12-day-old baby, pinagkakagat ng kanilang alagang aso

Parents at dog lovers, mahalagang matutunan ninyo ang tamang paraan ng pagpapakilala kay baby sa inyong alaga upang maiwasan ang ganitong pangyayari!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nilapa ng aso at namatay ang isang newborn baby. Ang asong lumapa sa sanggol alaga ng kanilang pamilya.

Newborn baby na nilapa ng aso

Image from Freepik

Selos, ito ang sinasabing dahilan kung bakit nilapa ng aso ang isang newborn baby sa South Yorkshire, England.

Ayon sa uncle ng 12-day-old baby boy na si Elon, nasa kaniyang Moses basket nitong Linggo ang sanggol ng atakihin ng kanilang alagang aso. Ang umatakeng aso sa kaniya ay isang Chow Chow-cross dog na nagngangalang Teddy.

Si Teddy ay nakahiwalay naman umano sa sanggol. Ngunit ito’y tumalon mula sa kaniyang pen at nakatakas papunta sa kinaroroonan ni Baby Elon. Doon niya na sinimulang atakihin ang sanggol na posibleng ding napagkamalan niyang laruan. Dahil si Teddy ay very friendly dog naman umano at hindi nasama sa kahit anong trouble pa noon.

“The dog was in the pen and he suddenly jumped over the top and got free and went through the open door into a room downstairs where the baby was in a Moses basket. Then it attacked him. He may have thought it was a toy or a doll. But the dog had never been any trouble before.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ng uncle ng sanggol sa isang panayam.

Naisugod pa naman daw sa ospital si Baby Elon. Pero dahil sa lala ng tinamong injury nito ay nasawi ang kaawa-awang sanggol.

“On arrival at the property, emergency services discovered the baby boy had been bitten by a dog and suffered serious injuries.”

Ito ang pahayag ng South Yorkshire Police report.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil sa nangyari ay kailangang patayin ang aso na dati naman umanong malambing sa ibang mga bata. Inaresto naman ang mga magulang ni Baby Elon na sina Abigail Ellis, 27-anyos, at Stephen Joynes, 35-anyos. Ito ay dahil, ayon sa mga pulis ang kanilang naging pabayaan o negligence bilang magulang ang naging daan para mangyari ang insidente sa kanilang anak.

Image from News AU

Paano i-introduce ang newborn baby sa inyong alagang hayop

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng University of California, ang mga aso ay nagpapakita ng jealous behaviors sa oras na nagpakita ng affection sa iba ang kanilang amo. Kaya payo ng mga dog experts, dapat ang mga magulang ay planuhin ng maaga ang pagpapakilala sa kanilang newborn baby at alagang hayop. Ayon sa American Kennel Club, ito ay magagawa sa sumusunod na paraan:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isailalim sa basic obedience class ang iyong alagang aso

Mahalaga ito upang mas madali mo siyang mabigyan ng instruction sa oras na dumating na sa inyong bahay si baby. Ang mga mahahalagang bagay na dapat ituro sa kaniya ay ang hindi pagtalon, ang pag-upo at pag-stay o pananatili sa kaniyang puwesto. Siguraduhin ding bigyan siya ng chew toy sa oras na magawa niya ito ng tama.

Magkaroon ng gradual changes sa routine ng iyong alaga

Dahan-dahanin ang pagbabago sa routine ng iyong alaga. Tulad ng kung saan siya natutulog o maaaring magpunta sa mga bahagi ng inyong bahay. Makakatulong din na simulan na o magsagawa ng simulation sa mga activities na iyong gagawin pagdating sa inyong bahay ni baby. Tulad ng pagpapakain, pagduduyan o pagtutulak ng empty stroller.

Bawasan ang inilalaang oras at atensyon sa iyong alaga dalawa hanggang tatlong linggo bago dumating si baby sa inyong bahay

Ito’y upang dahan-dahang masanay ang iyong alaga sa mahahating atensyon sa kaniya pagdating ng inyong baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Magpatutog o mag-play ng baby sounds sa inyong bahay bago dumating si baby.

Ito’y upang masanay na ang iyong alaga sa mga baby sounds at hindi manibago rito sa pagdating ng inyong newborn.

Sanayin na ang iyong alaga sa amoy ng baby

Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pag-introduce ng mga baby lotion o powder sa kaniya. O kaya naman ilang araw bago dalhin si baby sa inyong bahay ay magdala na ng kaniyang damit at ipaamoy sa iyong alaga. Ito’y upang makilala at makasanayan niya na ito.

Image from Freepik

Mga dapat tandaan at gawin sa oras na iuuwi na si baby sa inyong bahay

  • Pagdating sa inyong bahay, batiin mo ang iyong alaga ng hindi hawak-hawak si baby. Dahil maaaring matalunan niya ito sa excitement ng pagkakita sa ‘yo.
  • Hayaan lang na amoy-amuyin o tingan ng iyong alagang aso si baby sa mga unang araw bago ito tuluyang makalapit sa kaniya. Siguraduhing nakatali ang iyong alaga sa oras na isagawa ito.
  • Kapag nasanay na ang iyong alaga at nakikita mong friendly na siya baby ay hayaan na itong makalapit kay baby na walang tali. Pero dapat ay hindi pa rin iiwan si baby at iyong alaga na walang kasamang adult o magbabantay sa kanila.
  • Bigyan pa rin ng sapat na atensyon ang iyong alaga kahit dumating na si baby sa inyong bahay.
  • Huwag pagalitan ang iyong alaga sa tuwing kukunin nito ang mga laruan ni baby. Sa halip ay palitan lang ito ng kaniyang laruan.
  • Paglaanan ng safety zone ang iyong alaga. Ito’y kaniyang private space na kung saan maaaring siyang mag-relax at mapag-isa.
  • Makakatulong din ang paglalagay ng gate o harang sa kuwarto ni baby upang hindi makapasok dito ang iyong alaga. Upang masiguro na may ligtas na lugar na maaari kang paglagyan kay baby sa oras na may gagawin ka at hindi siya mabantayan.

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

News AU, American Kennel Club, CNN Edition

BASAHIN:

Checklist para sa mga gamit na kailangan ng newborn baby