Ikaw ba ay stay-at-home-mom o stay-at-home-dad? Nais bang maging miyembro ng SSS? Good news! Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagiging isang non-working spouse SSS member.
Qualification sa non-working spouse SSS contributions
Ang pagiging non-working spouse SSS member ay makukuha kung ikaw ay legal na asawa ng isang SSS Member. Ang iyong asawa ay maaaring employed, self-employed, o OFW na miyembro ng SSS. Ngunit, hindi maaaring higit sa 60 taong gulang ang edad ng NWS para sa kanyang paunang kontribusyon.
Ang Monthly Salary Credit (MSC) o halaga ng babayaran ng isang NWS ay ang kalahati ng kontribusyon ng asawang miyembro. Maaaring magpalit ng MSC ang NWS nang walang pruweba ng idineklarang buwanang sahod.
Mga dokumento
Para makapag-apply bilang NWS, fill-upan ang form NW-1. Maaari itong i-download mula dito.
Ang nais maging NWS na wala pang SS number ay kailangang magsumite ng Personal Record Form na makukuha dito. Ngunit, kung dati nang may SS number at piniling maging NWS, Member Data Change Request Form ang gagamitin. Maaari itong i-download dito. Paalala lamang na kakailanganin ang pirma ng asawang miyembro ng SSS para sa mga form na ito.
Iba pang mga dokumento
Bukod sa mga forms na nabanggit, may ilan pang mga dokumento ang kailangan sa pag-apply bilang NWS. Ang mga ito ay:
- Birth certificate
- Kung walang birth certificate, maaaring tanggapin ang:
- Baptismal certificate
- Driver’s license
- Pasaporte
- Professional Regulation Commission (PRC) card
- Seaman’s book (Seafarer’s identification and record book)
- Kung wala ang mga nasabing dokumento, kakailanganin ng dalawa sa mga sumusunod kung saan ang isa ay nagpapakita ng araw ng kapanganakan:
- Alien Certificate of Registration
- ATM Card (nakasaad ang pangalan ng card holder)
- Bank Account Passbook
- Baptismal Certificate ng/mga anak
- Birth Certificate ng/mga anak
- Certificate of Confirmation galing sa National Commission on Indigenous Peoples (dating Office of Southern Cultural Community at Office of Northern Cultural Community)
- Certificate of Licensure/Qualification Documents galing sa Maritime Industry Authority
- Certificate of Muslim Filipino Tribal Affiliation galing sa National Commission on Muslim Filipinos
- Company ID card
- Court Order na nagpapahintulot sa pagbabago ng pangalan o petsa ng kapanganakan
- Credit card
- Firearm License card galing sa Philippine National Police (PNP)
- Fishworker’s License galing sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
- Government Service Insurance System (GSIS) card/ Member’s Record/Certificate of Membership
- Health o Medical card
- Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG) Transaction card/ Member’s Data Form
- Homeowner’s Association ID card
- ID card galing sa LGU (hal. Municipal, City, Barangay)
- ID card galing sa professional association na kinikilala ng PRC
- Life Insurance Policy
- Marriage Contract/Marriage Certificate
- National Bureau of Investigation (NBI) Clearance
- Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) card
- Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) card/ Member’s Data Record
- Police Clearance
- Postal ID card
- School ID card
- Seafarer’s Registration Certificate galing sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
- Senior Citizen card
- Student Permit galing sa Land Transportation Office (LTO)
- Taxpayer’s Identification Number (TIN) card
- Transcript of Records
- Voter’s ID card/Affidavit/Certificate of Registration
- Kung walang birth certificate, maaaring tanggapin ang:
Pagbabayad ng kontribusyon
Gamit ang Payment Reference Number (PRN) maaaring magbayad ng kontribusyon on-line o over-the-counter sa mga collection partners ng SSS. Ang mga ito ay:
- SSS Branches na may tellering na facility
- Mga bangko na collection partner
- Asia United Bank
- Bank of Commerce
- Security Bank (on-line)
- Union Bank of the Philippines (on-line)
- Metrobank
- Bayad Center
Maaring magbayad ng kontribusyon ng advance ngunit ay maaaring magkulang ito kung magkaroon ng pagbabago sa MSC. Para maiwasan na mapost ang kontribusyon sa mas mababang MSC, dapat bayaran ang kulang na halaga.
Napakadali lang maging NWS na miyembro. Kung sakaling magkaroon ng trabaho, maging self-employed o OFW, maaaring palitan ang klasipikasyon ng membership.
Basahin: ALAMIN: Mahalagang impormasyon tungkol sa 2019 SSS contribution table