Pres. Duterte: Wala munang klase habang walang bakuna

"Hindi magbubukas ang klase hangga’t wala pang bakuna laban sa COVID-19." Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral na Pilipino laban sa COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Opening of classes 2020 ipapagliban muna hangga’t wala pang bakuna kontra COVID ito ay ayon sa pinakalatest na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

President Duterte on the opening of classes 2020

“Wala ng aral, laro muna. Para sa akin bakuna muna.”

Bahagi ito ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagbubukas ng klase sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sa pinaka-latest niyang address sa taumbayan kagabi, May 25, 2020, mariin na sinabi ng presidente na hindi niya hahayaang magbukas ang klase hangga’t wala pang bakuna ang nadidiskubre laban sa kumakalat na sakit. Ito ay upang makasigurado sa kaligtasan ng mga estudyante na hindi mapipigilang magdikit-dikit sa oras na magsimula ang klase.

Image from Aljazeera

“I will not allow the opening of classes na magdikit dikit ‘yang mga bata. Bahala nang hindi na makatapos. For this generation walang makatapos na doktor pati engineer.”

“Wala ng aral, laro nalang so I am sure that they are really safe. It’s useless to be talking about the opening of classes. Para sa akin bakuna muna. Kapag andyan na ang bakuna ok na.”

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Duterte tungkol sa opening of classes of 2020. Dagdag pa niya, hindi naman na magtatagal at magkakabakuna na laban sa sakit. Ngunit habang wala pa pakiusap niya sa mga Pilipino sumunod muna sa mga alituntuning ipinapatupad ng gobyerno. Hangga’t maari ay huwag munang lumabas kung hindi kinakailangan, lalo na umano ang mga maliliit na bata na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I think by the grace of God we will have the vaccine before the end of the year so mag-asa na lang tayo sa mga marunong.”

“They are feverously working on it. ‘Pag nandiyan na yan, ako na ang magsabi labas na”, pahayag pa ni Pangulong Duterte.

Ang naging pahayag ni Pangulong Duterte ay kaugnay ng pinagtatalunang pagbubukas ng klase ngayong darating na Agosto. Ito ay base sa proposal ng DepEd na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases o IATF noong Mayo 11.

Panukala ng DepEd ukol sa pagbubukas ng klase ngayong taon

Ayon sa panukala ng DepEd na tinawag na Basic Education Learning Continuity Plan o BE-LCP, ang school year 2020-2021 ay magsisimula ngayong Agosto 24, 2020 at magtatapos hanggang April 30, 2021. Ito ay sa kabila parin ng banta ng COVID-19 sa bansa. Pero ayon parin sa panukala, ang pagbubukas ng klase ngayong Agosto ay hindi naman tulad ng nakaugalian o tradisyonal na pamamaraan. Dahil mula sa nakasanayang face-to-face learning ay sisimulan ang adapsyon ng iba’t-ibang learning delivery options ngayong darating sanang pasukan. Tulad ng distance learning, home schooling at iba pa para malimitahan ang pagsasama-sama ng mga estudyante sa isang classroom o lugar.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Reaksyon ng publiko at mga opisyal  ng gobyerno

Ang pangunahing paraan nga na isinusulong ng DepEd upang maisakatuparan ang pagbabalik ng klase ngayong taon ay sa pamamagitan ng online distance learning. O ang paggamit ng internet connection upang maiaabot sa bawat estudyante ang kanilang mga aralin. Ngunit inalmahan ito ng ilang grupo, mga magulang at iba pang opisyal ng gobyerno. Ito ay sa kadahilanang maraming lugar sa Pilipinas ang walang access sa internet. At maraming bata ang walang gadget o equipment na magagamit upang gawin itong possible.

“The (DepEd) should postpone the resumption of classes this year instead of resorting to virtual classrooms which would only prejudice students who are not equipped with e-learning gadgets and could not afford to have any internet connection.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang naging reaksyon ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Ronnie Ong ukol sa panukala.

Samantala, ayon naman kay ACT o Alliance of Concerned Teachers Philippines Secretary General Raymond Basilio, hindi lang mga estudyante ang magkakaproblema sa panukalang ito. Dahil ultimo mga guro mismo ay hindi handa sa bagong learning set-up na ito. At sila ay walang maayos na gamit at internet connection para maisagawa ito.

“The agency should not be lax with its survey findings that a supposed 87 percent of teachers have laptops and desktops. This does not represent readiness to conduct online classes as many teachers are complaining that their personal laptops are old, outdated, and cannot support online application.”

Ito ang pahayag ni Basilio.

“Anti-poor” kung ipagpapaliban ang klase ngayong taon

Pero para kay Sen. Sherwin Gatchalian ang pagpapaliban ng klase ngayong taon ay anti-poor. At magiging dahilan lang upang mahuli ang mga batang nag-aaral sa public school sa mga estudyante sa private school na magbabalik na sa kanilang pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Postponing classes and not doing anything will leave our poor students left behind. They will really fall back. We already had low scores in the [Program for International Student Assessment], and now they would be left behind.”

Ito ang pahayag ni Sen. Gatchalian na sinabing masyadong mahuhuli ang mga estudyante kung hihintayin pa ang pagdating ng vaccine bago pa sila muling makapag-aral.

“So it’s a bad idea to completely postpone school. We can still continue to teach using innovative methods and this is using TV, radio and using other forms.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Sen. Gatchalian na chairman ng Committee on Basic Education, Arts and Culture sa senado.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Dagdag na pahayag ng DepEd ukol sa opening of classes 2020

Ayon naman sa DepEd ay sinisiguro nila ang kaligtasan ng bawat isa sa kanilang isinusulong na panukala. At nakahanda silang magsagawa ng mga adjustments at improvements sa education system sa bansa upang ito ay maisakatuparan.

“What we assure our learners, parents, teachers and the general public is that any decision we will make for the continuation of learning will have their health, safety and well-being as the primary consideration.”

“We are accelerating the preparation of our Learning Continuity Plan. We are preparing benefits for our teaching and non-teaching staff, ensuring the readiness and cleanliness of our school infrastructure and developing alternative delivery modes of learning.”

Ito ang pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones ukol sa alternatibong paraan ng pagbabalik klase sa bansa ngayong school year 2020.

Sa kasulukuyan ay mayroon ng 14,319 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. May 3, 323 dito ang mga naka-recover na. Habang may 873 na ang naiulat na binawian ng buhay dahil sa sakit.

 

Source:

Manila Bulletin, DepEd, Inquirer, World Meters

Basahin:

Private schools maaaring magsimula ng klase sa Hunyo, ayon sa DepEd