X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

REAL STORIES: "Buntis ako—at ayoko ng mabuhay"

4 min read
REAL STORIES: "Buntis ako—at ayoko ng mabuhay"

Isang buntis nag-open up na ayaw na mabuhay dahil sa kaniyang pinagdaraanan sa kaniyang personal na buhay. Ano ang maipapayo mo sa kaniya?

Isang nagbubuntis ang nagbahagi ng kanyang kalungkutan sa theAsianparent community. Ayaw na mabuhay ng nasabing nagbubuntis dahil sa pinagdadaanang problema sa kanyang boyfriend at pamilya. Sa bigat ng kanyang dinadalang problema, naiisip pa niya na siya ay hindi mahal ng Diyos. Alamin natin ang kanyang kwento at ang mga ibinahaging payo ng theAsianparent Community.

Bakit ayaw na mabuhay ng isang nagbubuntis na ina?

Read first please, sorry for the sad story. Today gusto kong mag pakamatay. Pagod na ako sa life. Dati sobrang happy ako then my boyfriend cheated on me with his ex GF. Let’s call them Marc and Valerie. Wala pa kaming baby ni Marc nun and ginawa ko lahat ng paraan para mahalin ulit ako ni Marc. Laging na-iisip ni Marc na under-appreciated siya sa akin dahil tingin nya wala akong ginawa para sa relationship namin. But still, gumagawa ako ng paraan. I gave him my first kiss and everything kaya ako buntis ngayon. He was my first bf. Lagi nya akong minumura sa chat and sa personal, in public. But still I love him so much. Sa umpisa gusto ako ng family ni Marc but then nalaman nila na buntis ako. They rejected me and hindi sila naniniwala na I’m pregnant, tingin nila joke lang yun. Sa family ko naman, isa akong kahihiyan para sa kanila at binigyan ko lang sila ng alagain na baby. At hindi ko makakalimutan lahat ng masamang sinabi sakin ni Valerie. Kasi nag-chat siya sakin at sinabi niyang nag sex sila ni Marc. Sobrang sakit ng loob ko. Kaya today gusto kong mamatay, magpakamatay. Feeling ko walang nag mamahal sakin at sa baby ko. Kahit si Lord hindi kami mahal. Sorry, alam kong happy post lang dapat dito pero sobrang bigat na kasi.

Ito ang naging post ng isang nagbubuntis na ayaw na mabuhay dahil sa bigat ng kaniyang mga problemang dinadala.

Mga sagot sa kaniya

Naging mainit ang pagtanggap ng theAsianparent Community sa nagpost. Hindi nalalayo ang naging mga sagot na natanggap ng nagbubuntis sa isa’t isa.

REAL STORIES: Buntis ako—at ayoko ng mabuhay

Sa isang sagot ng isang miyembro, kanyang pinatibay ang loob ng nagbahagi ng may gustong magpakamatay. Ayon sa kanya, mahal ng Diyos ang mag-ina at siguradong tutulungan sila nitong malampasan ang pinagdadaanan. Kanya ring ipinaalala na hindi siya kailangang mahiyang lumapit sa theAsianparent Community. Pare-parehong mga magulang ang nandito at naiintindihan ang pinagdadaanan ng isa’t isa. Ito ay isang lugar kung saan ligtas ang lahat na magbahagi ng kanilang saloobin at hinaing.

REAL STORIES: Buntis ako—at ayoko ng mabuhay

Sa isa pang komento, ipinaalam sa nagbahagi ng problema na ang kanyang baby ang mapagkukunan niya ng lakas. Sa pagdating nito, ito ang magiging rason niya para mabuhay. Mamahalin siya nito nang buong buo at walang panghuhusga. Ang baby niya ang gamitin niyang inspirasyon at dahilan para kayanin ang mga problemang hinaharap. Tulad ng sinabi sa komento, hindi madali maging ina pero it’s worth it.

REAL STORIES: Buntis ako—at ayoko ng mabuhay

Mayroon ding mga nagbahagi na napagdaanan din nila ang parehong sitwasyon sa nagbahagi ng problema. Ayon pa dito ay gumawa pa ng paraan ang kanyang ex upang hindi na siya ma-contact ng kanyang nabuntis. Ganunpaman, kahit pa sobra-sobra ang sakit na naramdaman, siya ngayon ay masaya sa naging desisyon na lumaban. Ipinaparating niya na hindi nag-iisa ang nagbahagi ng problema at magiging maayos din ang lahat.

Tulong para sa mga nais magpakamatay

Para sa mga naiisipang magpakamatay, may mga maaaring malapitan. Nuong ika-2 ng May ay naglaunch ang national crisis hotline para sa may mga mental health concerns. Ito ay ipinapatakbo ng National Center for Mental Health (NCMH) at bukas 24/7. Dumaan sa tamang training ang mga respondents nito para sa mga maaaring tumawag dito. Maaari silang i-contact sa 0917-899-USAP (0917-8998727).

Maaari rin makakuha ng tulong mula sa Manila Lifeline Centre. Sila ay maaaring i-contact sa 7896-9191 para sa landline o 0917-854-9191 para sa mobile.

Huwag kakalimutan na may mga kaibigan at pamilya na handang tumulong sa iyo. Kailangan lamang silang lapitan dahil maaaring hindi nila alam kung gaano kabigat ang problemang pinagdadaanan mo. Tandaan din na ang mga anak natin ang ating mapagkukunan ng lakas. Kahit pa tila tinalikuran tayo ng buong mundo, nandyan sila para mahalin tayo nang buong-buo at walang panghuhusga. Para sa kanila, tayo ang pinakamagaling na tao na walang nagagawang mali, maging mabuting halimbawa tayo sa kanila.

Source: theAsianparent Community, Rappler, Suicide.org

Basahin: A letter to my sister who died by suicide

Partner Stories
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • REAL STORIES: "Buntis ako—at ayoko ng mabuhay"
Share:
  • DOH, hinihikayat ang publiko na pabakunahan ang mga anak kontra polio

    DOH, hinihikayat ang publiko na pabakunahan ang mga anak kontra polio

  • 8 ospital na mamimigay ng libreng bakuna laban sa polio

    8 ospital na mamimigay ng libreng bakuna laban sa polio

  • Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

    Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • DOH, hinihikayat ang publiko na pabakunahan ang mga anak kontra polio

    DOH, hinihikayat ang publiko na pabakunahan ang mga anak kontra polio

  • 8 ospital na mamimigay ng libreng bakuna laban sa polio

    8 ospital na mamimigay ng libreng bakuna laban sa polio

  • Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

    Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko