Ngayong tapos na ang Halloween, hindi pa rin nauubos ang mga events na maaaring puntahan ng pamilya. Lalo na ngayong papalapit naman ang pagdiriwang ng araw ng pasko. Narito ang ilang November events in the Philippines na tiyak na mae-enjoy ng family.
November events in the Philippines 2023
The Little Prince Puppet Play
Kung hilig ng pamilya niyo ang performance arts tulad ng theater play, siguradong ikatutuwa ninyo ang Puppet Play ng The Little Prince na pinamagatang Prinsipe Bahaghari. Bilang pakikiisa sa National Children’s Month, in-adapt ng Teatrong Mulat ng Pilipinas (MULAT) ang timeless classic na The Little Prince.
Mapapanood ang Prinsipe ng Bahaghari mula November 10, 11, 12, 17,18, at 19 sa Amelia Lapeña-Bonifacio Teatro Papet Museo sa Quezon City.
Para sa iba pang detalye at makabili ng ticket ng puppet play, maaaring bisitahin ang Facebook Page ng Teatrong Mulat ng Pilipinas.
November events: Sulit Reads Christmas Book Fair
Para sa mga book worm! Mahilig ba sa libro ang iyong anak o ang iyong pamilya? Swak sa inyo ang event na ito ng National Book Store. Magkakaroon ng biggest book sale event ang NBS kung saan maaaring makabili ng libro sa halagang P10 pataas. Mayroon ding mga buy 1 take 1 deals at marami pang exciting na kaganapan. Maaari din makasali sa raffle kung saan ay puwede kang manalo ng 1-minute book haul on all the titles.
Ang pinaka-exciting? FREE ADMISSION ito. Kaya naman punta na sa Gateway Mall Quantum Skyview sa Quezon City sa November 17, 18, at 19 mula alas-10 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi.
Dinosaur World’s Jurassic Giants Festival
Mahilig din ba sa anything about dinosaur ang iyong anak o iba pang miyembro ng pamilya? Hindi lang ito pambata, dahil pati ang mga young-at-heart ay ma-eenjoy ang Dinosaur World’s Jurassic Giants Festival.
Ang nasabing festival ay isang uri ng traveling exhibit kung saan tampok ang mga life-sized, robotic, animatronic dinosaurs. Magkakaroon ng 3 day run sa Manila ang nasabing Festival mula sa November 3 hanggang November 5. Samantala, naka-schedule naman ang exhibit sa Tarlac sa November 24 hanggang November 26.
Sa nasabing event, maaaring ma-explore ng mga guest ang buhay noong dinosaur era sa pamamagitan ng exhibit. Makikita sa nasabing exhibit ang mga famous na tyrannosaurus rex, dilophosaurus, monolophosaurus, gastoonia, stegosaurus, at iba pang giant reptiles.
Tiyak na ma-eenjoy ng mga bagets ang playgrounds at iba’t ibang dinosaur rides na mayroon sa Jurassic Giants Festival. Para malaman ang iba pang detalye hinggil sa November event na ito maaaring bisitahin at magpadala ng mensahe sa Facebook Page ng Dinosaur World Philippines.
November events: Cinema Under the Stars
Bilang pakikiisa ng Cultural Center of the Philippines sa pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong November, inilunsad ang Cinema Under the Stars (Children’s Month).
Gaganapin ang Cinema Under the Stars sa November 5, 2023, sa ganap na alas-4 ng hapon sa Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Black Box Theater) Basement Film and Broadcast.
Mapapanood sa Cinema Under the Stars ang mga pelikulang “Pepot Artista” ni Clodualdo Del Mundo, “Carabao Noises” ni Jannela Kyla Dela Pena, at “Sa Mata Ng Bata” ni Cyrl Chauncy Cruz.
Para sa iba pang detalye maaaring bisitahin ang website ng Cultural Center of the Philippines.
SM Aura x Museo Pambata Book Nook
Pakikiisa rin sa National Children’s Month ang event na hatid ng SM Book Nook. Isang magical journey ang handog ng SM Aura at Museo Pambata sa darating na November 3-4 at November 11-12, 2023.
Gaganapin ang nasabing event sa Level 3, Book Nook sa SM Aura. Magkakaroon ng Storytelling and Arts and Crafts activities na makakatulong upang mapalawak ang imagination at creativity ng mga chikiting.
Hindi lang ‘yan, magtatanghal din ng kanilang soul-soothing music ang Bless the Children Foundation. Magaganap ang Storytelling ng alas-11 ng umaga, ala-una ng hapon at alas-3 ng hapon. Habang ang Art-based activity naman ay gaganapin ng alas-2 at alas-4 ng hapon.
Para sa iba pang detalye maaaring bisitahin at magmensahe sa Facebook page ng SM Book Nook.
Daddy and Mommy, tandaan na mahalagang nailalabas natin paminsan-minsan ang ating mga anak at makapaglaan tayo ng oras para mag-enjoy kasama sila. Sana makatulong ang listahan namin ng November events in the Philippines 2023 sa paghahanap niyo ng maaaring puntahan ngayong buwan.