LOOK: Newborn photos ng baby boy ni Camille Prats

LOOK: Newborn photos ng baby boy ni Camille Prats

Silipin ang ang mga cute newborn photos ng anak nila Camille Prats at VJ Yambao na si Nolan Cristiano Yambao kasama rin ang ate niyang si Nala Camilla.

Marami ngang followers ni celebrity mom na si Camille Prats ang cute na cute sa mga latest photos na pinost at shinare niya sa kaniyang Instagram account ng kaniyang newborn na baby boy na si Nolan Cristiano.

Kung aalalahanin, noong nakaraang buwan ika-10 ng Hulyo masayang sinalubong nila Camille at asawang si VJ Yambao ang bagong silang nila na si Baby Nolan.

Newborn photos

Kahapon nga, ika-1 ng Agosto nagbahagi si Camille Prats ng ilang mga litrato ng kaniyang newborn sa kaniyang Instagram. Ito nga ang unang photo shoot ng anak na si Nolan Yambao kasama ang Nice Print Photography.

Unang litrato na shinare ni Camille ay umabot na ng 39.2K likes at 246 comments. Aniya sa kaniyang caption, "My @nolan_cristiano at 3 weeks."

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

My @nolan_cristiano at 3 weeks ❤️ ? @niceprintphoto

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats) on

Ang sumunod namang post ng dating child actress ay si Nolan kasama ang kaniyang Ate Nala Camilla sa litrato. Sa litrato nga ay kitang-kita kung gaano ka-sweet na ate si Nala sa kaniyang kapatid na si Nolan.

Ani Camille, "My heart is bursting with so much love my @nalacamilla and @nolan_cristiano."

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

My heart is bursting with so much love ? my @nalacamilla and @nolan_cristiano ❤️ ? @niceprintphoto

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats) on

Nag-post nga rin ng solo photo ni Nala si Camille sumunod ang sweet photo ni Nala at Nolan. Sambit nito, "My happy little ate @nalacamilla."

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats) on

Ito pa nga ang mga ilang cute na cute na litrato nila Nala at Nolan na pinost naman ng Nice Print Photography sa kanilang Facebook page.

Source: Camille Prats
Photos: Nice Print Photography

Basahin: Camille Prats: "Hay, the life of having a toddler and a newborn."

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner