Normal lang ba na mahirap magkaroon ng orgasm ang mga babae?

Ating alamin kung anu-ano ang mga bagay na posibleng makaapekto sa pagkakaroon ng orgasm ng babae, at kung ano ang magagawa tungkol dito.

Alam niyo ba na magkaibang-magkaiba ang orgasm ng babae kumpara sa mga lalake? Kung para sa mga lalake, sapat na ang simpleng stimulation,  iba-iba ang mga kinakailangan ng mga babae upang magkaroon sila ng orgasm.

Ang usapin ng orgasm ng babae ay komplikado, at hindi ito simpleng proseso. Ating alamin kung ano ang pinagkaiba ng orgasm ng babae sa orgasm ng lalake, at kung paano mapapadali sa mga babae ang mag-climax.

Bakit kakaiba ang orgasm ng babae?

Alam niyo ba na 10-15% ng mga kababaihan ay anorgasmic? Ibig sabihin, hindi sila makakaranas na magkaroon ng orgasm. At para naman sa ibang mga kababaihan, higit pa sa sex ang kinakailangan nila upang magkaroon ng orgasm.

Ibang-iba ito sa mga lalake kung saan mas straightforward ang kanilang pag-climax. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sigurado ang mga siyentipiko kung bakit magkaiba ang orgasm sa mga lalake at babae. Siguro ay epekto rin ito ng evolution at ng pagkakaiba ng katawan ng mga lalake at babae.

Ano ba ang orgasm?

Bago ang lahat, mahalaga munang pag-usapan natin kung ano ba talaga ang orgasm. Ayon sa sex therapist na si Stephen Snyder M.D., ang orgasm daw ay isang uri ng reflex, pero ito ay nagbibigay ng sarap.

Ayon sa kaniya, para raw itong pagbahing, na kapag sobrang intense ay mahirap pigilan. At pagkatapos, makakaramdam ka ng ginhawa o relief.

Para sa mga babae, hindi lang physical stimulation ang kailangan. Mahalaga rin ang psychological stimulation. Kaya nga mahalaga sa mga babae na sila ay “nasa mood” para maging masarap ang pakikipagtalik. 

Mga uri ng orgasm

Maraming uri ang female orgasm. Mayroong clitoral, vaginal, anal, at breast o nipple stimulation na puwedeng maging sanhi ng orgasm.

Iba-iba ito para sa bawat babae, at hindi porke’t effective ang isang uri ng stimulation sa isang babae ay ibig sabihin na effective ito para sa iba.

Bukod dito, may kaniya-kaniya ring paraan ng pag-stimulate ang bawat babae. May mga pagkakataon kung saan parehas na epektibo ang vaginal stimulation para sa 2 babae, pero magkaiba ang intensity at bilis ng orgasm para sa kanila.

Wala talagang “one-size-fits-all” na tip para sa pagkakaroon ng orgasm. Ang dapat tandaan ay alamin mo ang iyong katawan, at alamin mo ng iyong partner kung anong uri ng stimulation ang kailangan ng iyong katawan para magkaroon ng orgasm.

Hindi rin totoo na mas masarap ang vaginal orgasm kumpara sa ibang uri ng orgasm. Mayroon ngang mga babae na mas nasasarapan sa clitoral orgasm, at hindi sila nagkakaroon ng orgasm sa vaginal stimulation.

Mahalaga ang mental stimulation

Bukod sa physical stimulation, malaking factor rin ang mental stimulation para sa mga kababaihan. Kapag ikaw ay masyadong stressed, mayroong anxiety, at hindi ka makapagrelax, posibleng lalo kang mahirapan na magkaroon ng orgasm.

Kaya’t importanteng ipaalam mo sa iyong partner kung ano ang komportable na posisyon para sa iyo sa pakikipagtalik. Huwag kang matakot o mahiyang magsabi kapag hindi ka nagkakaroon ng stimulation sa isang posisyon.

Mabuti na ang malaman ng partner mo kung ano ang gusto mo, kaysa naghuhulaan lang kayong dalawa, at hindi ka rin nagkakaroon ng sexual satisfaction sa huli.

Maganda rin na ikaw ay mag-relax at magpakalma bago kayo mag-sex. Dapat komportable ka, at nasa “mood” ka na makipagtalik. Kapag nakuha mo ang lahat ng ito, siguradong mas mapapadali ang pagkakaroon mo ng orgasm.

Tandaan, mahalaga ang communication sa inyong mag-asawa. Huwag mahiyang magsabi ng iyong mga pangangailangan, at ituro sa iyong asawa kung paano ka niya mapapaligaya.

 

Source: LiveStrong

Basahin: 11 Reasons some moms find it difficult to orgasm

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara