin.
  2. Hinaan ang apoy at pakuluin ang baboy sa loob ng 1 oras o hanggang sa tuluyang lumambot ang karne ng baboy. TIP: Dagdagan ng 1 cup ng tubig ang sabaw kung natutuyo ito sa pagpapakulo.
  3. Ilagay ang saging sa saba at patatas. Haluing maigi at lutuin sa loob 12-15 minuto. TIP: Tusukin ng tinidor ang saging na saba at patatas upang malaman kung malambot na ito.
  4. Kapag luto na ang saging na saba at mga patatas, maaari ng ilagay ang repolyo. Haluin at pakuluin sa loob ng 1-2 minutes para maging half-cooked ang repolyo. TIP: Huwag patagalin ang pagpapakulo sa repolyo upang hindi ito maluoy. Lasahan ang sabaw at timplahan ng asin sa gusto mong panlasa.
  5. Isalin ang nalutong nilagang baboy sa isang serving bowl. Ihain habang mainit pa!

Note: Maaaring gumawa ng sawsawan para sa nilagang baboy recipe natin! Narito ang mga ingredients:

  • Patis
  • Kalamansi
  • Siling Labuyo (optional)

Proseso sa paggawa ng sawsawan:

Sa isang platito, ilagay ang patis (depende sa iyo ang dami ng patis na ilalagay). Hiwain ang kalamansi at pigain sa platitong may patis. Hiwain sa malilit na piraso ang siling labuyo kung nais na maging maanghang ang iyong sawsawan at haluing maigi.

Partner Stories
The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
The Red Ribbon Classic White Bread is the newest household favorite that families will enjoy
The Red Ribbon Classic White Bread is the newest household favorite that families will enjoy
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
img
Sinulat ni

Yddette Civ Alonzo-Cruz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • Nilagang Baboy Recipe: Ang classic na ulam para sa homecook beginners
Share:
  • The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
    Partner Stories

    The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

    Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

  • The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
    Partner Stories

    The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

    Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko