Obando fertility rites dinagsa ng mga debotong nais magkaanak.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Obando fertility rites.
- Pahayag ng mga deboto.
Obando fertility rites
Larawan mula sa Catholics and Culture page
Nitong May 17-19 ay ipinagdiwang ang Obando Festival sa Bulacan. Ito ay dinagsa ng mga debotong nais maging bahagi ng Obando fertility rites. Ito ay dahil sa paniniwalang sa pamamagitan ng pagsasayaw sa Obando ay mabubuntis at magkakaanak ang mga mag-asawang deboto.
Isa nga sa mga mag-asawang sinadya talaga ang Bulacan para maging bahagi ng festival ay sina Daisy Dene Georgia at Gilbert Gorgonia. Sila ay mag-asawa na nagmula sa Samar at dalawang taon ng kasal. Sila ay magkasamang nagsayaw sa Obando sa pag-asang magkaanak sila.
Ayon kay Daisy, naniniwala sila sa milagro sa Obando kasi marami na silang narinig na testimonials na nagkaanak matapos magsayaw dito.
“Naniniwala kami kasi may mga testimony yung iba na nagkaka-baby po sila if ever maniwala lang po kayo. Every day as in every day, walang araw at lagi akong nagpe-pray na sana po ipagkaloob na sa amin ito ni God.”
Ito ang sabi ni Daisy.
Paniniwala sa milagro
Samantala, para naman kay Aica Fresnido na siyam na taon ng kasal sa mister na si Rowell Samia ay dalawang taon na silang nakikibahagi sa sayaw sa Obando. Ito ay sa kagustuhang magkaroon na sila ng anak. Ayon kay Aica, naniniwala siya sa milagro sa Obando sapagkat siya ay produkto nito.
“Naniniwala po ako kasi yung magulang ko po sumayaw po dito at kami po yung lumabas. May kakambal po ako. Kaya naniniwala po talaga ako kasi nung sumayaw sila dito, binayayaan sila ng kambal.”
“Yung iba nabiyayayaan na. Yung iba siyempre iba-iba yung hiling nila. Sa may sakit, yung iba mas gusto pangkabuhayan.”
Ito ang sabi pa ni Aica.
Larawan mula sa ABS-CBN News
Ayon kay Aica, ang milagro sa Obando ay hindi lang para sa mga mag-asawang anis magkaanak. Pinaniniwalaan ring binibigyang katuparan nito ang iba pang kahilingan ng isang tao.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!