Pasok sa school ipinapanukala ng isang batas na magsimula ng 8:30am!

Bakit nga ba importanteng maurong sa mas late na oras ang pagpasok ng mga estudyante sa school?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Oras ng klase ng school mas maganda daw kung sisimulan ng 8:30am, ayon sa isang bagong panukalang batas.

Image from Freepik

Batas na nag-uurong sa oras ng klase

Ayon sa bagong panukalang batas na isinumite ni Bacolod Rep. Greg Gasataya, dapat daw ay ipagbawal na ang oras ng klase na nagsisimula ng mas maaga sa 8:30am. Dahil ito daw ay maraming dulot na implikasyon sa pangaraw-araw na pamumuhay ng mga Pilipinong mag-aaral pati na sa mga magulang.

Ilan sa ipinuntong dahilan ng House Bill No. 569 na nagsusulong na iurong ang oras ng klase ng 8:30am sa school ay ang sumusunod:

  • estado ng transportasyon sa bansa
  • dami ng workload sa ilalim ng K-12 curriculum
  • kalagayan ng mental health sa Pilipinas
  • accessibility ng mga paaralan sa mga rural areas

Ang mga dahilan daw na ito ay nakakaapekto sa health at safety ng mga Pilipinong estudyante.

Dagdag pa ng author ng batas na si Cong. Gasataya, may mga pag-aaral na ang naisagawa sa ibang bansa ang nakapagpakita ng epekto ng late na simula ng oras ng klase sa performance at achievement ng mga estudyante. Kaya naman ay dapat daw bigyang pansin ito at magawan ng karapat-dapat na aksyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We must give priority to the physical, mental, and social well-being of students, among others, through a system of education which gives primordial interest and concern to the health and safety of students,” pahayag ni Cong. Gasataya.

Hindi rin lang daw ang ikakabuti ng estudyante ang layon ng bagong batas na ito. Ang pag-uurong daw ng oras ng klase sa school ay makakatulong rin sa mga magulang. Ito ay para hindi na nila kailangang gumising ng napakaaga para mag-asikaso sa estudyanteng anak.

Pag-aaral tungkol sa epekto ng maagang pasok sa school ng mga estudyante

Bago pa man ang panukalang batas na ito, una ng inirekumenda noong 2014 ng Federation of Association of Private Schools Administrators na iurong na ang oras ng klase sa pasado sa 8:30 ng umaga. Hindi lang daw para mapagbigyan ang mga nale-late sa klase kung hindi dahil sa epekto ng maagang pagpasok sa school ng mga estudyante.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa American Academy of Pediatrics o AAP, ang mga estudyanteng hindi nakakakuha ng sapat na tulog dahil sa maagang pasok sa eskwelahan ay madalas daw na nakakaranas ng sumusunod:

  • Mataas na tiyansa ng pagkakaroon ng physical at mental problems
  • Makasama sa automobile accidents
  • Mabawasan ang academic performance sa school

Isa din daw ito sa dahilan kung bakit hindi nakakapag-concentrate sa klase ang mga adolescents na mag-aaral. Dahil sa kanilang edad na kung saan nahihirapan na silang makatulog ng maaga sa gabi ay nahihirapan silang gumising at pupungas-pungas na papasok sa school kinabukasan.

Kaya naman ang pag-uurong daw ng oras sa klase ng 8:30 am o mas late pa ay makakatulong para ma-align ang biological sleep rhythms ng mga adolescents at iba pang mag-aaral sa kanilang school schedule.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“The research is clear that adolescents who get enough sleep have a reduced risk of being overweight or suffering depression, are less likely to be involved in automobile accidents, and have better grades, higher standardized test scores and an overall better quality of life.”

“Studies have shown that delaying early school start times is one key factor that can help adolescents get the sleep they need to grow and learn.”

Ito ay ang pahayag ni Dr. Judith Owens, lead author ng ginawang pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: GMA News , Inquirer News, American  Academy of Pediatrics

Photo: Freepik

Basahin: Bakit minsan nagkakaroon ng tantrum ang mga bata pagkagaling sa school?