STUDY: Mababa ang chance na magkaroon ng COVID-19 ang mga may O blood type

Ayon sa primary research, napagalaman na ang mga blood type O ay mababa ang tyansa na magkaroon ng COVID-19. Ano nga ba ang explanation dito? | Lead Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa latest na pag-aaral, napagalaman na ang mga blood type O ay mababa ang tyansa na magkaroon ng COVID-19. Ano nga ba ang explanation dito?

STUDY: Mababa ang chance na magkaroon ng COVID-19 ang mga blood type O

Ayon sa preliminary research ng 23andMe, napag-alaman na may importanteng ginagampanan ang mga taong may blood type O sa COVID-19. Base kasi sa research, ang mga blood type O ay mababa ang tyansa na magkaroon ng nasabing virus.

Mula sa 750,000 katao na nasa kanilang data, tinatayang nasa 9% hanggang 18% ang mga may blood type O ang hindi nagkaroon ng COVID-19.

“Individuals with O blood type are between 9-18% percent less likely than individuals with other blood types to have tested positive for COVID-19, according to the data.”

Image from Freepik

Ang mga participants na kabilang sa pag-aaral ay dumaan sa survey questions. Katulad ng kanilang kaso sa mga naramdamang sintomas na lagnat o pag-ubo. Kasama na dito ang iba pang importanteng bagay na makakatulong sa pag-aaral katulad ng genetic informations.

Nakita sa pag-aaral na ang ABO gene ay may mababang tyansa na magkaroon ng nasabing virus.

“Comparing the research participants who reported that they tested positive for COVID-19 to those who tested negative, our researchers identified a variant in the ABO gene associated with a lower risk.”

Makikita sa data na may pinakamababang percent ang blood type O sa COVID-19 na may 1.3%. Sinundan ito ng blood type A na may 1.4 habang ang type B at AB ay mayroong 1.5.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makikita na halos magkakapareho at makakadikit lamang sila pero ang blood type O pa rin ang pinakamababa sa chart.

Blood type O sa COVID-19 | Image from 23andMe

Bukod dito, sa isang survey na kanilang ginawa, isinama nila ang mga taong exposed sa COVID-19 katulad ng mga medical staff, workers o frontliners. Nakita na pinakamababa pa rin ang blood type O na may 3.2%. Sinundan ng blood type A na may 3.9% habang 4.0% ang type B. At ang pinakamataas pa rin ay ang blood type AB na mayroong 4.1%

Tinatayang nasa 13% hanggang 26% ang tyansa na hindi nagkaroon ng COVID-19 ang mga type O.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We restricted the data to those with a high probability of exposure. This included professional health care workers, those with close contact with known cases, and essential workers. As you can see below, blood type O shows a similar pattern as seen above, but the proportion of cases within strata is higher, as we would expect. “

Aminado ang pag-aaral na ang mga type ay wala pang matibay na basehan sa COVID-19 pero napag-alaman na ang mga type O, karamihan sa kanila ay hindi naaadmit sa ospital.

Image from Freepik

Paano nahahawa sa COVID-19?

Paano nga ba nahahawa sa COVID-19 ang mga tao? Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga common symptoms ng COVID-19 ay ang:

  • Lagnat
  • Dry cough
  • Pagkaramdam ng pagod
  • Hirap sa paghinga

May iba naman na nakakaranas ng:

  • Sore throat
  • Diarrhea
  • Runny nose
  • Nausea

Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.

Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:

  • Buntis
  • 65 years old pataas
  • Mga taong may travel history
  • Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
  • May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes

COVID-19 Health protocols

Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Palaging pagsusuot ng mask
  • Iwasan ang mga matataong lugar
  • Iwasan ang mag-travel
  • Panatilihin ang social distancing
  • Palagiang paghuhugas ng kamay
  • Iwasan ang paghawak sa mukha
  • Maging malinis

 

Sources:

23andMe

BASAHIN:

Mga Blood type A maaaring mas madaling kapitan ng COVID-19

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano