Dahil sa nakaambang pagsisimula ng mga klase sa kabila ng COVID-19, maraming mga magulang ang hindi alam kung paano maghahanda para rito. Kaya naman upang matulungan ka sa paghahanda, narito ang ilang online school supplies shop.
Online school supplies shop
Dahil sa kasalukuyang lagay ng ating bansa, hindi pa rin inirerekomenda ng mga health care experts na lumabas. Ngunit kung totoong magsisimula na ang mga klase ngayong June o August at gagawin itong online classes, dapat nang maghanda. Upang masiguro na kumpleto at handa na ang iyong anak, narito ang ilang online school supplies shop.
Bukod sa kumpleto sila sa categories ng school supplies, marami ring variations na makikita sa online store ng National Book Store. Ito na rin kasi ang pinakapamilyar na bilihan para sa ilang magulang. Ang NBS ay nago-operate daily ngunit ang kanilang delivery ay mula 9AM hanggang 4PM lamang. Dahil na rin sa dagsa ng mga umo-order sa kanila, mayroon lamang daw kaunting delays sa delivery.
Mula notebooks at iba pang essential school supplies, trusted na brand na ang Sterling. Kaya naman kung mayroon na kayong kinasanayan na bilhing school packs, maari na rin itong mabili online.
Para naman sa mga pencil, pens at iba pang writing instruments — maari na ring mabili lahat ito sa official shop ng Dong-A. Kung mahilig din ang iyong anak sa mga art supplies, dito rin makakahanap ng kumpletong mga gamit.
Ang Veco naman ay maaring makatulong sa mga teachers o mga magulang na nais mag-organize. Sila kasi ang supplier ng mga record books at journals. Pero bukod dyan ay mayroon din silang mga binders at sketch pads na puwedeng magamit ng iyong anak.
Para naman sa iba pang art needs ng iyong anak, quality brand din ang Faber Castell. Ang lahat ng kanilang mga produkto ay mabibili na rin online through Lazada!
Bukas na rin for delivery at online experience ang Office Warehouse na karaniwang pinagbibilhan ng mga office organizers at essentials. Kung gusto mong gawing conducive ang learning space ng iyong anak, maari kang bumili ng ilang mga kagamitan mula rito.
7. Shop Central
Ang Shop Central naman ay isang grocery shopping website noon at ngayon ay mayroon na rin silang school at office supplies. Maaring makabili ng iba’t ibang brand ng school supplies mula rito.
Kung gusto mo naman ng parang presyong Divisoria at wholesale, puwede mo ring bisitahin ang Facebook page na ito kung saan maari kang makabili ng mga school supplies nang maramihan.
Makatutulong naman ang mga markers para sa mga visual aids na puwede mong gawin na gabay para sa iyong anak. Mayroon ding mga refined na art materials na mabibili sa online shop ng Pentel.
10. Deli (LazMall)
Para naman sa mga mag-aaral na kailangan nang gumamit ng scientific calculators, dito naman maaring makabili nito. Bukod dyan ay mayroon din silang mga paper shredders, file cabinets at tape dispenser na hindi mga basic school supplies ngunit maaring makatulong sa pag-aaral ng iyong anak.
11. San-Yang Furniture (LazMall)
Kung gusto mo namang gawin na parang classroom ang lugar kung saan mag-aaral ang iyong anak, maari ka na ring bumili ng ilang furniture katulad ng table o office chair.
12. Tombow
Kung drawing at calligraphy ang hobby ng iyong anak, magandang klase rin ng mga art supplies ang makikita sa shop ng Tombow.
13. Craft Easy
Para naman sa mga crafts o art projects ng iyong anak, maaring makabili ng mga pang-decorate sa Craft Easy. Puwede niyo ring gawin na bonding ito ng iyong anak!
14. Staedtler
Kung mas advanced na tools ang kailangan ng iyong anak para sa drawing o sketching, ang Staedtler naman ang swak na brand para sa inyo!
Paano paghahandaan ang online learning
Malaking adjustment para sa mga magulang at bata ang online learning. Dahil sa panukala ng gobyerno, parang magiging homeschooled muna ang mga bata upang mapanatili silang ligtas mula sa COVID-19.
Narito ang ilan sa mga school supplies na maaring madagdag sa inyong listahan dahil sa online learning:
- Prepaid broadband
- Tablet/ Laptop/ Computer
- Printer
- Headset
Gayunpaman, marami ang tutol dito dahil hindi naman talaga lahat ay mayroong access sa internet. Kung gagawing online-based ang school year 2020-2021, marami ang maaring hindi magpatuloy sa pag-aaral.
Basahin:
School enrollment umpisa na sa June 1, klase sa August 24 tuloy pa rin