Narito ang say ng experts kung bakit helpful ang nostalgic memories ng ex para sa current relationship.
Nostalgic memories mula sa iyong ex bakit nga ba helpful sa current relationship mo?
Sa unang tingin, iisipin natin na ang pagiging nostalgic sa iyong ex ay may negative effects sa current relationship mo. Tama, bakit mo nga naman isipin ang iyong ex?
Sabi nila, kapag nasa relationship ka na, bawal na isipin ang iyong nakaraang relationship. Sa kabilang banda, marami rin positive effects ang pag-iisip ng iyong nakaraan with your ex.
Ayon sa pag-aaral, ang mga nostalgic memories ay may maraming positive benefits sa relationship na mayroon ka ngayon.
Grown o maturity
Isa sa mga magagandang benefits na makukuha mo mula sa ex mo ay ang iyong grown. Ito ay tumutukoy sa maturity mo sa isang relasyon.
Ayon pa sa maraming pag-aaral, ang romantic nostalgia ay ang pagkamiss gawin ang ilang mga experiences. Ito ay iyong panahong kasama mo ang iyong mahal sa buhay.
Katulad nito ay isa sa mga romantic dates sa isang sentimental na lugar. Ito ang ilang halimbawa kung bakit ka nagkakaroon ng nostalgic memories with ex.
Isa pang magandang benefits ng nostalgic memories ay magkakaroon ng positibong motivation. Nagiging daan ito para madala ang learning para sa iyong current relationship.
Isa pa rito ay ang pagko-compare sa dati at ngayong relationship ng isang indibidwal.
Ang dati na mga ginagawa mo para sa iyong ex ay maaari mong iwasan. Katulad na lamang ang mga negatibong bagay tulad ng pakikipag-away sa tuwing ‘di siya nagre-reply.
Ang pag-aalala sa mga magagandang pangyayari mula sa iyong ex ay maaaring mag-improve sa iyo. Maaaring para sa iyong self-esteem at confidence kung saan alam mo ang iyong self-worth.
Isa pa rito ay ang pagtuturo sa iyo na maging mature sa iyong ka-relasyon ngayon.
Marami kang pagbabago at pinagbago mula sa iyong last relationship kaya naman nagkaroon ka ng maturity para sa iyong current relationship