Open letter para sa anak ko, sa oras na hindi mo na ako kailangan

Darating ang panahon na iyon, at ito ang kailangan mong malaman.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Mama!” Ito ay paulit-ulit kong naririnig mula sa aking mga anak. Apat at anim na taong gulang sila ngayon at ganoon na rin katagal nilang nasasakop ang space at oras ko.

Mula sa paggising hanggang sa makatulog, kailangan nila ako. Minsan ay iyong isa ang makulit sa umaga, nagpapatulong na kumuha ng tubig. At kung anu-ano pa. Minsan naman kailangan nila ko para sa kanilang kakainin sa umaga, lunch at kahit sa simpleng paghuhugas ng kamay. Ito ang sitwasyon namin araw-araw.

Sa ngayon, kailangan nila ako at ang oras ko. Oo, nakakatuwa at masarap sa pakiramdam dahil kailangan nila ako.

Pero…

Mayroong mga pagkakataon na napapagod din ako sa kanilang hindi natatapos na requests. Paano ko ba naman sasagutin ang lahat ng tanong nila. Paano ko tutugunan lahat ng kailangan nila sa buong araw. Nakakapagod, pero ginagawa ko naman. Katulad lang din ng ibang magulang.

Pero minsan, gusto ko lang din magkaroon ng sariling oras. Minsan, naiisip ko lang na paano kung isang araw makapagpahinga man lang ako at hindi nila kakailanganin ang tulong ko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero napapaisip din ako. Kailangan ako ng mga anak ko, pero kailangan ko rin sila. Darating ang panahon na hindi na nila ako kakailanganin at mawawalan sila ng oras sakin. At masakit iyon sa puso bilang magulang.

Kaya naman ito ang gusto kong sabihin sa kanila.

Sa darating na panahon, tatanda kayo at hindi niyo na ako kakailanganin. Magiging independent at matututunan niyo nang magdamit at maligo mag-isa. Kahit mag-prepare ng sariling pagkain ay kakayanin niyo na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Puwedeng matuto na rin kayong sumagot o hindi ako pansinin kapag may itinatanong ako.

Iyong mga kuwento niyo tungkol sa mga planets, dinosaurs o mga ginagawa niyo sa school ay maaring mapalitan ng mga maiikling salita o baka nga mawala na.

Ang mga yakap at paglalambing niyo ay magiging madalang na pero ituturing ko pa rin iyong precious moments.

Maaring mawalan na kayo ng oras para sakin dahil mapapalitan na ito ng mga araw na kasama ang inyong mga kaibigan. Pero ayos lang. Normal naman ‘yun. Ganun talaga, lahat naman tayo ay tumatanda.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero gusto ko lang din ipaalala ang mga panahon na lahat ng oras ko ay nasa inyo. Lahat ng oras na ipinagluluto ko kayo ng inyong paborito o mga request na ulam. Mga panahong pinapanood ko kayong nguyain ang pagkain niyo nang napakabagal.

Lahat ng iyon, hindi sayang sa aking oras. Mahalaga lahat ‘yun sa akin.

Open letter para sa anak ko: Bakit nga ba ako napapagod?

Gaano kadalas mo ng naranasan na magising pagkatapos ng isang mahabang pahinga o pagtulog ay pagod parin ang pakiramdam? Nadarama mo ba ang iyong sarili na napapagod sa pag-iisip pa lamang ang pagsisimula ng iyong araw, bago pa ito magsimula? Bakit nga ba palaging pagod ang mga ina? Ito ay posibleng dahil sa tinatawag na “invisible workload.”

Ang mga ina ay palaging pagod dahil hindi tayo ganap na nakakapamahinga. Kahit na tayo ay ay natutulog, ang aming isip ay patuloy na nag-iisip…

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May kailangan papirmahan si junior kanina… bukas ko nalang ito pipirmahan sa umaga.

Malapit na ang schedule ng bakuna I baby… kailangan ko pa ba itong itawag at magpaschedule?

Ano kaya ang pwedeng ihandang hapunan sa pagbisita ng mga kaibigan ni mister sa Biyernes?

Ipinasok ko ba ang mga isinampay? Bukas ko nalang sisilipin… pero paano kung umulan?

At pagkatapos ng mga isiping ito, mawawala na ang iyong antok dahil sa pagiisip kung anong mangyayari kung hindi mo ito agad gawin. At nagtataka ka kung bakit ang mga ina ay palaging paring pagod?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailangan ko bang magsimula sa mga ina na nagtatrabaho?

Ito ang “invisible workload” na nag-uudyok ng mga ina sa landas ng pagkapagod. Bilang karagdagan sa milyon at isang bagay na ginagawa natin, mayroong isang milyon at isa pang iba pang mga bagay na kailangan nating gawin at patuloy tayong nag-aalala tungkol sa mga bagay na ito.

Ang ilan ay tinatawag itong maternal instincts, tinawag ito ng iba na invisible workload ng mga ina, at ayon naman sa siyensiya, ito ay ang tinatawag na “mom brain”. Tinatawag ko naman itong micromanaging.

Sa pagiging isang ina, kasama ang kagalakan at ang mga ngiti ng ating magagandang anak, dumating ang mabigat na gawain at responsibilidad. Ngunit hayaan mo akong sabihin sa iyo ito, nang tapat at simple, na ang dahilan ng mga ina ay palaging pagod ay dahil pinahihintulutan natin ang ating sarili na maging pagod.

 

Translated with permission from theAsianParent Singapore

Basahin:

Open letter to the invisible mother who feels ignored 

Sinulat ni

Nalika Unantenne