Mga lalake, mas mataas ang panganib na magkaroon ng HPV sa oral sex!

Ayon sa isang pag-aaral, ang mga lalakeng nagkaroon daw ng higit sa dalawang oral sex partners ay mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng HPV.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa maraming mag-asawa, ang oral sex ay isang paraan upang ibalik ang init sa kanilang pagsasama. Ngunit ayon sa isang pag-aaral, posible raw makakuha ng HPV dito ang mga lalake, na nagiging sanhi naman ng esophageal cancer.

Ano ang oral sex?

What is oral sex? Hindi ka pa ba pamilyar kung ano ang oral sex? Ang oral sex ay isa sa mga karaniwang sex positions. Tinatawag din itong fellatio o cunnilingus. Sa posisyong ito, mayroong oral stimulation o pag-stimulate sa ari ng kapareha gamit ang bibig, dila, o labi.

What is oral sex? Karaniwang ginagawa ito bilang foreplay bago ang intercourse. Kumbaga, ginagawa itong warm up ng magkapareha upang maging magana ang mood sa pakikipagtalik. Pero hindi ito nangangahulugan na sa umpisa lang ito puwedeng gawin. Syempre, maaari mo rin itong gawin during o after ng intercourse. At pwede rin itong gawin ng mga same sex couple, may intercourse man o wala.

Larawan kuha ni yanalya mula sa Freepik

Ano ang kinalaman ng HPV sa oral sex?

Ang HPV, o human papillomavirus ay isang uri ng sexually transmitted disease. Ito ay isang virus na madalas ay walang masamang epekto sa katawan. Ngunit may mga uri ng HPV na posibleng maging sanhi ng genital warts, pati na rin ng kanser.

Alam na ng mga doktor na nakukuha ito sa pakikipagtalik, pero posible din pala itong makuha sa oral na pakikipagtalik.

Ito ay kapag ang isang babaeng may HPV ay binigyan ng oral na pakikipagtalik ng isang lalake, may posibilidad na mahawa ng HPV ang lalaki sa kaniyang lalamunan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag napabayaan, posible itong maging sanhi ng iba’t-ibang uri ng kanser, kasama na ang esophageal cancer.

Mas mapanganib ang oral na pakikipagtalik sa mga lalake dahil mas kayang labanan ng vagina at ng mga babae ang virus kumpara sa mga lalake.

Ayon kay Professor Shan Rajendra mula sa Ingham Institute, mas mataas ang panganib para sa mga lalakeng nagkaroon na ng maraming oral sex partners.

Pero dagdag din ni Professor Rajendra na kumpara sa mga nagkaroon ng esophageal cancer mula sa alak at sigarilyo, mas madaling gamutin ang kanser mula sa HPV.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dapat ba umiwas sa ganitong uri ng pakikipagtalik?

Maraming paraan upang maging ligtas sa oral sex.

Hindi naman nito ibig sabihin na dapat iwasan ang oral na pakikipagtalik, lalo na kung nakakatulong ito sa inyong mag-asawa. Puwede namang mag-ingat at gumamit ng tinatawag na dental dam.

Ang dental dam ay kadalasang ginagamit ng mga dentista, pero nagagamit din ito sa pakikipagtalik. Ito ay manipis na goma na ginagamit upang hindi magkaroon ng skin-to-skin contact sa oral na pakikipagtalik. Para itong condom na nagagamit sa bibig.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod dito, mabuti ring magpa-test sa HPV upang malaman kung mayroon ka ba nito. Sa mga kababaihan, puwede itong isabay sa pagkuha ng pap smear sa OB-GYN.

Sa mga lalake naman, wala pang siguradong paraan upang ma-test ang HPV. Pero may ilang mga clinic na nagsasagawa ng anal screening sa mga lalake na may high risk na madevelop ang anal cancer.  Kaya’t mas mabuti ang maging maingat at iwasan ang pagkakaroon ng iba’t-ibang mga sex partners.

Larawan mula sa Freepik

HPV nakahahawa

Mayroong iba’t ibang uri ng HPV at karaniwan itong nakaapekto sa bibig, lalamunan o genital area. Paano nga ba ito kumakalat o nakahahawa?

Bukod sa oral sex, posible ring maipasa ang HPV sa ano mang skin-to-skin contact ng genital area. Ito man ay vaginal, anal, o oral sex. Posible ring mahawa ng HPV sa pamamagitan ng pag-share ng sex toys.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano maproprotektahan ang sarili laban sa HPV

Ayon sa NHS UK, mahirap protektahan nang lubusan ang sarili mula sa HPV. Pero may mga aksyon naman na maaaring gawin upang bumaba ang risk na mahawaan ng virus na ito.

Una, gumamit ng condom. Nakatutulong ito upang maprotektahan ang iyong ari na mahawa ng HPV. Pero tandaan din na hindi ka fully protected ng condom dahil hindi naman nito nababalot ang balat sa paligid ng ari.

Ikalawa, puwedeng-puwedeng magpabakuna ng HPV vaccines kontra sa HPV na kadalasang nagsasanhi ng genital warts at cervical cancer. Ngunit, muli, hindi lahat ng uri ng HPV ay maiiwasan kung ikaw ay may bakuna. May ibang strain pa rin ng nasabing virus ang maaaring makaapekto sa iyo.

Updates by Jobelle Macayan

Basahin: 15 oral sex tips para sa mag-asawa

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara