Nina Jose husband na si Mayor Cezar Quiambao may patutsada sa mga kumekwestyon sa age nilang mag-asawa.
Mababasa sa artikulong ito:
- Nina Jose and husband Cezar Quiambao life as a couple.
- Message ni Nina at mister sa isa’t isa.
Nina Jose and husband Cezar Quiambao life as a couple
Bilang bahagi ng kanilang selebrasyon sa kanilang 4-year wedding anniversary ay sinubukan ng aktres na si Nina Jose, 32-anyos at husband na si Bayambang, Pangasinan Mayor Cezar Quiambao, 65-anyos, ang “ Truth or Lie” na laro.
Gamit ang lie detector test ay nagbatuhan ng mga tanong ang mag-asawa na kukumpirmahin ng lie detector machine kung totoo ba o hindi ang sinasabi nila.
Isa nga sa mga natanong sa laro ay kung naapektuhan pa ba si Mayor Quiambao sa mga kumekwestyon sa 33 years age gap nila ni Nina. Ang sagot niya ay hindi. Nang tanungin niya ni Nina kung anong masasabi niya sa mga ito ay ito ang nasagot ng alkalde.
“Inggit lang sila!”
Taong 2017, buwan ng Enero ng unang maikasal si Nina at Mayor Quiambao sa isang civil wedding ceremony. Sa parehong taon, buwan ng Nobyembre naman ginanap ang church wedding nila.
Sa parehong vlog episode na kung saan naglaro ng “Truth or Lie” ang mag-asawa ay naibahagi nila kung paano nagsimula ang kanilang pagmamahalan. From friends to lovers, ganito isinalarawan ni Mayor Quiambao ang aging pagmamahalan nila nila Nina.
Sikreto sa masaya at matibay na pagsasama nilang mag-asawa
Image from Nina Jose Quiambao’s Facebook account
Kuwento naman ni Nina, pagdating sa sikreto kung bakit matibay ang pagsasama nila ng mister na si Mayor Quiambao, nangunguna na daw na dahilan nito ay ang pagiging transparent, honest at open nila sa isa’t-isa.
“Kasi kami po ni Cezar very transparent po kami. Hindi po talaga siya marunong magsinungaling and even if he tried to huling-huli siya.”
Ito ang sabi ni Nina. Halimbawa na nga raw nito ay ang hindi nila pagtatago o pakikialam sa phones ng isa’t-isa. Dahil ito daw ay pagpapakita rin ng respeto sa bawat isa.
“Cezar and I, our phones are very open to each other. Maybe that’s why we stay this long. May trauma ako before so rule namin ‘yong maging honest and open with each other. Sinasabi niya from the start na mali ‘yon it’s not good. Kasi you have to respect each other privacy.”
Pag-amin pa ni Nina, ay hindi niya naiwasan noon na ikumpara ang mister na si Mayor Quiambao sa mga naging ex niya. Pero ngayon daw ay hindi niya na ito ginagawa. Lalo na’t nakita niya kung gaano ka-understanding at pasensyoso ang kaniyang asawa partikular na kapag tinotopak siya.
Nang tanungin nga si Mayor Quiambao kung minsan ba ay naisip niyang mali ata ang babae niyang napangasawa, pabulong niyang sinabi kay Nina na oo dahil sa topak nito.
Pero magkaganoon man, sinabi rin ng alkalde na nasanay na siya sa ugali ng misis at hindi niya kayang mawala na ito sa tabi niya.
BASAHIN:
What’s the ideal age gap between spouses? A study says 1 year
Nagplaplanong magka-anak ulit? Ito ang ideal na age gap, ayon sa mga eksperto
How to deal when your age gap is causing problems in your marriage
Mensahe ni Nina at kaniyang mister sa isa’t isa
Image from Nina Jose Quiambao’s Facebook account
Sa huli ay nagpalitan si Nina at Mayor Quiambao ng mensahe sa isa’t-isa.
Sabi ni Nina laking pasalamat niya dahil ang alkalde ang napangasawa niya.
“Cezar is really god’s gift to me. I always say this kung wala si Cezar sa buhay ko I dont know kung saan ako pupulutin ngayon.
Iyon po ag katotohanan. He saved me. I really am thankful to god for him and he made my dream come true to have my own family.
And there is nothing more than I can pray or ask for because I was truly blessed with such a wonderful life, wonderful husband, son and family.”
“And I am really thankful that he is my husband.”
Ito ang sabi ni Nina tungkol sa mister.
Nagpasalamat rin si Mayor Quiambao sa misis na si Nina. Ayon sa kaniya ay binigyan nito ng kulay ang mundo niya.
“I really thanked Nina for giving me a colorful life and also she has been taking care of me and she’s always there for everyone especially me. Especially when I got sick she is the most worried person.”
“She has changed my life, I became a very religious person, loving, caring and became a family man. I thanked Nina for what she has brought in me today and hopefully we can survive for the remaining years of our lives.”
Ito naman ang mensahe ni Mayor Quiambao sa misis na si Nina.
Si Nina at Mayor Cezar Quiambao ay may isang anak na lalaking nagngangalang Antonio.
Image from Nina Jose Quiambao’s Facebook account
Source:
Facebook
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!