4-day-old baby biglang hindi huminga

undefined

Alamin ang kuwento ng isang 4-day-old baby na bigla na lang hindi huminga at namatay. Ano ang dahilan nito?

Normal na paghinga ng sanggol, paano nga ba malalaman? Basahin ang kuwento ng mommy na si Jhen Gutierrez at ng kanyang pumanaw na 4-day-old baby.

4-day-old baby biglang hindi huminga at namatay

Hindi madaling lampasan ang isang dagok na katulad nito. Ikinuwento ni Mommy Jhen Gutierrez ang nakakalungkot na nangyari sa kanyang 4th child.

Si Mommy Jhen ay isang dating OFW sa Hongkong at Noong November 2018 ay tatlong buwan pa lamang siya ulit dito sa bansa nang makumpirma niyang siya ay buntis. Pitong taon na noong siya ay huling nagbuntis kaya naman laking pasasalamat din nila na nasundan pa nga ang kanilang ikatlong anak.

Isang buwan matapos niyang malaman na siya ay buntis, nagka-trangkaso siya at nakaramdam ng madalas na pananakit ng puson. Pero ilang beses man siyang kumonsulta sa kanyang OB GYN, wala talagang nakikitang komplikasyon. Cleared din ang kanyang lab results at negative sa kung anumang mga sakit.

normal-na-paghinga-ng-sanggol

Image from Freepik

Dumating ang July 2019 at nanganak na nga siya sa kanyang baby girl na si Avery. Naipanganak naman niya ito nang maayos at ang tanging naging problema ay ang lubhang pananakit pa rin ng kanyang puson at cord coil o nakapulupot na umbilical cord sa sanggol.

Isang araw matapos siyang manganak, nakauwi na rin sila sa kanilang bahay at lahat naman ay maayos. Hanggang sa dumating ang ikatlong araw nang biglang nag-iiyak ang sanggol sa di malaman na dahilan. Ito na nga ay humantong na sa ikaapat na araw kung saan siya ay tuluyang pumanaw.

Kuwento ng ina, karga karga lamang ito ng kanyang asawa nang mapansin nilang bigla na lamang itong tumigil sa paghinga. Isinugod nila ito sa ospital ngunit wala na ring nagawa ang mga doktor.

Ano ang dahilan nito?

Noong dinala nila ang sanggol sa ospital ay wala ring naibigay na cause of death o findings ang mga doktor. Suspetsa pa nga nila ay baka nagkaroon ng gatas sa baga, pero wala naman daw ayon sa mga doktor.

Hindi naging madali para kay Mommy Jhen ang nangyari at naisipan pa nga raw niyang bumalik na lang sa Hongkong para magtrabaho ulit at makalimot nang mas mabilis. Pero hinikayat din siya ng kanyang asawa na subukang maging maayos para sa tatlong anak nila na natitira.

Image from Freepik

‘Di man naging madali ay lumaban pa rin si Mommy Jhen at ngayon ay naka-focus na lamang siya sa kanilang pamilya at nakahanap na rin siya ngayon ng trabaho dito sa bansa.

Aminado siyang paminsan ay nakakaramdam pa rin siya ng shock, confusion at guilt pero ang kanyang nagiging sandigan na lamang ay ang Diyos at ang kanyang mga anak. Ayaw daw kasi niyang maging unfair sa mga ito kung patuloy siyang malulungkot dahil sa anak niyang namatay.

Normal na paghinga ng sanggol

Dahil sobrang nakakaalarma ang nangyari kay baby Avery, paano nga ba malalaman ang normal na paghinga ng sanggol? Kailan ba dapat mabahala at kumonsulta doktor?

Madalas ay nakakabahala ang breathing patterns ng mga sanggol, lalo na para sa mga first time parents. Ito kasi talaga ay pabago-bago. Pero ang normal na bilang ng kanilang hinga sa isang minuto ay 30 to 60. Kapag naman sila ay natutulog, maari itong bumaba sa 20 kada minuto. Pero kung may panahon na biglang bumibilis ang kanilang paghinga at biglang titigil ng mahigit 10 segundo, ito pa rin ay normal.

normal-na-paghinga-ng-sanggol

Image from Freepik

Ilan sa mga senyales na mayroong mali sa kanyang paghinga ay kung makakarinig ka ng pagsipol. Maaari kasing may nakabara sa kanilang nostrils sa ganitong pagkakataon. Kung masyado namang mabilis ang kanilang paghinga maliban sa nabanggit na bilang, ito rin ay maaring early symptom ng pneumonia.

Para masigurong okay ang iyong anak, ugaliin na patulugin siyang naka-tihaya. Ito ay para maiwasan ang ilang scenario katulad ng sudden infant death syndrome. Magtabi rin ng mga saline drops para sa oras na sila ay magkasipon o bara sa ilong.

Palaging bantayan ang iyong anak at maging pamilyar sa kanilang breathing pattern para matukoy kaagad kung mayroong mali.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

 

Source:

Healthline

Basahin:

REAL STORIES: “Buntis ako—at ayoko ng mabuhay”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!