Epekto ng delayed na bakuna ng baby at bata, maari umanong magresulta sa pagdami ng kaso ng polio at tigdas.
Epekto ng delayed na bakuna ng baby at bata
Ayon sa World Health Organization, halos 68 na bansa at 80 million na mga bata ang maaring maapektuhan nito. Dahil nga sa COVID-19 na ramdam sa buong mundo, maraming mga hospital procedures ang naantala kasama na ang mga scheduled vaccination.
Image from Freepik
Halos 53% ng mga routine vaccination sa buong mundo ang naantala simula noong Marso, kung kailan tumaas ang bilang ng mga COVID patients.
“Immunization is one of the most powerful and fundamental disease prevention tools in the history of public health,” pahayag ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Bakit nga ba nahinto ang pagbabakuna sa ilang bansa
Maraming dahilan kung bakit nahinto ang pagbabakuna sa mga bata at baby sa ibang lugar. May mga magulang na ayaw lumabas ng kanilang bahay dahil sa banta ng COVID-19. Lalo na at sa mga ospital din kailangan makuha ang vaccination kung saan maaring may mga infected ng virus.
Sanhi rin ito ng misinformation o kakulangan sa mga protocol mula sa mga health agencies. Kung paano itutuloy ang mga routine vaccinations sa ganitong panahon.
Bukod pa diyan, ang mga healthcare workers din ay maaring unavailable sa ganitong panahon dahil sila ay abala rin sa libo-libong pasyente na apektado ng COVID.
Image from Freepik
Ano ang dapat gawin ng magulang
Ayon kay UNICEF Executive Director Henrietta Fore, “We have effective vaccines against measles, polio and cholera. While circumstances may require us to temporarily pause some immunization efforts, these immunizations must restart as soon as possible, or we risk exchanging one deadly outbreak for another.”
Kaya naman nanghihingi rin sila ng kooperasyon mula sa public sectors at gobyerno na magkaroon ng mga hakbangin para rito.
Bukod sa worldwide na epekto ng delayed na bakuna ng baby at bata, ito rin ay malaking risk para sa iyong anak. Kaya naman bilang magulang, ano nga ba ang dapat mong gawin?
Image from Freepik
Sa ngayon, inaabisuhan pa rin ng UNICEF ang mga magulang na magpatuloy sa pagpapabakuna ng kanilang mga anak. Kailangan pa rin na maging up to date sa kanilang bakuna dahil ito ang magpoprotekta sa kanila mula sa mga sakit katulad ng polio at measles.
Kung hindi sigurado kung saan dapat magpabakuna, maaring magtanong sa inyong family doctor. Sila lamang ang maaring makasagot ng tanong mo tungkol sa mga schedule, protocol at iba pa. Kung hindi talaga posibleng makapagpabakuna sa ngayon, siguraduhin na lamang na magawa agad ito sa oras na bumalik sa normal ang operations ng clinic o ospital na malapit sa inyo.
Sakaling lalabas, siguruhin pa rin na safe ka at ang iyong anak. Ugaliin na maghugas ng kamay at mag-practice ng social distancing. Huwag ding lumabas na walang suot na mask. Magdala rin ng alcohol at wipes upang punasan lahat ng mga gamit bago ito gamitin.
Source:
WHO, UNICEF
Basahin:
#AskDok: Mayroon nang Oral Polio Vaccine ang anak ko, safe na ba siya?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!