#AskDok: Totoo bang nakaka-apekto ang nipple confusion kaya hindi nasasanay ang bata na sumuso?

Ano nga ba ang tinatawag nilang nipple confusion? Nakakaapekto nga ba ito sa kasanayan ng isang sanggol o bata sa pagsususo? Alamin ang sagot dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano nga ba ang nipple confusion? Nakakaapekto nga ba ito sa kasanayan ng isang sanggol o bata sa pagsususo?

Ang nipple confusion ay ang ugali ng isang sanggol na hindi matagumpay na umangkop sa pagitan ng pagdede sa suso ng kaniyang ina sa pagdede sa isang bote.

Ito ay maaari ring mangyari kapag ang sanggol ay ibabalik pagpapasuso sa suso ng ina. Maaari rin na ang nipple confusion ay ang pagtanggi sa nipple kung saan tinatanggihan ng sanggol ang parehong bote at suso ng ina.

Pagpapadede sa suso vs pagpapadede sa bote

Maraming mga ina ang natatakot na gumamit ng mga bote na pangdede sa kanilang journey ng pagsususo sa kanilang mga anak lalo na kung maaga pa dahil nga sa nipple confusion na tinatawag. Pinupuna rin ang kaunting partisipasyon ng mga ama sa pagpapadede sa sanggol lalo na kung ang ina ang nagpapadede lamang sa suso niya.

Nabigyan ang The Asian Parent ng pagkakataon na ma-interview si Dr. Abou-Dakn, ang Chief Physician sa Gynecology ng St. Joseph Hospital sa Berlin, Germany. Dito ay inihayag niya ang kaniyang nalalaman para sa successful breastfeeding journey ng isang ina, sa tulong na rin ng partner o asawa nito.

Sa isyu ng nipple confusion, madiing sambit ni Dr. Abou-Dakn: “Nipple confusion doesn’t exist.”

Paliwanag niya, “So we are not happy about this argument—not using pacifiers or using bottles.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aniya, hindi totoo na malilito ang baby sa pagsuso sa ina kapag siya ay pinadede sa bote. Wala daw kinalaman ang nipple confusion sa pagiging matagumpay ng pagpapasuso ng isang ina. Ang mas ikakabahala daw niya ay ang maling pag-gamit ng pacifier.

Minsan daw kasi, nami-miss ng nanay ang hunger cues ng bata dahil naka-pacifier ito. Ang nagiging epekto ay ang pagbaba ng milk production.

Pagpapatuloy pa niya, “It’s maybe another problem we see that mothers who are not so happy to breastfeed they are very, very open to give the baby early time the pacifier.”

“And the problem could be that the baby starting sucking on the pacifier and not the actual breast of the mother, so the mother wouldn’t produced so much [milk],” aniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“And so the milk in is not increasing like we want to, so this is the point wherein we are not so happy when mothers using pacifiers,” dagdag ng doktor.

Aniya pa, “Another thing with the use of the bottle—it’s a problem of the mind. The bottle is not really the problem.”

Ayon kay Dok, walang basehan daw ang mga pangamba ng mga ina sa pagbibigay ng bote sa baby. Ang may basehan daw ay ang pagiging unhappy at frustrated ng mga ina sa kanilang pagpapasuso.

“The problem is that it’s very many women are not so happy to [breastfeed] at first and then gets the bottle,” pagpapatuloy niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madali lang daw ang solusyon, aniya. Kailangan maging involved din ng mga tatay kapag feeding time daw ni baby. Sa ganitong paraan, mas nakakapahinga ang mga nanay at hindi agad-agad na susuko sa pagpapasuso ng baby.

“The bottle is good situation that the father could feed the baby also when the mother is not there and she’s at work or in the night or something like this, but it’s easier just to breastfeed directly from the breast,” dagdag na paliwanag nito.

Dahil daw sa pagod ng mga ina, mas pinipili nila ang direct latch, na kinalaunan din ay ang magiging rason kung bakit humihinto ang ina sa pagpapasuso.

Sabi pa niya, “So we see also that after this, some women will stop breastfeeding.”

“They don’t want to stay longer in giving milk the human makes for the baby because they’re happy they don’t have such a pain on their nipples or something like this so our targets would be to do something to stop this … and pain in the first time,” kuwento pa ng doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pag-aaral tungkol sa role ng mga ama sa breastfeeding

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Philips Avent, karamihan ng mga nanay ay nais na maging involved ang kanilang mga asawa o partner sa pagpapalaki ng bata.

“Fortunately, most dads (81%) want to help, but there are some areas where they could be doing more to support. While most partners (82%) are involved in comforting and checking up on the baby, less than half (46%) clean the breast pumps and the bottles for the next feeding and only 41% spend time researching how to feed the baby.”

Ayon pa dito: “This means there are some aspects of caring for a newborn that are still falling to mum and there is a
need for greater education for partners. This is reflected by the research findings which show that 76% of mothers think that more information is needed on how partners can support the breastfeeding journey.”

Pinatotohanan naman ito ni Dr. Abou-Dakn, “The role of the father has changed in the past few decades. Men are now much more willing to be hands-on in the child raising process. Not only are men more often present at births, but they are also taking on a lot of the childcare duties too. This includes supporting the breastfeeding process, which is great for father-infant bonding and has long-lasting benefits which baby will carry into later life.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Basahin: Pagpapasuso: Paano masigurong nagagawa itong mabuti