Unhealthy eating habits, maaring maipasa ng mga magulang sa anak

Inaasahan ng mga gumawa ng test na maaga pa lang ay ma-predict na ang obesity sa bata upang makagawa ng mga hakbang ang mga magulang na makaiwas dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Importante para sa mga magulang ang kalusugan ng kanilang mga anak. Kasama na dito ang pagkakaroon ng concern sa kanilang fitness. Ngunit alam niyo ba na pati ang kalusugan at eating habit ng mga magulang ay nakakaapekto sa obesity ng bata?

At sa pamamagitan ng isang makabagong test, maaari raw ma-predict kung posibleng maging obese ang isang bata.

Obesity sa bata, kaya raw ma-predict ng isang test

Ayon kay Dr Tanja Vrijkotte, na isa sa mga researchers na nagde-develop sa test, nais raw nilang gumawa ng app para makapag-predict ng obesity. 

Sa app raw na ito ay ilalagay ng mga magulang ang kanilang family history, at malalaman ang risk ng obesity ng kanilang anak. Ayon sa kaniya mayroon raw hanggang 70% na accuracy ang test na ito.

Dagdag pa niya, “Babies can be programmed in the womb to become overweight by conditions like diabetes, and lifestyle differences can make them overweight.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“If we can predict this, we can discuss feeding patterns and physical activity with parents. It is much easier to develop healthy habits in an infant who is not yet overweight. It is harder to get older children to lose the weight.”

Malaki ang maitutulong ng test na ito para sa mga magulang dahil mas makokontrol nila ang kalusugan ng kanilang mga anak. Ibig sabihin, maaga pa lang ay puwede na silang gumawa ng hakbang upang maging mas healthy at magkaroon ng good eating habits ang kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano nga ba makakaiwas sa obesity?

Mahalaga para sa mga magulang na mag-set ng example sa kanilang mga anak pagdating sa kalusugan. Hindi sapat ang pagsabihan ang iyong anak na mag-exercise at kumain ng healthy foods kung ikaw mismo ay hindi ito sinusunod.

Kaya mahalagang magkaroon ng healthy eating habits ang mga magulang upang maging malusog ang buong pamilya.

Heto ang ilang mga tips para sa mga magulang upang makaiwas sila at ang kanilang mga anak sa pagiging obese:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Umiwas sa processed foods. Mas malusog sa gut flora ang pagkain ng mga sariwang pagkain, at hindi rin mabuti sa katawan ang pagkain ng mga processed foods.
  2. Kumain ng gulay, beans, at prutas. Ang mga gulay, beans, at prutas ay nakakatulong sa gut flora sa iyong tiyan. 
  3. Kumain ng fermented foods. Ang mga pagkain na tulad ng yogurt, kimchi, at iba pang mga probiotic food ay nakakatulong para palakasin ang gut flora.
  4. Bawasan ang pagkain ng karne. Mahalaga ang pagkain ng karne sa ating kalusugan, pero kung puro ito lang ang iyong kinakain, ay hindi rin ito mabuti. Mas mabuti pa rin ang pagkain ng mga gulay at prutas upang maging malusog ang ating tiyan.
  5. Kumain ng iba’t-ibang uri ng pagkain. Ang good bacteria ay natatagpuan sa iba’t-ibang uri ng pagkain. Kaya mas maganda kung sumubok ng iba’t-ibang mga putahe at pagkain upang masiguradong malakas ang iyong gut flora.
  6. Ugaliing mag-exercise. Ang isa sa pinakamainam na paraan upang magbawasa ng timbang at lumakas ang katawan ay ang pag-ehersisyo.

Source: Daily Mail

Basahin: Study finds that bullied children grow up to be obese

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara