Ano nga ba ang sikerto para magkaroon ng fresh breath at healthy teeth and gums?
Bukod sa tamang paglilinis araw-araw, nakasalalay din sa mga oral care products na gagamitin mo ang kalagayan ng iyong teeth and gums. Kaya naman nararapat lamang na pumili ng mga produktong makakatulong sa iyong oral health at maaari ring magbigay solusyon kung ikaw ay may iba pang dental problems na nararanasan.
Alamin kung anu-anong produkto ang dapat gamitin para sa kumpletong oral care routine. At kumuha ng tips kung paano mapapanatili ang iyong healthy teeth and gums.
Best Oral Care Products in the Philippines
[product-comparison-table title="Oral Care Products"]
Best Electric Toothbrush
[caption id="attachment_488514" align="aligncenter" width="1200"] Oral Care Products: Best Brands Para Sa Healthy Teeth At Gums | Oral-B[/caption]
Una sa aming listahan ay ang electric toothbrush na ito mula sa Oral-B. Kumpara sa regular toothbrush, mas epektibong gamitin ang electric toothbrush na ito upang maachieve ang wasto at mas maayos na paglilinis ng ngipin.
Mayroon itong round brush head na may soft bristles kaya naman gentle lamang ito gamitin para sa teeth at gums. Bukod pa riyan, ang brush head ng toothbrush na ito ay nagrorotate para sa mas epektibong paglilinis ng ngipin. Mayroon din itong timer na maaaring i-set sa 2 minutes upang maachieve ang recommended brushing time.
Higit mong magugustuhan ang produktong ito dahil ito ay rechargeable at kayang magtagal hanggang 5 days. Ito rin ay waterproof kaya hindi kailangan ipag-alala ang pagkasira nito dahil sa pagkabasa.
Features we love:
- Rotating and oscillating brush head
- Soft bristles
- 2-minute timer
- Waterproof
Best Toothpaste
[caption id="attachment_488527" align="aligncenter" width="1200"] Oral Care Products: Best Brands Para Sa Healthy Teeth At Gums | Colgate[/caption]
Kung naghahanap ka naman ng toothpaste na maganda para sa pagpapaputi ng ngipin, ang Colgate Optic White O2 ang best choice. Ginamitan ito ng Active Oxygen Whitening Technology na epektibong nakakapagpaputi ng ngipin sa loob lamang ng tatlong araw.
Karagdagan, makakaramdam ka ng warming at ultra-fine foaming sensation habang gamit ang produktong ito dahil na rin sa active oxygen na taglay nito. Gentle lamang din ito sa enamel kaya naman di dapat ikabahala ang pagkasira nito na maaaring magdulot ng cavities at iba pang dental problems.
Siguradong magugustuhan mo rin ang aromatic menthol flavor ng toothpaste na ito na nakakatulong upang magkaroon ka ng fresh breath.
Features we love:
- Active Oxygen Whitening Technology
- Whitens teeth in 3 days
- Enamel-friendly
Best Dental Floss
[caption id="attachment_488538" align="aligncenter" width="1200"] Oral Care Products: Best Brands Para Sa Healthy Teeth At Gums | Sparkle[/caption]
Inirerekomenda rin ng mga dentista ang paggamit ng dental floss araw-araw. At kung kasalukuyan kang naghahanap ng magandang brand nito, mainam na piliin ang Sparkle White Expanding Dental Floss. Ginamitan ito ng expanding technology kaya naman ang string nito ay nag eexpand para sa mas epektibong pagtanggal ng plaque sa ngipin.
Ang kagandahan pa sa dental floss na ito ay gentle ito para sa gums dahil sa soft fibers nito. Spearmint-waxed din ito kaya naman maiiwasan ang di kaaya-ayang amoy habang nagtatanggal ng plaque sa iyong ngipin.
Features we love:
- Expanding technology
- Spearmint-waxed
- Soft fibers
Best Mouthwash
[caption id="attachment_488539" align="aligncenter" width="1200"] Oral Care Products: Best Brands Para Sa Healthy Teeth At Gums | Listerine[/caption]
Hindi pa rin ba kasama ang mouthwash sa iyong oral care routine? Malaking tulong din ito upang mas maging healthy ang ngipin at gums kaya naman maganda ring gumamit nito araw-araw. At ang aming recommended mouthwash for adults ay ang Listerine Cool Mint Mouthwash.
Mayroon itong formulation na 99.9% effective sa pagpatay ng germs na nagdudulot ng bad breath. Bukod pa riyan ay nagtataglay ito ng essential oils gaya ng Thymol, Eucalyptol, Menthol at Methyl Salicylate na nakakatulong din para maiwasan ang bacteria at plaque build-up. Nag-iiwan din ang mga ito ng minty flavor kaya naman siguradong maaachieve ang pagkakaroon ng fresh breath every after use.
Features we love:
- Kills 99.9% odor-causing bacteria
- Minty flavor
- Contains four essential oils
Best Dental Kit For Braces
[caption id="attachment_488540" align="aligncenter" width="1200"] Oral Care Products: Best Brands Para Sa Healthy Teeth At Gums | Curaprox[/caption]
Para naman sa mga may dental braces ang Curaprox Complete Ortho Kit. Naglalaman ang kit na ito ng ortho toothbrush, implant toothbrush, ortho pocket set at wax.
Ang toothbrush nito ay may maiksing bristles sa parteng gitna na naaayon sa porma ng braces sa iyong ngipin. Siguradong malilinis din ng husto ang bawat sulok ng ngipin at brackets ng iyong braces sa tulong naman ng implant toothbrush na may round shape at strategic bend. Ang mga mini brushes naman na laman ng ortho pocket set ay magandang panglinis ng puwang ng ngipin at braces.
Higit pa riyan ay may ortho wax din ito na maaaring ilagay sa bracket upang maiwasan pag pagkiskis nito sa iyong gums na nagdudulot ng sugat, singaw at iba pang concerns. Sulit na sulit ang dental kit na ito at travel-friendly rin.
Features we love:
- Complete dental set for braces
- Interdental toothbrush
- Travel-friendly
Best Whitening Strip
[caption id="attachment_488541" align="aligncenter" width="1200"] Oral Care Products: Best Brands Para Sa Healthy Teeth At Gums | Perfect Smile[/caption]
Nauuso na rin ngayon ang paggamit ng whitening strips dahil sa dami ng nagpapatunay na ito ay effective gamitin bilang pampaputi ng ngipin. Kaya naman kung nais mo ring subukan gumamit nito, check out Perfect Smile Teeth Whitening Strips. Sa loob lamang ng 7 days ng paggamit ng produktong ito ay makakakita ka na ng improvement sa kulay ng iyong ngipin dahil sa kakayahan nitong magtanggal ng tough stains sa ngipin.
Karagdagan, nakakapagbigay din ito ng proteksyon sa enamel ng ngipin. Napakadali lamang din gamitin ng whitening strips na ito kaya naman maganda ring isama ito sa iyong oral care routine. Ligtas din ito gamitin ng mga taong may sensitive teeth.
Features we love:
- Whitens teeth in 7 days
- Enamel safe
- Easy-to-use
Price Summary
Brands |
Price |
Oral-B Electric Toothbrush |
Php 1470.63 - Php 2,093.00 |
Colgate Optic White O2 |
Php 470.00 |
Sparkle White Dental Floss |
Php 149.00 - Php 369.00 |
Listerine Cool Mint Mouthwash |
Php 485.00 |
Curaprox Ortho Kit |
Php 1,800.00 |
Perfect Smile Whitening Strips |
Php 299.00 |
Oral Care Tips
[caption id="attachment_488543" align="aligncenter" width="1200"] Oral Care Products: Best Brands Para Sa Healthy Teeth At Gums[/caption]
Hindi dapat isawalang bahala ang pangangalaga sa iyong oral health. Kaya naman narito ang ilang mga tips na maaari mong sundin upang mapanatiling strong at healthy ang iyong ngipin at gums:
- Mag sepilyo ng dalawang beses sa isang araw.
- Gumamit ng toothbrush na may soft bristles upang mas malinis ng maayos at banayad ang ngipin at gums.
- Isama ang paggamit ng dental floss sa iyong araw-araw na dental care routine upang maiwasan ang pamumuo ng plaque na dulot ng tira-tirang pagkain.
- Huwag kalimutan mag mouthwash. Nakakatulong ito upang mas malinis ang ngipin at gums, at ito't nag-iiwan din ng minty scent para mapanatiling fresh ang iyong hininga.
- Limitahan ang pagkain ng matatamis at acidic na pagkain.
- Uminom ng sapat na tubig araw-araw.
- Magkaroon ng regular check up sa dentista upang matignan ng maayos ang iyong teeth at gums. Mas mainam din ito gawin lalo kung ikaw ay may dental problems na nais masolusyonan.
Sa pagsunod sa mga oral care tips na ito at paggamit ng mga oral care products na akma para sa iyong pangangailangan, tiyak na mapapangalagaan mo ang iyong oral hygiene at magkakaroon ng fresher breath, mas maputing ngipin at healthy gums.