Nonrev Daquina may sweet message kay Angeline Quinto: “Sana palagi namin piliin ang isa't isa.”

Angeline umaming siya ang nag-first move sa kanilang dalawa ni Nonrev.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nonrev Daquina at Angeline Quinto ibinahagi ang love story nila. Narito rin ang hiling nila para sa isa’t isa.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Nonrev Daquina and Angeline Quinto love story
  • Mensahe ni Nonrev at Angeline sa isa’t isa

Nonrev Daquina and Angeline Quinto love story

Sa unang pagkakataon ay nagpaunlak ng isang interview si Angeline Quinto kasama ang partner niyang si Nonrev Daquina. Ito ay sa vlog ng kilalang TV host na si Luis Manzano kung saan doon nila ikinuwento ang naging pagsisimula ng kanilang love story.

Kuwento ni Angeline, nagkakilala sila ni Nonrev sa isang restaurant. Ito ay sa pamamagitan ng kaibigan nilang mag-boyfriend at girlfriend. Hindi daw sila inireto ng mga ito at nagkataon lang na sila ay nagkakilala.

Matapos ang pagkakakilala sa restaurant ay nagkaroon ng communication ang dalawa. Nagpapalitan na sila ng messages sa isa’t isa at unti-unting nagkakagustuhan. Si Nonrev, nagustuhan daw ang pagiging maalalahanin ni Angeline.

“Ginagawa niya kasi noon mayroon siyang business na pabango, nagde-deliver. Sabi ko oh mag-ingat ka kasi tanghaling tapat, nagmo-motor.”

Ito ang pagkukuwento ni Angeline kung paano nasabi ni Nonrev na maalalahanin siya.

Maliban pa dito si Nonrev, naging komportable daw agad kay Angeline. Dahil sa ito ay madaldal at masarap kausap.

Aminado si Angeline na siya ang unang nag-first move sa kanila ni Nonrev. Siya nga rin daw ang unang nag-I love you rito na naging simula na ng relasyon nilang dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero mahal man ang isa’t isa, hindi naging madali ang love story ni Nonrev at Angeline. Dahil pag-amin pa ni Angeline, ayaw noong una ng manager niya kay Nonrev.

“Noong una talaga 'yong manager ko ayaw sa kaniya.  Ako ang priority ko talaga, trabaho. Doon ako nahirapan na sino bang uunahin ko?”

Ito ang pagbabahagi ni Angeline.

Larawan mula sa Facebook account ni Angeline Quinto

Tinanong niya daw si Nonrev kung itutuloy pa ba nila ang relasyon nila. Si Nonrev hindi nagpapapigil at ito ang ginawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Tinuloy ko pa rin. Pinakita ko na gusto ko talaga siya, na mahal ko siya.”

Si Angeline naman, pinatunayan sa kaniyang manager na tunay ang pagmamahalan nila ni Nonrev.

“Tinuloy pa rin namin. Ang dami kong pinaliwanag sa manager ko. Pinakita naman talaga namin na mahal namin ang isa't isa. So nung dumating si Sylvio sobra siyang naging love na rin ng manager ko.”

Ito ang kuwento pa ni Angeline.

Angeline bilang isang ina

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon kuwento ni Angeline, sobrang saya niya na kasama sina Nonrev at Sylvio. Pakiramdam niya kahit wala na ang kaniyang Mama Bob ay kumpleto na ulit siya. Bagamat pag-amin niya hanggang sa ngayon ay nasa adjustment period pa rin siya ng pagiging ina.

“Medyo nag-aadjust pa ko sa pagiging nanay, syempre first baby ko si Sylvio. Masayang-masaya ako ngayon. Kasi ito rin yung dream talaga ng Mama Bob para sakin.”

Ang mga tanong daw ni Angeline, pag-aalala sa pagiging ina ay nawala ng makita niya na si Sylvio at marinig ang iyak nito sa unang pagkakataon.

“Nung narinig ko 'yong iyak niya, nawala lahat ng tanong sa sarili ko. lahat ng takot na nararamdaman ko nawala lahat,” sabi pa ni Angeline.

Sa pagpapalaki kay Sylvio, malaking bagay daw na nagtutulungan sila ni Nonrev. Dahil ang hirap ng pag-aalaga kay Sylvio mas gumagaan daw at nagi-enjoy daw siya.

“Kami ni Nonrev nagpapalitan kami. Kung halimbawa ako 'yong antok na antok, siya 'yong nagbabantay kay Sylvio hanggang madaling-araw. Para kapag umaga ako naman yung gising o minsan baligtad,” kuwento pa ni Angeline.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakapagod man daw at mahirap, sabi ni Angeline masaya siya sa pagiging isang ina. Ngayon daw ay naiintindihan niya na at napatunayan niyang totoo na kahit ano mang pagod maaring mawala kapag nakikita ng ina ang kaniyang anak.

“'Yong feeling ko ngayon nanay na nanay na. 'Yong ikaw lahat ng kikilos pero nakakapagod din. Pero alam mo 'yan sa araw-araw na nangyayari ngayon, nakakapagod pero kapag nakikita ko si Sylvio nawawala.”

“Ganoon pala talaga. Naiintindihan ko na 'yong mga nanay na kapag nakikita na yung anak lahat ng hirap sa panganganak nakakalimutan. Totoo pala 'yon mga mommies naranasan ko na yun.”

Ito ang pagbabahagi ni Angeline sa isa sa kaniyang mga vlog episodes.

Mensahe ni Nonrev at Angeline sa isa’t isa

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Sa kabuuan, ito ang hiling at mensahe ni Angeline para kay Nonrev at sa binuo nilang pamilya kasama si Sylvio.

“Sana palagi kaming maging isa at sana lagi kaming mag-tulungan para kay Sylvio. Sana kung mayroon mang pagkakataon na hindi kami okay or nagkakaroon kami ng tampuhan sa isa't-isa, sana huwag hayaang lumaki. Laging pag-uusapan. Kasi ayokong masanay ng ganun.”

“Sana palagi lang tayong maging buo at saka alam mo naman na kayo yung pinaka-inspirasyon at buhay ko ngayon.”

Ito ang sabi ni Angeline.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Nonrev ito naman ang mensahe para sa singer at ina ng kaniyang anak na si Sylvio.

“Kahit marami kaming bagay na hindi pinagkakaintindihan, sana palagi namin piliin ang isa't-isa.”

Ito ang sabi pa ni Nonrev.