#AskDok: Mayroon nang Oral Polio Vaccine ang anak ko, safe na ba siya?

#AskDok: Mayroon nang Oral Polio Vaccine ang anak ko, safe na ba siya?

Tatlong dose ng Oral Polio Vaccine (OPV) at isang dose ng Inactivated Polio Vaccine (IPV) ang kailangan para sa kumpletong proteksyon laban sa polio.

Ayon sa Department of Health (DOH), walang gamot sa sakit na polio. Ganunpaman, ang pinaka mabisang paraan para maibalik ang pagiging polio-free ng bansa ay ang pagtanggap ng bakuna. Inirerekumenda ng DOH na sundin ang mga bakuna na nakatakda para sa mga bata. Ang mga ito ay tatlong dose ng Oral Polio Vaccine at isang dose ng Inactivated Polio Vaccine (IPV).

Subalit, ayon sa DOH, marami ang hindi tumatanggap ng ikatlong dose ng OPV. Kasabay sana ditong ibibigay ang IPV sa bata para sa kumpletong proteksiyon laban sa poliovirus.

Kami ay nakipanayam kay Dr. Art Jerome Luzande, MD. para malaman kung sapat na proteksiyon na ba ang OPV laban sa polio.

Oral Polio Vaccine (OPV)

Ayon kay Dr. Luzande, ang OPV ay ibinibigay sa mga bata sa mga edad na 6, 10 at 14 lingong gulang. Ito ay ibinibigay sa pamamagitan ng pagpatak ng gamot sa bibig ng bata.

Naglalaman ang OPV ng pinahinang poliovirus na mapupunta sa intestines ng bata. Dahil sa pagkakaroon ng mahinang virus sa katawan, ang katawan ay gumagawa ng mga antibodies para labanan ang virus. Kalaunan ay ilalabas ng katawan ang virus sa pagdumi nito.

"Ligtas ang pag-inom ng OPV at epektibo itong panlaban mula sa poliovirus," dagdag pa ni Dr. Luzande.

Inactivated Polio Vaccine (IPV)

Kung ang OPV ay tatlong beses ibinibigay sa bata, ang IPV ay isang beses lamang. Ibinibigay ito sa 14 na lingong gulang kasabay ng ikatlong dose ng OPV. Ito ay iniinject sa bata hindi tulad ng OPV na ipinapatak sa bibig.

An IPV ay naglalaman ng mga patay na poliovirus. Nagbibigay ito ng proteksiyon sa dugo. Ganunpaman, wala itong side-effects at maaaring ibigay sa bata kahit pa may ibang bakuna na iiinject sa parehong araw.

#AskDok: Mayroon nang Oral Polio Vaccine ang anak ko, safe na ba siya?

OPV + IPV

"Ang OPV at IPV, pareho mang mabisang panlaban sa polio, ay magkaiba ang paraan na pinoprotektahan ang mga tao. Ang pinakamabisa ay ang pagsunod sa alituntunin ng DOH at World Healh Organization (WHO). Kailangan tumanggap ang mga bata ng 3 dose ng OPV at 1 dose ng IPV kasabay ng ikatlong dose," bilin ni Dr. Luzande.

Subalit, marami sa mga nagpapabakuna ang hindi na bumabalik para sa ikatlong dose ng OPV. Ibig sabihin, hindi narin nila natatanggap ang kanilang bakuna ng IPV.

Ayon kay Dr. Luzande, "Ang pagbakuna sa bata nang nasa takdang oras ay maganda para maprotektahan sila sa mga edad kung saan madali silang makakapitan ng sakit. Kung hindi itutuloy ang mga nakatakdang bakuna, naiiwan ang mga bata na open para magkasakit."

"Kung ang bata ay nakatanggap na ng OPV ngunit hindi pa ng IPV, ibig sabihin nito ay hindi pa natatanggap ng bata ang kanyang ikatlong dose ng OPV. Sa ganitong pagkakataon, hindi pa sapat ang natatanggap na bakuna ng bata laban sa polio.

"Sa pagkakataon naman na kumpleto na ang OPV ngunit wala pang IPV, may limitasyon parin ang dulot nitong proteksyon. Makakabuti na magpakonsulta para malaman kung kailangan pang tumanggap ng IPV."

Source: Dr. Art Jerome D. Luzande, MD.

Photo: publichealthinnepal

Basahin: Epekto ng sakit na polio: Kwento ng isang polio survivor

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner